CHAPTER 4

301 7 2
                                    

I dedicate this chapter to themademoiselle. Hi Sissy! I owe you my BEAUTIFUL COVER! Haha! Thank you! :*

CHAPTER 4

ALEX RIVAS

Naglilinis ako ng bahay. Kami lang ni Kuya Chris ang nandito pero si Kuya, tulog pa sa kwarto nila. Tatlo kasi silang lalaki sa kwarto. Ako, mag-isa lang. Si Kuya Paul naman nasa trabaho. Mamaya pang gabi ang trabaho ni Kuya Chris. Bar tender nga kasi siya sa isang bar. Si Mama pati si Clark naman ay nasa mall. May bibilhin daw kasi si Mama.

Tapos na akong maglinis. Pinatay ko ang mp3 ko. Nagpapatugtog kasi ako habang naglilinis. Nakaupo lang ako sa sofa at nagpapahinga nang biglang…

"Tao po! Tao po! Tao po!"

Sino naman kaya 'to? Hindi makapaghintay? Pwede wait lang?

"Ito na saglit lang!" Sigaw ko.

Pagbukas ko no'ng pintuan... 

"Beh!"

Nasapok ko na lang ang sarili kong noo. Ba't ba hindi ko nabosesan 'tong mga 'to? Si Tita Lian lang pala tsaka si Tita Jazmin, mga kapatid ni Papa.

"Hindi mo man lang ba kami papapasukin, Xandy?" Tanong ni Tita Jazmin. Ang daming tawag sa'kin. Mga pauso kasi sila eh. Pwede namang Alex na lang.

Binuksan ko nang mas malaki ang pinto para makapasok sila. Bigla naman silang humilata sa sofa pagkapasok nila.

"So what brought you here?" Tanong ko. Pati ako ay napapa-English kapag kausap ko sila.

"Nakapag-impake ka na ba?Biglang tanong ni Tita Lian.

"Impake? Para saan?" Naguguluhan kong tanong. Saan naman ako pupunta? Papalayasin na ba 'ko? Ano bang ginawa ko?

"Hindi pa sinasabi sa'yo ng Mama mo?" Tanong ni Tita Jazmin.

"Sinasabi ang alin?"

"Pupunta tayo ng Boracay bukas, ano ka ba?" Sabi ni Tita Lian. Napanganga na lang ako. Di pa 'ko nakakapunta doon eh. Sabi nila maganda daw do'n. Nakaramdam ako ng excitement.

"Ba't 'di niyo naman sinabi agad? Ito na, mag-iimpake na nga ako eh." Excited kong sabi.

"Pretty excited, huh, Xandy?" Nakangiting tanong ni Tita Jazmin.

"Tita Jazz! Boracay kaya 'yon! At utang na loob, please lang! Tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Xandy. Masyadong girly." Reklamo ko tsaka ako tumakbo paakyat sa kwarto ko para mag-impake. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa sinabi ko.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon