CHAPTER 35

131 2 0
                                    

CHAPTER 35

ALEX RIVAS

Valentines' Day

Araw na kinasasabikan ng mga taken at isinusumpa naman ng mga single. Isang araw kung saan malaya ang kahit na sino na makipaglandian.

"Bakit ba ako ang naisipan niyong gambalain?" Napakamot ako sa aking kanang kilay habang pupungas-pungas na tinitingnan ang nag-aayos na sila Irra at Nikki.

"Sino pa bang pwede naming gambalain bukod sa'yo?" Balik-tanong ni Irra habang naglalagay ng lipstick na pink.

Alas-otso ng umaga nang marinig nila Mama ang maingay na tunog ng aming doorbell. Akala daw nila kung sino, iyon pala ang dalawang abnormal na ito lang. May dala silang kung anu-anong abubot.

"Sabihin niyo nga sa'kin, sinong tao ang nasa matinong pag-iisip at pupunta sa bahay ng kaibigan niya nang ganito kaaga para lang mag-make up? Wala ba kayong bahay?" Naiiritang sabi ko dahil ginising nila ako nang wala sa oras. Alas-otso palang!

"'Wag na mag-inarte! Sige na, maligo ka na do'n. Dali!" Utos sa akin ni Irra. Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo ko sa aking kama.

"Ayoko. Maaga pa. Iligpit niyo 'yang kalat niyo kapag umalis kayo." Bilin ko saka ako muling nahiga at binalot ang sarili sa kumot. Nakaramdam ako ng guilt nang maisip ko ang mga salitang nabitawan ko. Ang sama ko naman.

Wala sa loob na napabangon akong muli. "Sorry."

"Hindi ayos lang, Alex. Aalis na lang kami." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nikki at ang tampo sa pagkakasabi niya. Muli akong nagsisi sa sinabi ko. Nagsimula silang magligpit ng mga gamit nila. Napakatanga.

"Uy joke lang naman 'yong sinabi ko. Sorry na." Pagbawi ko sa mga sinabi ko.

"Okay lang nga. Kung ayaw mong maligo tsaka ayaw mo na nandito kami, it's okay."Sabi naman ni Irra. Napairap ako.

"Oo na, maliligo na 'ko. Napakadrama niyo." Narinig ko pa ang pagtatawanan at pag-apir nila ni Nikki bago ako lumabas ng kwarto. Sinasabi ko na nga ba at niloloko lang ako ng dalawang 'yon eh.

Wala akong nagawa kundi ang maligo. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noon sa mall. Ngayon na lang kami ulit nagkita at nagkausap nila Irra at Nikki. Alam kong may alam na sila kahit hindi nila sabihin. Hindi rin sila nagtanong kung sino sila Victoria at Rich. Ipapaliwanag ko rin naman pero saka na siguro.

"Ito na lang, Niks."

"Mas maganda 'to sa kanya, Irra. Promise!"

"This would look better on her."

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon