Chapter 5

114 7 0
                                    

         < Elijah Archer >
                                        

Habang naglalakad kami sa Hall ay bigla kong narinig ang pag uusap ng mga Servants.

"Narinig mo na ba na muling babalik ang Lady Stewart sa Empire?"

"Akala ko ay usap usap lang iyan sa palasyo ng Emperor, pero totoo pala"

"Oo, bukas na daw ang pagdating ng Lady at bukas din ibabalita ang pagkamatay ng Hari sa North kingdom"

"Kaya pala babalik na ang lady Isabel sa Empire, namatay na pala ang Hari sa North, pero ano kaya ang dahilan?"

"Wala pang may alam. Lahat ng nalalaman ko ay galing lang sa Palasyo ng Emperor... Naaawa nga ako sa Empress eh.."

"Huwag mong masyadong lakasan ang boses mo, baka marinig ka ni Claire.. "

"Ahem!" Claire.

"Y-y-your majesty..." Natataranta nilang dalawa na sabi.

"Mhm"

"G-good m-morning, your majesty.. " halata ang kaba sa kanila kaya tumango nalang ako at pinagpatuloy kona ang paglalakad.

Hindi ako galit dahil sa nagchichismisan sila. Bagkus ay nagpapasalamat pa ako na kung di dahil sa kanila ay hindi ko malalaman na bukas na pala ang pagbabalik ng lady Isabel sa Empire.

Sa iba ko pa talaga narinig at nalaman..

May balak ba talaga syang sabihin saakin? Or sasabihin nya lang ito kapag nandiyan na sya.

Natawa ako ng mapait.

"Your majesty..?"

"It's nothing"

Pagkarating namin sa Dining Hall ay nakita namin si Ced na nandoon at nakatayo.

"Ced"

"Your majesty" sabay bow nito.

"What are you doing here? Mag b-breakfast ba ang Emperor? Kung ganon ay babalik nalang kami mamaya"

"No, your majesty, nandito ako para i check ang kalagayan mo kung okay ka lang"

"Hindi bat sinabi na ni Claire na okay lang ako? Bumalik kana sa Palasyo ng Emperor. It's an order."

"B-but.... Yes, your majesty" tsaka sya umalis ng Dining.

Akala ko ay nandito sya. Mukhang umasa na naman ako.

"Your majesty, patungkol sa narinig natin sa mga servants kanina. Itanong ko ba ito kay Ced, kung totoo ito?"

"Huwag na. Kung gusto talaga ng Emperor na sabihin ito saakin. Personal nya itong sasabihin."

"Ye, your majesty"

Kaunti lang ang kinain ko kaya agad akong natapos. 

"Claire, maglakad lakad tayo sa labas"

"Your majesty.... Kaunti lamang po ang kinain nyo, sigurado po ba kayong-"

"Busog na ako, Claire"

"Nag aalala lamang po ako, dahil kagabi po ay hindi kayo kumain, baka mapano kayo kamahalan"

"Busog na talaga ako, kaya tayo na. Samahan mo akong maglakad lakad sa labas"

"Yes.. Your majesty"

Napaka ganda ng araw ngayon, pati na ang mga bulaklak. Sayang at hindi ko ito ma enjoy.

[Flashback...]

"Calix, tignan mo ang mga bulaklak doon, halika at puntahan natin"

"Mhm, sige"

"Tignan mo oh, may iba't ibang klase ng bulaklak dito" *giggles*

"Oo nga... Ellie, sa tingin ko ay bagay sa iyo itong puting bulaklak" tsaka nya ito pinitas at inilagay sa tenga ko.

"Maganda ba?" Na e-excite kong tanong.

"Mhm! Maganda, sabi ko na nga ba at bagay ito sayo"

"Magtatanim pa ako ng maraming ganito, hanggang sa tumanda ako"

"Mhm, magtatanim din ako sa Royal Garden ng ganyang bulaklak"

"Sige!"

"Hahahaha... "

"Hahahaha.. "

[End of flashback]

Mga masasayang araw na magkasama kami ni Calix... Sigurado akong nakalimutan na nya ito.

Bata pa kame noon at wala pang muwang kung ano ang totoong nangyayare sa mundo.

"White Yuseptia" ang tawag sa puting bulaklak na inilagay nya sa tenga ko noon.

Ng dahil kay Calix... ay nagustuhan ko ang bulaklak na ito..

Alam kong nakalimutan na nya ang tungkol sa bulaklak, dahil ilang beses na nyang nakita na hawak ko ito, pero wala syang sinasabing kahit ano tungkol dito.

Alam kong napaka tagal na nito para maalala, pero bakit ako ay natatandaan ko pa ito kahit papaano.

Nakalimutan lang ba talaga nya o kinalimutan nyang talaga?

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon