Chapter 24

143 6 2
                                    

  Elijah Archer

Pumunta kami sa Merina gaya ng plano noong umpisa palang. Dito ako magsisimula ulit ng panibagong buhay kasama ang magiging anak ko at sina Claire at Prey.

"You're majesty-" Pinahinto ko si Claire sa pagsasalita ng marinig ko sya. "Don't ever call me like that again. I am not the Empress anymore, just call me Lady Archer, understood?" Tsaka sila sabay na tumango.

Malaki itong lugar para saaming tatlo, sa sobrang laki ay maaari kaming magkaroon ng sari-sarili naming mga lugar. May tatlong silid tulugan dito, may silid din kung saan ka makakahanap ng napakaraming libro. May malaking kusina at dining area.

Sa labas naman ay may napaka laking garden sa likod. Nakakagulat nga dahil ang mga bulaklak dito ay patuloy paring namumulaklak kahit matagal nang walang nag aalaga dito. Ang sabi kase ay halos dalawang dekada nang walang pumupunta dito sa Merina... Hindi kaya gagawan ito ng Ina ko?

May kapangyarihan nga ba siya? Nakalimutan ko itong itanong kanina. Pero ayos lang, nagpunta naman ako dito para sa kaligtasan namin hindi para doon. Namamahinga na ang Ina ko, dapat lang na huwag na siyang istorbohin pa.

"Your-.. I mean, My lady, saang silid po ba ang gusto niyong gamitin? Para maiayos kona ang mga gamit mo" tanong ni Claire at pinigilan ko siya. "Ako nalang Claire, kaya ko nang gawin ang bagay na iyan" nakangiti kong sabi.

"I insist, My lady-" hinawakan ko ang kamay ni Claire at ngumiti dito. "It's okay, Claire. You can do yours first. Mamili na kayo ni Prey ng gusto niyong silid na tulugan at saakin nalang ang matitirang silid" wika ko dito.

"But-"

"Go. Marami pa tayong gagawin mamaya, gusto mo bang abutin tayo ng gabi kakalinis sa buong lugar?" Agad naman siyang kumilos.

Nang mawala sa paningin ko si Claire ay naupo muna ako at pinagmasdang muli ang kabuuan ng Bahay. This is where my mother used to stay when she was young. No wonder, napaka light ng kulay ng buong bahay, napakaganda sa mata.

At ngayon, ako naman ang gagamit ng bahay na ito. Mother— if you could only hear me right now. I wanted to ask you so many questions and also thank you for giving me this place. I wanted to be mad at you for lyin to me but I can't, I'm hoping that you left me a message for explaining why. But it's okay, let me think of it that way.. that you just wanted to protect me.

"Your- My lady, saan niyo po gustong magsimula kaming maglinis?" Kakalabas lang ni Prey sa isang silid malapit sa silid kung nasaan si Claire. "Let's start there" tinuro ko ang Kusina dahil mas marami ang alikabok doon.

Pagkarating namin doon ay naghanap agad kami ng panlinis. "My lady, kami nalang po ang maglilinis magpahinga na lamang po kayo" pigil nila saakin. But I insist on helping them, "hindi agad matatapos ang paglilinis kung kayong dalawa lang ang gagawa nito, mas okay kung marami tayo" ayaw pa ng mga ito na pumayag pero wala na silang magagawa.

Mag gagabi na nang matapos kami at talagang nakakapagod  ang paglilinis, ilang oras palang ako kanina ay pagod na agad ako. Hindi naman ako ganon noon, dati ay tinutulungan ko ang Ina sa paglilinis pero hindi naman ako ganon kabilis mapagod, siguro ay dahil nagdadalang tao ako.

'Napagod kaba anak ko?' Mahinang sabi ko at hinawakan ang tiyan ko. "My lady, mag linis na po kayo ng inyong katawan. Nai ready ko na po ang paligo niyo" sabi ni Claire at tumango ako dito.

Sana ay maging ganito lang kami kapayapa ng matagal na panahon.. Mamuhay ng payapa ang tanging nais ko noon pero mukhang hindi ko iyon makakamit sa Coastillon Empire. Okay lang naman, at least ngayon ay makakamit ko iyon dito.

Paglabas ng anak ko ay ang ipapangalan ko sakanya—Clyde Elivicus Archer. Kahit na hindi na niya makikilala pa si Calix, gusto kong bigyan siya ng kaunting tanda na.. Anak namin sya ni Calix, hindi nga lang katulad ng Kila Isabel na nabuo ng dahil sa pagmamahal, dahil ang amin ay nabuo lamang dahil sa tungkulin. Pero kahit ganon ay pupunuin ko naman sya ng pagmamahal na tanging ako lang ang makakapagbigay sa aking anak.

Pangako.. Poprotektahan kita hanggang sa pagtanda mo kahit na buhay ko pa ang maging kapalit nito. Sana ay lumabas ka sa mundo ng malusog, at lumaking masaya. Ito nalang ang tanging hiling ko ngayon..

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon