Chapter 21

113 6 0
                                    

        Elijah Archer
                                        

Ligtas kaming nakalabas sa gubat at may karwaheng sumundo saamin paglabas namin dito.

"Your majesty, ayos kalang ba? Sobrang dami ng pawis na tumutulo sa noo mo" alalang sabi ni Claire at pinunasan nya ang pawis ko.

"Masyado ata akong napagod kakatakbo palabas ng gubat" mahinang sabi ko.

"Your majesty, gusto nyo bang kumain muna tayo bago tuluyang umalis, maaari akong gumawa ng apoy sa labas"

"Hindi na, tuloy lang tayo, para sa pagsilip ng araw ay pasakay nalang tayo ng barko"

"Your majesty, huwag nyong kalimutang may sanggol kayong dinadala, baka mapano kayong dalawa" Claire.

"Hindi, ayos lang kami, magpapahinga lang ako saglit, gisingin mo ako kapag nakarating na tayo sa destinasyon natin" bilin ko at tumango naman silang dalawa.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang yakap ng mga kamay ko ang tiyan ko. Konting tiis nalang anak ko, hindi ka pababayaan ni mommy.

Malapit na tayong makaalis na Imperyong ito.. Makakapamuhay na tayo ng simple at masaya, hindi ko na kakailanganing isipin pa ang kaligtasan mo, dahil sobrang ligtas tayo sa pupuntahan natin.

Walang magtatangkang pumatay sa atin doon at makakagalaw tayo sa paraang naisin natin.

.
.
.
.

Hindi ako masyadong nakapag pahinga sa karwahe kaya ng marating namin ang piyer ay gising ako at agad na bumaba. May lumapit na isang lalaki saamin at nagtanong.

"Your majesty" bati nito at nag bow bilang paggalang. "Sasakay po ba kayo ng barko, your majesty? Maaari po kaming maghanda ng kwarto para sainyo ngayon din"

"Hindi. Gusto kong umarkila ng isang buong barko. Kaming tatlo lang ang sasakay. Magbabayad ako ng magandang halaga, basta dalhin nyo kami sa Paris. At dadagdagan ko pa ang bayad kung ililihim nyo ito sa lahat. Magkunwari kayong walang alam sa paglisan namin, magkunwari kayong hindi nyo kami nakita kailanman. Pumapayag ba kayo?" Tanong ko. Medyo madilim pa kaya wala pang tao dito sa piyer. Tanging mga nagta trabaho palang ang nandito at bilang lang sila sa mga kamay ko kaya hindi ito problema.

"Kung masisiguro nyo po ang aming kaligtasan ay pumapayag kami, Your Majesty" sagot nito.

"Kung hindi kayo kikilos ng kakaiba at kahina hinala at hindi kayo magsasalita ng kahit ano ay masisiguro ko na magiging ligtas kayong lahat. Pero sa oras na mahanap kami ng mga knights ng Emperor sa Paris ay babalikan ko kayo at ako mismo ang tatapos sa buhay nyo at sa buhay ng mga mahal nyo" maging masama na kung magiging masama. Para ito sa kaligtasan ng akinb anak kaya handa na akong gawin ang lahat.

"Maaasahan nyong mananahimik kami, your majesty. Pati ang mga kasamahan ko ay hindi kakanta at hindi kailan man tatalikod sainyo, kamahalan."

"Siguraduhin nyo lamang, dahil isa ang Duke Archer sa mga  makakalaban nyo sa oras na traydurin nyo ang Empress" Pagbabanta naman ni Prey.

Nagkaroon kami ng napakahalagang kasunduan sa mga nagtatrabaho sa Piyer bago makasakay ng barko at umalis.

Hindi ako sigurado sa pangako nila kaya gusto kong magkaroon ng panghahawakan laban sa kanila para sigurado na ang katapatan nila ay hindi lilipat sa Emperor.

"Your majesty, apat na araw ang gugugulin natin upang makarating sa Paris, kaya kung mamarapatin nyo po ay magpahinga muna kayo para na rin sa sanggol na inyong dinadala" pag aalala ni Claire kaya tumango ako at pumunta sa silid na inihanda nila.

Malambot ang kama at Presko ang silid. Agad akong nakatulog nang ipikit ko ang mga mata ko.

Mabilis akong mapagod nitong mga nakaraang araw pero pinilit ko ang sarili ko sa kondisyon buong magdamag at hindi nagpatalo sa pagod na nararamdaman ko.

Ngayon na maaari na akong makapag pahinga ay sisiguraduhin kong magkakaroon ako ng maayos at mahabang pahinga hanggang sa marating namin ang destinasyon.

Don't worry, my little one. Mom will promise to give you a happy and peaceful life and we will be the happiest mother and son in this world.

    
    Claire Fribade

I feel so relieved seeing that her majesty can rest now. Please rest well, our Empress.

Kakailanganin mo ng maraming enerhiya para sa inyong dalawa ng little Prince. Maging matatag ka kamahalan, nandito lang kami ni Prey para samahan ka sa lahat ng laban mo.

"Nagdala ka ba ng mga prutas na maaaring kainin ng Empress habang nandito tayo sa barko?"

"Oo, dinala ko lahat ng sinabi mong kakailanganin sa paglalakbay. Naglagay pala ako ng magic seal sa mga prutas upang hindi agad sila masira at manatiling sariwa. Huwag kang mag alala, walang masamang magiging dulot ang seal sa Empress at sa Little prince na nasa tiyan niya"

"Mabuti naman kung ganon, paano mo pala natutunang gumamit ng mahika? Posible bang isa sa pamilya mo ay dating salamangkero?" Tanong ko dahil ilan lang sa Imperyo ang may kakayahang gumamit ng mahika at ilan lang din ang ipinanganak na meron nito, isa na dito ang Empress.

"Dating salamangkero ang ama ko, sakanya ako natuto at dahil din dito ay kinuha ako ng Duke bilang kanyang kanang kamay. Malaki ang tulong na maaambag ko sa Duchy kung doon ako magta trabaho, sabi ng Duke saakin. Pero ngayong wala na ako sa tabi niya, sana ay maging maayos parin ang lahat"

Mahaba ang naging kwentuhan namin tungkol sa kanya kanya naming mga pamilya. Nakakatuwa din palang maka kwentuhan itong si Prey.

Akala ko ay dahil sa kanang kamay siya ng Duke ay palagi lang siyang seryoso, pero sa tingin ko ay nagiging professional lang siya sa kaniyang trabaho. Kapag siguro may oras siya ay nakikipag biruan din sya sa iba.

Pero ngayon kolang ito nalaman kaya nakakagulat pero okay din, dahil akala ko kapag nagpapahinga ang Empress, kailangan kong i endure ang pagiging mag isa, pero sa tingin ko ay may makakausap na ako.

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon