Chapter 3

147 7 1
                                    

    < Elijah Archer >
                                       

"Claire, I'll go walk outside, you don't have to come with me"

"But your majesty... "

"It's fine. I'll be back later"

"Yo-.. Your majesty-.."

(Tower House)

Matagal narin simula nung huli akong nakapunta dito.

Mabuti naman at okay parin ang lagay ng mga bulaklak dito.

"Your majesty, sure ba kayong sa lady nanggaling ang sulat?"

Boses iyon ni Ced..... Nandito si Ced at ang Emperor??

Hinanap ko kung nasaan silang bahagi ng Tower House.

Rinig na rinig ko ang boses ni Ced, malamang nasa malapit lang sila, dapat akong magdahan dahan.

"Your majesty, dapat ba naming ipag alam sa Empress ang pagbabalik ni Lady Stewart sa Empire?" Ced.

"No. Ako na ang magsasabi sakanya" Emperor.

L-la.. Lady... STEWART?!?

Babalik si... Lady Isabel sa Empire?!

Dahan dahan akong naglakad paalis sa Tower House.

Dapat walang makakita sakin.

Nang makalayo na ako sa Tower House ay naupo ako sa may tabi.

Babalik sya... Pero paanong....

Isa sya sa mga concubine ng Hari ng North kingdom..

Maaari lang syang makabalik sa Empire kapag namatay na ang Hari ng North...

Namatay na ba ang hari?..Imposible.
Ni isang balita ay wala pang natatanggap ang Palasyo, kaya imposibleng patay na ang hari..

O hindi kaya ay tumakas sya? Pero malabo din iyon. Alam kong maraming kawal ang nakabantay sa North kingdom.

Baka pinayagan sya ng hari na bumalik? Pero bakit?

Ahhh! Ellie kumalma ka...

*enhale*

*exhale*

"Your majesty?"

Napatayo ako sa biglang pagdating ni Ced.

"C-ced"

"Ano pong ginagawa nyo dito? At bakit kayo nakaupo sa damuhan? Nasaan sila Claire? Bakit nag iisa kayo dito?"

"Napaka dami mong tanong" natataranta ako pero sinubukan ko parin magsalita ng maayos.

"Empress" biglaang tawag ng Emperor.

Mabilis na tumibog ang pintig ng puso ko ng marinig ko ang boses ng Emperor. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa diko alam na dahilan.

"Y-your Majesty" sabay bow ko dito.

"No need for the Formalities."

Nakita ba nila akong umalis sa Tower House kanina? Hindi naman diba? Baka ako lang ang nag iisip.

"Empress, anong ginagawa mo dito ng mag isa? Nasaan ang mga Servants?"

"Your majesty, nandito lang ako para magpahangin kaya hindi na ako nagpasama sa mga servants"

"Ganon ba."

"Yes, your majesty. Sa tingin ko ay may pinag uusapan pa kayo kaya mauuna na ako"

"Empress"

"Yes, your majesty?"

"......, wala. Sige na at bumalik kana sa palasyo mo."

"Mhm"

Akala ko ay sasabihin nya ang tungkol sa pagbabalik ni lady Isabel.

Mukhang wala pa syang balak na sabihin sakin ito...

Pero kahit hindi na nya sabihin. Narinig ko narin naman..



(Empress's Palace)

"Your majesty.. Saan po kayo nagpunta? Hinahanap kayo ni Claire ngunit di nya kayo makita, akala namin ay may nangyari ng masama sa iyo" Benedict.

"Okay lang ako, nag ikot ikot lang ako sa labas para magpahangin. Nasaan si Claire?"

"Lumabas po sya para hanapin kayo kasama ng ibang servants"

"Pakisabihan sila na bumalik na, nandito na ako. Kaya wala ng silbi ang paghahanap nila sa labas" saad ko pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko.

"Yes ,your majesty"




Kahit anong pilit ko na libangin ang sarili ko. Naiisip ko parin ang sinabi ni Ced na babalik si Lady Stewart sa Empire.

Babalik nang muli ang babaeng mahal ng Emperor....

Pero ako ang Empress.. Dapat hindi ako mangamba dahil sa ngayon ay ako ang nakatayo sa tabi ni Calix..

Pero paano kung bigla akong patalsikin ng Emperor? Paano kung gawin nyang Empress si Lady Isabel? Paano na ako?

Lahat ng sabihin nya ay dapat mangyari.. Dapat na ba akong maghanda sa pag alis sa palasyo?

Kung gustong Bawiin ni lady Isabel ang pwesto na dapat ay kanya..
Dapat ko ng ihanda ang sarili ko..

Calix.... Isabel..... Dalawang nagmamahalang pinaglayo... Ngayon ay muli na silang magkikita..

Kailangan mo nang mawala sa kwento.. Elijah..

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon