CHAPTER 38

32 0 0
                                    

CHAPTER 38



ALEX RIVAS



"Gunggong ka talaga, Marcus." Naiiling at nangingiting bulong ko habang pinagmamasdan ang bungkos ng pink na rosas na pinaaabot na naman ni Marcus kay Irra.



In all fairness, ang sweet. Last week pa nagsimulang magpadala si Marcus ng mga rosas kay Irra. Araw-araw yun, walang palya. Pati yata Sabado at Linggo, may natatanggap na rosas si Irra. Pag-ibig nga naman.



Napapaisip tuloy ako. Bakit kaya ako, wala pa? Hindi naman sa ikinukumpara ko ang sarili ko kay Irra. Minsan lang kasi mapapatanong ka na lang. Magse-second year college na 'ko pero hanggang ngayon, wala pa rin. Nakakatawa lang isipin na tinalo pa 'ko ng mga mas bata sa'kin. Elementary palang, taken na. Ako, College na, NBSB pa rin. Pero hindi naman ako masyadong nagmamadali, nagtatanong lang.



Pinili kong ngumiti at muling titigan na lang ang mga rosas na hawak ko. Siguro, taga-kilig muna ang role ko ngayon sa lovestory nila Nikki. Baka hindi pa ito ang time para sa'kin.



Umihip ang malakas na hangin. Ang drama ko naman. Natatawa na lang ako sa sarili ko.










"You look stupid."



Awtomatikong dumiretso ang likod ko at para akong biglang kinabahan. Boses at pananalita niya palang, alam na alam ko na. Walang pakundangang umupo sa harap ko si Demitri Miguel Dela Vega. Bastos.



Napalunok ako pero nanatiling walang emosyon. "Mukha ba 'kong may pake?" Mataray na sabi ko.



Sumungit ang mukha niya. "My brother asked me to give you this." Seryosong sabi niya saka iniabot sa akin ang isang black and white at maliit na envelope.



"Ano 'to?" Kunot-noong tanong ko saka binuksan ang envelope. "Invitation?" Muling tanong ko nang mapagtanto kung ano ang laman ng envelope.



"Why do you always have to ask the obvious?" Tila naiiritang balik-tanong sa akin ni Tri. Umaariba na naman ang kasungitan niya. Parang laging yamot 'to sa'kin. Inaano ko ba siya?



"Alam mo ang sungit mo, 'no? Alam kong invitation 'to pero ang ibig kong sabihin, para saan? Bakit niyo 'ko binibigyan nito?!" Tumaas ang boses ko. Naiinis ako sa kasungitan niya.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon