CHAPTER 22

119 3 4
                                    

CHAPTER 22

ALEX RIVAS

"You're late." Bungad sa akin ng antipatikong estrangherong ito pagpasok na pagpasok ko sa library.

"Ng isang minuto." Sabi ko naman sa kanya.

"You're still late." Giit niya.

"Ng isang minuo nga!" Hindi rin nagpapatalong sabi ko. Isang minuto lang ang ikina-late ko eh. Ang arte talaga ng lalaking 'to.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko kay Tri.

"Talaga bang naiiwan mo ang utak mo kapag pumapasok ka? What do you think is the purpose of a library?" Sarkastikong sabi niya. Inirapan ko siya. Napaka-pilosopo ng bwisit na ito.

"Nagtatanong lang eh." Bulong ko habang pinapanuod siyang isulat ang pangalan niya sa logbook ng library. Demitri Miguel Dela Vega? Iyon ang pangalan niya?

"Ahahahahahahahahahaahaahahaha." Walang pakundangang pagtawa ko.

"Sshhhh!" Saway sa akin ng masungit naming librarian kaya tumigil ako sa pagtawa. Humingi ako ng paumanhin pero hirap na hirap akong magpigil ng tawa. Parang sasabog na ang puso ko sa pagpipigil na ginagawa ko.

Siguro halatang nagpipigil ako ng tawa kaya tiningnan ako ni pffft-Demitri nang nakataas ang isang kilay niya.

"What's funny?" Tanong niya.

"Ikaw." Sagot ko habang pilit pinipigilan ang tawa ko. Itinuro ko pa siya. Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka na naiinis. Natatawa talaga ako.

"D-Demitri talaga ang pangalan mo?" Natatawang tanong ko sa kanya. Napakababaw ng kaligayahan ko. Natatawa talaga ako sa pangalan niya.

"What's wrong with my name?" Tila asar na asar na tanong niya. Pakiramdam ko nga, kung pwede niya lang ihampas sa akin ang logbook na sinusulatan niya ay baka kanina niya pa ginawa.

"'Di ba pangalan ng Greek goddess 'yon? Tatawagin na ba kitang Demi magmula ngayon?Nang-aasar na sabi ko sa kanya at tumawa pa ako. Napakagwapo niya tapos ang pangalan niya, pambabae? Niloloko niya ba 'ko?

"Don't you dare." Mahina pero madiing sabi niya. Medyo kinabahan ako dahil galit na siya pero hindi ko pa rin mapigilan ang matawa. Napakababaw ko talaga. Halos mamatay na ako sa kasiyahan para sa maliit na bagay na 'yon.

Tinitigan niya ako nang masama kaya pinilit ko na'ng tumigil sa kakatawa. Naglakad siya papunta sa mga shelves habang ako naman ay naghanap ng mauupuan. Nang akmang pupunta na ako sa table malapit sa bintana, nagulat ako dahil biglang may humatak sa braso ko.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon