CHAPTER 20

123 0 0
                                    

CHAPTER 20

ALEX RIVAS

"Oo, sobra talaga akong natawa sa parteng 'yon. Ang sakit sa tiyan." Hindi magkamayaw sa kakatawang sabi ko kay Irra.

"I know, right?" Natatawang ring pagsang-ayon niya.

"Teka, ano ba 'yang dala mo?" Tanong ko sa kanya nang mapansin ang paper bag na kanina niya pa hawak.

"Ito?" Tanong niya sa akin sabay taas ng paper bag na hawak niya.

Umirap ako. "Ay naku, hindi! Hindi 'yan!" Sarcastic na sagot ko.

"Tse! Costume kasi 'to ni Quisha para doon sa play nila sa school. Pinadaanan sa akin ni Mommy do'n sa pinagrentahan." Sagot niya.

"Ah." Sabi ko kasabay ng pagtango. "Uy! Kailan pala tayo mag-e-enroll? Patapos na ang sembreak ah. Dapat sabay-sabay tayong tatlo para maayos ang schedule natin." Sabi ko dahil malapit nang matapos ang sembreak namin.

"Oo nga pala! Ewan ko. Tingin mo, Nikki?" Tanong ni Irra kay Nikki. Napatingin din ako kay Nikki, naghihintay sa sagot niya.

Nandito kami sa bahay nila Nikki, nagpapalipas oras.

"Ewan ko. Kahit kailan niyo gusto." Wala sa sariling sagot niya.

Kanina pa siya ganyan, tahimik at parang hindi namin kasama. Kanina pa kami tawanan nang tawanan ni Irra at halos ikamatay na namin ang pagtawa pero si Nikki, wala lang. Parang may sarili siyang mundo. Nagkatinginan kami ni Irra.

"Nikki, okay ka lang ba?" Tanong ni Irra nang may bakas ng pag-aalala.

"Oo nga, kanina ka pa tahimik diyan. May problema ba?" Tanong ko naman.

"I’m okay." Sabi niya saka pilit na ngumiti.

"Tsk. Hindi ka pwedeng mag-artista. Hindi ka magaling umarte." Umiiling na komento ko.

"I agree. Now, spill." Sabi ni Irra.

Tumingin sa amin si Nikki. Sa mata palang niya, makikita mo na agad na may problema. Parang gustung-gusto niya na'ng magbigti. Parang ang lungkot-lungkot niya at pasan-pasan niya ang buong daigdig.

Nagulat kami ni Irra dahil bigla na lang may tumulong luha mula sa mata niya.

"Uy hala, girl! Joke lang kasi 'yong panlalait namin. Grabe! Baka ipatapon kami ni Tita Benildz sa labas 'pag nakita niyang umiiyak ka. Hindi kami nagpaiyak sa'yo ha." Natatarantang sabi ni Irra. Binatukan ko siya.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon