CHAPTER 26

107 0 0
                                    

CHAPTER 26

ALEX RIVAS

"Mama, pwede po ba akong sumama kay Nikki sa mall? Nagpapasama kasi siya sa amin ni Irra kaso hindi pwede si Irra kasi aalis sila. Ako na lang ang sasama kay Nikki." Paalam ko kay Mama.

"Hindi pwede, manahimik ka rito." Sabi ni Mama. Ang sungit naman ni Mama.

"Pero Ma, kasi-"

"Dito ka lang, Alexandra ha. Aalis na ang-"

"Sige na, samahan mo na si Nikki. 'Wag ka lang magpapagabi at mag-iingat kayo lagi." Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya dahil biglang sumingit si Papa. Napangiti ako.

"Pero Kel, aalis-" Makikipagtalo pa sana si Mama nang sumingit naman ako.

"Sinong aalis, Ma?" Nagtatakang tanong ko.

"Ha? W-wala. Iyong kapitbahay nating sampung taon nang nakatira diyan, lilipat na ng bahay." Sagot ni Papa sa tanong ko. Bakit naman maba-bother si Mama sa paglipat ng kapitbahay namin, eh hindi naman sila naging close?

"Ah okay." Nagkibit-balikat ako. "Sige po, Pa. Thanks!" Hinalikan ko si Papa sa pisngi at niyakap ko siya nang mahigpit para ipakita na masaya ako sa pagpayag niya. Nakita ko namang bumuntong-hininga si Mama at umiling-iling. Bakit kaya? Lumabas na 'ko sa kwarto nila at pumunta sa sarili kong kwarto para makapag-ayos ng sarili ko.

Pupunta ako sa mall kasama si Nikki. Gusto niya daw kasing lumabas. Pagbigyan!

Natapos na rin ang speech ni Tri. Impressive. 'Yan ang pinagmamalaki niya sa'king remark daw ng prof niya. Yabang talaga ng antipatikong lalaking 'yon. Pero magmula noong matapos ang speech niya, hindi na rin kami nag-usap pa. Nakikita ko siya at nakikita niya ako pero hindi kami nag-uusap. Ano pang pag-uusapan namin? Sabihin na lang natin na dedma na kami sa isa't-isa. Siguro maganda na rin 'yon, hindi na mag-eepal ang puso ko kapag kausap siya. Maharot.

Pero bakit ba parang gustung-gusto ko siyang makausap? 'Yong feeling na ang lapit-lapit niya lang pero pakiramdam ko ang layo niya. Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa utak ko.

Nagtataka talaga ako sa ikinikilos ng mga tao sa bahay namin. Para kasing may something na hindi ko alam. Baka may surprise. Kasi bago ako umalis, niyakap ulit ako ni Papa nang mahigpit. Hindi na nga ako makahinga kanina. Tapos nagbibilin siya ng mga bagay-bagay. Namamaalam lang? Tapos sabay na naman ng day-off sila Kuya. Ano 'to, puro day-off na lang? Hindi kaya aalis na ulit si Papa at magtatrabaho? Pero malabo eh. Sabi nila next week pa ang alis niya. Paranoid lang siguro talaga ako.

"Hoy, Alex!" Nakasimangot na puna sa akin ni Nikki. Nasa McDo kami at kumakain.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon