CHAPTER 6

243 4 0
                                    

CHAPTER 6

ALEX RIVAS

Tatlong araw palang ang nakakalipas mula nang sabihin ko kay Irra na hindi kami pwedeng maging best friends pero sa loob ng tatlong araw na iyon, ang dami na agad nagbago.

Unang-una, hindi na kami magkatabi sa first subject. Lumipat siya ng upuan. Ang totoo kasi, sa unang subject ko lang classmate si Irra. Psychology ang course niya. Kapag break naman, iba na din ang kasama niya. Sa canteen na ako kumakain at madalas na mag-isa. Wala din akong kaibigan.

Naguguluhan ako. Sanay naman akong tumanggi kapag may nagtatanong sa akin kung pwede nila akong maging kaibigan, pero iba si Irra. Parang may nagsasabi sa'kin na kausapin siya at pumayag na akong maging kaibigan niya. Ang gulo!

Break ko at sobrang nao-occupy ni Irra ang utak ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag-iisip ng mga paraan para magkaayos kami. Shiboli na ba ako? Nagulat na lang ako nang dalhin ako ng mga paa ko sa rooftop. Ano bang ginagawa ko dito? Anak ng teteng naman oh! Maglalakad na sana ako palayo kaso...

"Alex?" Nakita ako ni Irra. Humarap ako sa kanya at ngumiti nang pilit. It’s now or never!

"A-alam kong ang kapal ng mukha ko para kausapin ka pa ulit pero... pwede ba tayong mag-usap?" Kinakabahang tanong ko. Nababaliw na yata ako.

Lumabas ulit siya sa rooftop at sumunod ako.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan namin ang mga tao sa ibaba. Bakit ba 'ko kinakabahan? Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"U-una, Sorry talaga, Irra. Naiintindihan kong galit ka sa'kin dahil sa ginawa ko. Natatakot lang naman kasi ako eh." Paliwanag ko.

"Natatakot saan? Sa akin? Bakit, kakainin ba kita?" Tanong ni Irra. Ramdam kong may inis sa tono niya.

"Hindi! Hindi ako sa'yo natatakot. Natatakot lang kasi ako na baka maulit ang nangyari dati." Depensa ko.

Hindi siya sumagot kaya huminga ulit ako nang malalim bago ako nagsalita.

"Alam mo kasi Irra, no'ng high school ako, marami akong kaibigan. Akala ko lahat sila maaasahan. Akala ko lagi silang nandiyan para sa'kin. Sabi kasi nila, hindi sila mawawala sa tabi ko. Hanggang sa dumating 'yong time na sobrang kailangan ko sila. Pero lahat sila nawala. Lahat sila may excuses. Napakasinungaling nila! Kinaibigan lang nila 'ko kasi may kailangan sila sa'kin. At no'ng makuha na nila 'yon, unti-unti na silang umalis. Iniwan na nila 'ko." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala 'ko. Ngayon ko na lang inalala ang bangungot ko noong high school. Hindi ko maitatagong may kung ano pa rin sa puso ko dahil sa ginawa nila. Hindi ko alam kung galit ba, inis, asar o poot ang nararamdaman ko. Ewan ko na.

"Simula no'n, hindi na 'ko nakipagkaibigan ulit. Ayoko nang makipagkaibigan ulit. Hindi na 'ko nagtiwala sa iba. Natatakot kasi ako na baka mangyari ulit iyon eh. Na baka lahat na ng tao sa paligid ko, iyon na ang gawin sa'kin." Nagpipigil ng luhang sabi ko. Ang sakit pa din palang alalahanin ng mga 'yon. Hindi ko na nga naisip na aalalahanin ko pa pala ang bagay na 'to. Akala ko kasi pwede na lang 'yong kalimutan nang basta-basta. Hindi pala.

Nanahimik kami ng ilang minuto bago siya nagsalita.

"So that explains everything? Iyon ang dahilan kung bakit hindi ka lumalabas ng bahay niyo? Iyon ang dahilan kung bakit ayaw mong makihalubilo sa iba. Kasi ayaw mong makipagkaibigan. Kasi natatakot ka." Tanong ni Irra. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko natatandaang binanggit ko sa kanya ang hindi ko paglabas sa bahay namin.

"Paano mo nalaman 'yon?" Naguguluhang tanong ko.

Siya naman ang huminga nang malalim bago magsalita. Nagkakaubusan na ba kami ng hangin dito?

"Ang totoo niyan, matagal na kitang kilala." Sabi ni Irra. Lalo akong naguluhan. Paano? Sikat ba 'ko?

"Siguro hindi mo 'ko napapansin pero ikaw, lagi kitang nakikita. Kapag umuuwi ka galing sa school mo noong high school ka, nakikita kita. Lagi ka pa ngang naka-ear phones eh. Noon palang, gusto na kitang maging kaibigan kaso natatakot akong kausapin ka. Parang ang sungit mo kasi eh." Kwento ni Irra na talaga namang ikinawindang ko. Napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"Kaya no'ng first day, nakita kita ulit at sobra ko nang nilakasan ang loob ko para lapitan ka at makipagkaibigan sa'yo. Natuwa nga ako no'ng kausapin mo ako kahit papaano. Kaya lang, nasaktan ako no'ng sinabi mo na hindi mo ako pwedeng maging best friend. Naisip ko, baka nga masyadong malaki iyong hinihingi ko sa'yo kaya lumayo na lang ako." Pagpapatuloy niya pa. Literal na nakanganga talaga ako. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinasabi niya.

"Pero after hearing your explanation, I can see your point." Sabi niya.

"S-sorry talaga, Irra ha. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka eh. Natakot lang talaga 'ko. Pero alam mo, hindi ko rin maintindihan kung bakit magaan ang loob ko sa'yo. Nangibabaw lang talaga 'yong takot ko kaya I refused to be your friend. I’m really, really sorry." Nahihiyang sabi ko. Bakit ba 'ko napapa-english?

"Okay na 'yon. Naiintindihan na kita. Pero Alex, can we be at least friends? Please trust me. Hindi naman porket sinaktan ka ng mga dati mong kaibigan, ibig sabihin na agad, sasaktan din kita. Magkakaiba naman ang mga tao eh. Promise, hindi talaga ako magiging katulad ng mga previous friends mo. Gusto talaga kitang maging friend eh. Please, Alex?" Pagsusumamo niya. Natawa na lang ako sa pagpapa-cute niya.

Napangiti ako... Naiintindihan ko si Irra. Siguro nga mali talaga na nag-jump ako into conclusions na magiging katulad lang siya ng mga kaibigan ko noon. Nakalimutan kong iba-iba nga pala ang mga tao. Huminga ko nang malalim bago nagsalita.

"Alex, 'yong totoo? May hika ka ba? Kanina ka pa hinga ng hinga nang malalim diyan. Hindi ka ba makahinga?" Tanong ni Irra. Tiningnan ko siya nang masama. Tama bang sirain ang moment ko? Nandoon na 'ko eh.

"Hindi, joke lang, Alex. Continue." Natatawang sabi ni Irra.

"Oo na. Pumapayag na 'ko." Sabi ko kasabay ng muling pagngiti.

"Talaga?!" 'Di makapaniwalang sigaw ni Irra.

"Oo nga! Ang kulit." Natatawang sabi ko.

Bumaba na kami ni Irra at pumasok sa mga sumunod naming mga klase. Marami pala kaming pagkakapareho na ikinatuwa ko.

Sana lang hindi ako magkamali sa desisyon kong payagan si Irra na makapasok sa buhay ko. 

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon