CHAPTER 5

253 5 3
                                    

CHAPTER 5



ALEX RIVAS



Kakauwi lang namin galing Boracay noong isang araw. Ang dami kong nabili. Bumili ako ng t-shirts mula sa Boracay. Binilhan ko sila Kuya Paul. Ang ku-cute nga no'ng mga nabili ko eh.



'Yong si Kuyang Stranger? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Noong araw na tinulungan niya akong buksan ang pintuan ng kwarto namin, iyon na din ang huling kita ko sa kanya.



Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. First day ko na sa Richmond bukas. Medyo kinakabahan ako. Nakakapraning. Magmula bukas, College na 'ko.



"Okay! That's all. Welcome to Richmond!" Nakangiting sabi no'ng lalaki sa aming mga bagong estudyante pa lang.



Kalalabas ko lang ng auditorium. May orientation kasi para sa mga new students. Wala nga akong na-gets kay Kuya eh. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Basta nag-explain siya ng mga patakaran sa Richmond. Wala naman akong naintindihan, hindi naman kasi talaga ako nakikinig.



HALA! Alas-otso na pala, may klase na ako ng 8:15. Nagpakawala ako ng hangin. Kaya ko 'to!



Hinanap ko ang room ko. Madali ko naman 'yong nakita. Ganito pala ang itsura ng classroom sa college. May mga nagdadaldalan, may natutulog, may lalaking nagpapakilala sa isang babae, may babaeng nagpapa-cute sa isang lalaki at may mga nagbabasa ng libro. Wala pa 'yong prof. Nagpasya akong umupo sa pinakalikod ng room.



"Annyeong! Ako nga pala si Eisha Saphirra Yap! Irra for short. Ikaw, anong name mo?"Sabi ng maingay na babae na biglang tumabi sa akin.



"Ako si Alexandra Rielle Rivas. Alex na lang." Sagot ko at binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Mukha siyang mabait kaso...



"Ang cute naman ng name mo, parang ako lang." Nakangiting sabi ni Irra. Ano daw? Natawa na lang ako sa self-confidence niya.



"Ha-ha-ha!" Awkward kong pagtawa.



"Joke lang 'yon, ano ka ba? Ikaw ang cute, maganda pala. May friend ka na ba dito? Bago kasi ako dito eh. Pwede ba kitang maging best friend?" Tanong ni Irra. Best friend agad? Eh kakakilala pa lang namin ah? Baliw na siya.



"Best friend agad? Eh kakakilala mo palang sa akin ah? Malay mo masama pala 'ko." Sagot ko sa kanya.



"Ewan ko, magaan lang talaga ang loob ko sa'yo ever since nakita kita. Tsaka hindi ka naman mukhang masama eh. Best friends na tayo ha? Ha? Ha? Ha?" Pangungulit pa niya. FC ang peg!



Hindi ako makasagot sa tanong niya. Kung best friends na daw ba kami? Tinitigan ko lang siya. Gusto ko siyang maging kaibigan kasi mukha talaga siyang mabait at baliw. Kaya lang, natatakot ako na mangyari ulit 'yon...



"Huy! Ano na'ng sagot mo?" Sabi ni Irra.



"Ha? Ah eh, nandiyan na 'yong prof natin oh." Natatarantang sabi ko sabay turo doon sa prof namin na kakapasok lang ng room. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko.



Tumingin naman si Irra doon sa prof. Hindi na kami nakapag-usap ulit dahil hindi na tumigil iyong bibig ng prof namin. Parang pwet ng manok ang bibig niya.



Mamaya ko na nga lang iintindihin si Irra. Makikinig muna ako sa lessons. First day, lessons? Jusme patawarin!



"Hay! Grabe Alex 'no? Hindi man lang napagod si Sir kakadaldal. Dalawang oras ding walang tigil ang bibig niya ah!" Pabulong na sabi ni Irra. Nasa room pa kasi kami, baka may makarinig sa kanya at isumbong siya kay Prof.



"Ha? Oo nga eh." Natatawang sabi ko. Naalala ko na naman iyong tinanong ni Irra kanina. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa din alam ang isasagot ko.



"Tara! Sabay tayong mag-break. Doon tayo sa rooftop. Sa tingin ko maganda do'n."Suhestiyon ni Irra sabay hila sa kamay ko. Break namin pagkatapos ng first subject. Hindi man lang ako hinayaang sumagot, basta na lang akong hinila.



Tapos na kaming kumain. Nawindang ako kay Irra, todo daldal siya habang kumakain. Iyong iba niya ngang sinasabi ay hindi ko na naintindihan, oo na lang ako ng oo.



"Ah! I almost forgot! Best friends na tayo, right?" Tanong ulit ni Irra. Akala ko pa man din nakalimutan niya na. Nagbuntong-hininga ako. Kailangan ko pa din namang sabihin sa kanya 'to eh. Kaso parang may pumipigil sa akin...



"Irra kasi... kasi... kasi hindi pwede eh. H-hindi tayo pwedeng maging best friends. S-sorry ha." Napayuko ako. Unti-unti akong kinakain ng guilt.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon