CHAPTER 32

81 2 0
                                    

CHAPTER 32

ALEX RIVAS

Tagaktak na ang pawis ko at pudpod na ang daliri ko kakapindot sa pesteng doorbell na 'to pero wala pa ring nagbubukas. Nasaan ba kasi ang mga tao? Nakakainis naman!

"Sandali nga! Ano bang akala mo sa doorbell namin, piano?!" Iritadong sabi no'ng taong naglalakad palapit sa akin at magbubukas ng gate. Aba, siya pa ang may ganang magreklamo?

"Hoy Ate Katie Mondragon! Buksan mo na nga 'tong gate niyo at inaamag na ako dito sa labas! Kulay lupa na 'ko!" Sigaw ko rin sa kanya. Ang bastos ko rin eh.

"Sus! Ikaw lang naman pala 'yan Alex eh. Akala ko kung sino. Sige, diyan ka na sa labas. Tinatamad na akong magbukas ng gate." Buong pagmamalditang sabi niya. Tingnan mo 'yan. Hahawakan niya na lang ang lock ng gate nila para makapasok ako, hindi pa tinuloy. Bastusin talaga 'tong pinsan ko eh.

Pinagbuksan niya rin naman ako at nakatanggap siya ng kaltok de kalimot bilang reward. Ang bait ko talaga.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Ang ganda talaga ng bahay nila. Sa magkakapatid kasi, si Tita Grace ang, sabihin na nating, pinakanakakaangat sa buhay.

Binuksan ko ang wifi ng cellphone ko at automatiko namang kumonekta ito sa wifi nila. Naupo ako sa sofa at nagsimulang mag-Twitter. Sabog notif ko ah?

"Hoy, ano pumunta ka rito para maki-wifi?" Tanong ni Ate Katie.

"Sandali nga! Nagt-Twitter pa 'ko. Pinabibigay ni Mama 'yong paperbag na dala ko. Nandoon na din 'yong librong hinihiram mo." Sagot ko sa kanya nang hindi tumitingin dahil busy pa rin ako sa kaka-Twitter.

"Ay talaga?! Yes!" Excited namang kinalkal ni Ate Katie ang paperbag na dala ko. Nilabas niya roon ang libro ng Hunger Games.

"Hoy, ayusin mo ang paggamit nyan ha! Mas mahal pa 'yan sa buhay mo." Pabirong sabi ko.

Naging routine na namin ni Ate Katie na tuwing pupunta ako sa kanila o siya sa amin, manunuod kami ng movie.

"Oy, gumawa ka na ng pastillas para magsasalang na ako ng movie. Ano bang gusto mong movie?" Tanong ko sa kanya.

"Horror na lang tayo! The Conjuring, dali! Hanapin mo diyan." Sabi niya at dumiretso na siya sa kusina pagkatapos. Sinimulan ko na ring hanapin ang movie na gusto niya. Ayos 'yan, tirik na tirik ang araw sa labas tapos horror ang papanuorin namin.

Magkatabi kaming naupo sa sofa. Nakakumot kami, may tig-isang unan at kumakain ng pastillas. Nakapatay rin ang mga ilaw at nakasarado ang pinto at ang mga bintana. Naging madilim tuloy sa buong bahay nila.

"What the fuck are you watching?!" Galit na sigaw ng isang lalaki sa likod namin. Nilingon namin siya ni Ate Katie at hindi na pinansin.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon