CHAPTER 40

15 0 0
                                    

CHAPTER 40



ALEX RIVAS



Nakatayo siya sa harap ko at nakatitig sa akin. Hindi ko siya mabasa. Wala siyang pinapakitang emosyon, basta nakatitig lang siya sa'kin.



"B-bakit ganyan ka makatingin?!" Nauutal na tanong ko habang nakataas ang kilay. Pinipilit kong magtaray sa kanya para matakpan ang umaapaw na kaba na nararamdaman ko.



Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. Wala pa rin siyang sinasabi.



"H-Hoy Demitri Miguel Dela Vega! A-Ano bang problema mo?! 'Wag ka ngang lumapit sa'kin!" Kinakabahang sabi ko.



Naramdaman ko ang pader sa likod ko. Wala na 'kong maaatrasan pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghakbang palapit sa'kin.



Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit na parang naduduling na 'ko.



"Ano ba yan?! Lumayo ka nga sa'kin!" Pagalit na sabi ko pero imbis na lumayo ay mas lumapit pa siya. Pakiramdam ko hahalikan niya 'ko. Hindi ko mapigilan ang malakas na tibok ng puso ko. Bakit ganito?



Mabuti na lang at hindi lantarang umiral ang pagka-feelingera ko. Hindi ako pumikit kahit na akala ko hahalikan niya na 'ko. Syempre gano'n yung ibang babae, 'di ba? Kapag feeling nila hahalikan sila nung lalaki, pipikit sila. Tapos hindi naman pala sila hahalikan kaya napapahiya lang sila sa huli.



Hindi niya 'ko hinalikan pero lumapit siya sa tainga ko. Damang-dama ko ang bawat hininga niya. Napakagat-labi ako. Anong gagawin niya?



"Mahal kita." Bulong niya. Parang may sumabog na kung ano sa paligid ko. Fireworks yata.





"Aaaaaaaaaaaahhhh!" Malakas na sigaw ko nang daganan ako ng mga kapatid ko. Agad na tinakpan ni Kuya Chris ang bibig ko.



"Napakaingay mo!" Nakasimangot na sabi niya. Minsan talaga pakiramdam ko nakakalimutan nilang babae ako at hindi lalaking katulad nila.



"Tanghali na tulog na tulog ka pa! Gumising ka na dyan at maglinis ka na do'n!" Utos niya sa akin. Napairap ako.



"Ay Kuya, iniirapan ka oh!" Sumbong ni Clark kay Kuya Chris.



Binato ko siya ng unan. "Sumbongero!"



"Oy Lexa, maglinis ka ha. Wala na si Paul kaya wala na tayong taga-timpla ng kape." Kumunot ang noo ko.



"Ano namang connect no'n?" Naguguluhang tanong ko.



"Wala," Sagot niya saka tumawa nang malakas. "Kaya maglinis ka ng bahay." Dagdag niya pa saka lumabas sa kwarto ko. Mga baluga.



Bumangon na ako. Kapag talaga ganitong summer, nagiging katulong ako. Yung iba 'Off to Baler, Off to Boracay, Off to Singapore' tapos ako 'Off to Banyo, Palengke, at Kusina'. Napabuntong-hininga ako. Wala naman akong choice.



Halos dalawang linggo nang wala si Kuya Paul. Nasa Macau na siya. Akala ko nga hindi na siya tutuloy doon pero nagulat ako nung sinabi niyang aalis na raw siya. Nakaka-miss rin ang ganggong na 'yon.



"Lexa! May bisita ka!" Sigaw ni Kuya Chris mula sa sala. Napatigil naman ako sa pagtatanggal ng agiw sa kisame ng kwarto ko.



That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon