CHAPTER 9

249 5 2
                                    

CHAPTER 9

ALEX RIVAS

Ugh! Nasaan na ba si Irra?! Sa totoo lang, kanina ko pa siya hinihintay. Isang oras at kalahati na ang inilalagi ko sa gate na 'to. Nasaan na ba kasi siya? Madilim na. Kanina pa din text ng text si Mama.

Isang minuto na lang. Kapag wala pa siya, aalis na talaga ako!

Napabuga ako ng hangin. Sino bang niloko ko? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang iwan si Irra. Naglakad na lang ako papunta sa CR.

IRRA YAP

Grabe! Ang sarap kakwentuhan ni Nikki. I enjoyed her company.  Ang tagal din naming nag-usap. Hindi ko na nga napansin na madilim na pala. Naglalakad kami papunta sa gate. Nandiyan na daw ang sundo niya.

Wait! Parang familiar ang damit no'ng babaeng makakasalubong namin. Parang nakita ko na. Hindi ko pa nakikita ang mukha no'ng babae, medyo malayo pa kasi siya sa amin. Kailangan ba talagang pare-parehas ng suot ang mga students dito? Sasayaw ba sila or uso talaga ang ganoong damit? Hindi naman kasi mandatory ang uniform sa Richmond. You can wear whatever you like as long as karespe-respeto ang suot mo.

"Alex?!" I shouted. Shocks! I forgot! Kasama ko nga pala si Alex! Lagot ako nito!

Si Alex pala ang makakasalubong naming babae. Nasa harap na namin siya ni Nikki. Napadasal na lang ako sa sobrang kaba. Oh God!

"Ah-ah-ah ano A-Alex, kasi ano..." Hindi ko mabuo ang sasabihin ko dahil sa takot kay Alex. Mas nakakatakot siya kaysa sa multo.

"A-Alex, siya si N-Nikki. Ano, Nikki, siya naman si Alex, best friend ko.Kinakabahang sabi ko. Do I stammer that much?

"Hi! Ako si Dominique Isabele Villafuerte. Nikki na lang." Nikki introduced herself.

"Uh, hello! I’m Alexandra Rielle Rivas. Alex na lang.Sabi ni Alex. Her voice sounds so calm pero alam ko na inis na inis na siya. Pinipigilan niya lang dahil nandito si Nikki. I’m so dead!

"Irra, mauuna na pala 'ko. Kanina pa kasi ako hinahanap ni Mama eh. Sige ha? Nikki, mauna na 'ko. Nice meeting you." Paalam ni Alex. What should I do?

"S-s-sasabay na 'ko sa'yo, Alex.I told her. Kailangang mawala ang inis niya sa'kin ngayong araw din na 'to.

"Mauuna na rin pala 'ko, Nikki ha. Salamat sa time mo. See you tomorrow!" Paalam ko kay Nikki.

"Ah? Sige, sige. Ingat kayo. Thank you nga rin pala, Irra ha. Sobra. Alex, nice meeting you din.Nakangiting sabi ni Nikki.

Naglakad na kami ni Alex palayo. Hindi ako makalapit, alam ko kasing naiinis pa din siya. Nag-isip ako ng pwedeng peace offering. Ano kayang pwede?

Tama! Iyon nga! Sigurado akong mawawala na ang inis ni Alex sa ibibili ko sa kanya.

No'ng malapit na kami sa bilihan ng peace offering ko, hinila ko si Alex.

"Irra, ba't ka ba nanghihila?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Diyan ka lang!Pilit ko siyang pinaupo doon sa upuan. Mabilis akong naglakad para mabili na ang kailangan ko.

"Kuya, tatlong order nga po ng kwek-kwek.Binigay naman agad ni Kuya ang in-order ko. Pinuntahan ko na si Alex na nakaupo pa din doon sa upuan. Kwek-kwek ang  peace offering ko. Weird, isn't it?

"Alex oh. Peace offering ko. Sorry na, Alex! Sorry talaga. Nawala lang kasi sa isip ko na hinihintay mo 'ko eh. Sorry talaga. Sorry. Sorry. Sorry." Naiiyak na 'ko. Hindi man lang kasi nagsalita 'tong si Alex.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Okay na 'yon, ano ka ba? Hindi na 'ko naiinis. Sorry din ha. Teka, talaga bang para sa'kin lahat ng kwek-kwek na 'to?" Masayang tanong ni Alex. Favorite niya ang kwek-kwek. Tila nagniningning ang mga mata niya. I shook my head. Napakababaw talaga ng isang 'to.

"Oo naman 'no! Pero Alex, bati na tayo ha? 'Wag ka nang magalit. Ganito kasi ang nangyari kanina eh..." I was about to tell her what happened but she stopped me half way.

"Hep! Bukas mo na lang ikwento, Irra. Gabi na kasi eh. Hinahanap na 'ko ni Inay Margie. Isama mo na lang si Nikki sa atin bukas, okay?Ang bilis talaga ng mood swing ng babaeng 'to. Parang kanina lang nababalutan siya ng itim na aura, ngayon naman ang lapad na ng ngiti niya. Baliw talaga siya.

"Oo na, sige. Bukas na lang. Tara na. Doon mo na kainin 'yang kwek-kwek sa bahay niyo.Sabi ko. Pinabalot ko iyong kwek-kwek para maiuwi ni Alex.

"Oh sige, tara na. Thank you nga pala dito, Irra ha? Alam mo talaga kung anong makakapagpa-good vibes sa akin. Best friend talaga kita." Sabi ni Alex na ikinagulat ko.

"Best friends na tayo?!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

"May sinabi ba 'kong gano'n? Wala ah.Pagkukunwari ni Alex. Baliw talaga. I’m so happy, we’re Officially Best Friends.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon