Chapter 20

119 6 0
                                    

         < Elijah Archer >
                                       

"YOUR MAJESTY! MAG IINGAT KA, MAY MALAKING HALIMAW SA LIKURAN MOO!!" natatakot na sabi ni Claire kaya agad akong lumingon dito.

Bago pa ako mahawakan ng bwisit na 'to ay mabilis kong hinugot sa sapatos ko ang itinago kong lanseta at isinaksak ko mismo sa may puso nya.

Sinanay ako ng ama ko kung paano makipaglaban sa tao at hayop, dahil alam nyang pag nakaupo na ako bilang isang Empress ay magiging mapanganib na ang buhay ko.

kaya alam ko kung saan at papaano papatayin ang bawat nilalang sa gubat na ito. Maging ang isang magician ay alam ko kung nasaan ang kahinaan nya.

"O-okay la-. .. .lang po ba k-kayo, your majesty?" Tanong ni Claire habang nanginginig sa takot.

"Ayos lang ako, nasaan na si Prey? Kailangan na nating makaalis dito, dahil pagsapit ng Hating gabi ay mas dadami pa sila"

"YOUR MAJESTY" sabay kaming napalingon kay Prey ng marinig namin siya.

"Prey, ayos kalang? Puro dugo ang damit mo" Claire.

"Ayos lang ako, kayo? Ayos lang ba kayo? May nasugatan ba?"

"Ayos lang kami, Prey. kailangan na nating magmadali"

"Pero, your majesty. Ngayon palang ako nakapunta dito, hindi ko alam kung saan ang labasan" Claire.

"Alam ko ang bawat daan sa Emperyong ito pero, ito ang unang beses na nakapunta ako dito sa kagubatan na ito kaya hindi ko din alam ang daan palabas. Ang sabi saakin noon ay kadugtong lang ng gubat na ito ang gubat ng Mior, pero mali sila. Hiwalay ang gubat na ito sa iba pang gubat, at ramdam kong napaka mapanganib dito dahil hindi lang hayop ang nakatira dito, may iba pang mga nilalang ang nandirito at naninirahan"

"Ma-...ma-...mamamatay na ba tayo?!" Nanginginig ang kamay ni claire habang hawak ang kapiraso ng damit ko sa likod.

"Walang mamamatay." lumuhod ako at pinakiramdaman ang lupa. Kailangan kong mahanap ang daan palabas.

Habang hinahanap ko ang daan ay bigla kaming nakarinig ng napaka lakas na tinig na nagpa bingi sa aming mga tenga.

"AHHH!! Your majesty, tumakbo na kayo!!" sabi ni prey habang tinatakpan nya ang tenga nya.

"Hindi! Walang tatakbo!" sinubukan kong patumbahin ang ilang puno, baka manahimik ang nilalang na iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil nawala ito.

"Tara na, tumakbo na tayo" natatakot na si Claire pero wala akong magagawa.

Muli akong lumuhod at pinakiramdaman ang lupa at sa pagkakataong ito ay naramdaman kona kung nasaan ang labasan.

"Tara na, Claire at Prey. Alam kona ang daan" tsaka kami sabay sabay na tumakbo.
Kahit masakit na ang likod ko ay tumakbo parin ako ng tumakbo.

Malapit na tayo, konting tiis nalang at makakalabas na tayo sa gubat na 'to.

"At sinong nagsabi na makakalabas pa kayo?"  Napahinto kami ng may biglang halimaw na tao na ewan ang humarang saamin. Iba ang boses nito, malaki at parang panglalaki, ngunit sa nakikita ko ay babae ito.

"S-s-sino k-kay-.. kayo?" Natatakot man ay nagawa paring magtanong ni Claire.

Masyado syang mahina sa mga ganitong sitwasyon. Mabilis syang matakot kapag nakita na nya ang halimaw.

"Kayo, sino kayo?! Ang lakas ng loob nyong puntahan ang tirahan namin!!!!" At sumigaw ito ng napakatinis.

"AHHH!! NAKAKABINGIIII!!!" Prey & Claire.

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon