CHAPTER 7

231 6 0
                                    

CHAPTER 7

ALEX RIVAS

Biyernes. Nandito ako sa kwarto ko at kasalukuyang gumagawa ng mga homeworks.

~ Tonight, we’re taking over

   No one’s getting out

   This place is about to blow ~

Natigil ako sa ginagawa ko nang umalingawngaw sa buong kwarto ang tunog ng cellphone ko. May tumatawag. Tumingin ako sa paligid ko para hanapin ang cellphone ko. Nawindang ako sa mga papel na nakakalat sa buong kwarto. Kailan pa naging tambakan ng papel ang kwarto ko? Natataranta na ako kakahanap sa cellphone ko. Nasaan na ba kasi 'yon?

Nakita ko ang cellphone ko sa ilalim ng kama. Paano 'to napunta sa ilalim ng kama? Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Bungad ko.

"Kambal!" Napairap na lang ako nang mapagtantong si Irra ang kausap ko. 

"Teka lang." Sabi ko.

"Huh? Bakit? May ginagawa ka ba?" Tanong niya.

"Ay naku wala! Actually, pupulutin ko lang ang ear drums kong nalaglag sa sahig." Sarkastikong sabi ko.

"Oh sige pulutin mo na. Teka muna! May sasabihin ako!" Natatawang sabi ni Irra.

"Huhulaan ko, napagalitan ka, 'no?" Tanong ko. Sa sandaling panahon na nakilala ko siya, marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Kapag napapagalitan siya ng Papa niya, sa akin siya nagsusumbong. Para namang may magagawa ako.

"Ano pa nga ba?" Huminga siya nang malalim. "Pwede bang ampunin na lang ako ng parents mo? Mabait naman ako eh." Malungkot na tanong niya.

"Baliw! Pumunta ka na rito, baka kung ano pang masabi sa'yo ng Papa mo eh. Dito ka na matulog." Sabi ko. Magkalapit lang ang bahay naming dalawa kaya ayos lang kahit pumunta siya dito sa bahay. Nakapunta na rin naman ako sa bahay nila Irra. Tsaka kilala na siya nila Mama kaya okay lang na matulog siya dito. 

"Yes! Thank you, kambal! I’m on my way." Excited na sagot ni Irra. Kahit kailan talaga 'to.

Pumunta ako sa kwarto ni Mama. Sasabihin ko lang na dito matutulog si Irra dahil may gagawin kami. Ayokong sabihin ang totoo, wala rin naman silang magagawa. Pumayag naman si Mama kaya sa labas ko na lang hinintay si Irra.

"Oh?! Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na! 'Wag ka nang magpabagal-bagal diyan! Hindi kita binabayaran para magpabagal-bagal!" Natatawang biro ni Irra. At home na at home talaga ang babaeng 'to eh. Hinintay ko siya sa labas pero nauna pa siyang pumasok sa bahay NAMIN. Tapos binabayaran niya daw ako?

Inirapan ko siya bago kami pumasok sa loob.

"Kwento na." Utos ko.

"Dito talaga tayo sa sala niyo? Tsaka hindi mo man lang ba ako ipaghahanda ng pagkain? Gutom na 'ko eh. Hindi ako kumain sa bahay. Nasa dining kasi si Daddy." Tila nagpapaawang sabi niya. Tingnan mo 'yan. Grabe talaga 'tong babaeng 'to!

"Wow ha! Oo na, sige na. Tara do'n sa kusina. Kuha tayo ng pagkain tapos do'n na lang tayo sa kwarto ko. Ano pa po, Senyora?" Punung-puno ng sarkasmo ang pagkakasabi ko. Tinawanan lang ako ni Irra. Baliw.

Nagkwento siya. At ang kwento niya, nagalit daw ang Daddy niya dahil nakita siyang nagse-cellphone na naman. Galing daw ang Daddy niya sa palengke tapos pagkauwi nakita siyang nagfo-phone. Hindi alam ng Daddy niya, katatapos niya lang maglinis ng bahay nila at nagpapahinga siya. Hindi ko napigilan ang matawa dahil naungkat ang lahat ng kasalanan niya hanggang doon sa kutsaritang hindi niya nahugasan.

"Hahahahaha! Ang tibay talaga ng tatay mo!" Tawang-tawang sabi ko.

"I hate you! Nagda-drama ako dito tapos tinatawanan mo lang ako." Nagtatampong sabi ni Irra sabay hampas sa'kin ng unan.

"Eh kasi naman eh. 'Yong kutsaritang hindi mo nahugasan. Hahahahaha!" Hindi na makahingang sabi ko tapos hinampas ko din siya ng unan. Hindi namin alintana ang ingay na ginagawa namin. Para kaming mga bata.

Kung anu-ano pang pinagkwentuhan namin. Hanggang sa inabot na kami ng alas-dose sa kakakwento ng kung anu-ano.

"Hoy babae! Antok na 'ko. Tulog na tayo." Sabi ko sa pagitan ng paghikab.

"Oo na, sige. Thank you nga pala kasi pinatulog mo 'ko dito, kambal ha! Matatakbuhan talaga kita kapag tumatakas ako sa bahay. I love you!" Sabi ni Irra. Isa sa mga pagkakapareho namin ang birthday namin. Parehas kami ng birthday kaya kambal daw kami.

"Anytime naman pwede ka dito. Sige na, tulog na tayo. Good night. I love you." Sagot ko. Tumabi na siya sa'kin.

Hindi ako nagsisisi na nagtiwala ako kay Irra. Masaya akong kaibigan ko siya, best friend ko na nga siya eh.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon