CHAPTER 41

21 0 0
                                    

CHAPTER 41



ALEX RIVAS




"Gusto mo bang sumama sa Baler?"



Mabilis akong napabalikwas sa pagkakadapa sa kama ko sa tanong ni Ate Katie. Gulat ko siyang hinarap. Baka mali lang ako ng rinig.



"Anong sabi mo?" Tanong ko.



Binitawan niya ang librong hawak niya at inilapag iyon sa study table ko saka humarap sa akin. "Ang sabi ko, napakaganda ko!" Nakangising sabi niya. GGSS talaga 'to minsan.



"Ewan ko sa'yo, baliw." Umiirap na sabi ko saka muling dumapa sa kama.



Binuksan ko ang librong kabibili ko lang noong isang araw, The Last Best Kiss.



Narinig kong tumawa siya. Nababaliw na nga talaga si Ate Katie. "Ang sabi ko, gusto mo bang sumama sa Baler?" Mas malakas at mas klarong sabi niya. Hindi na siguro ako nagkamali nang dinig.



"Oo naman!" Excited na sabi ko samantalang nagtanong lang naman siya.



Natawa siyang bigla. "Kaso lang," Binitin niya ang sasabihin niya. Binato ko siya ng unan kasi alam kong sinasadya niyang bitinin ako. "No parents allowed policy."



Nawala ang malaking ngiti sa mga labi ko. "Ah. 'Wag na lang pala." Tinatamad na sabi ko. Alam ko rin namang hindi ako papayagan nila Papa. "Tsaka wala rin akong pera." Dagdag ko.



"Uy hindi, baliw. Libre lahat yun." Pag-iimporma sa akin ni Ate Katie.



"Anong libre ka dyan? Ang layo kaya ng Baler."



"Hay nako, Alex." Inirapan niya ako. "Ininvite kasi ako nung kaibigan ko sa Baler. May hotel sila doon. Libre daw lahat, accomodation and everything. Pwede nga akong magsama eh."



"Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang mag-aaya nang gano'n? Pa'no kung magsama ka ng isang barangay, okay lang sa kanya?" Tanong ko.



"Malakas kasi ako do'n." Mayabang na sabi ni Ate Katie. Siguro may gusto sa kanya ang kaibigan niyang yun kaya gano'n na lang kung makapag-imbita.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon