Chapter 18

104 6 0
                                    

     < Elijah Archer >

Royal Garden

"Prey, nakuha mo na ba ang bulaklak na pinapakuha ko sa iyo?"

"Yes, your majesty. Naidikdik ko narin ito at nailagay ko narin sa isang maliit na bote ang katas"

"Kung ganon ay ilabas mo na ang mga pronzia at ipwesto mo na ang mga ito"

"Yes, your majesty"

"Claire, remember what I've told you yesterday"

"Mhm, maasahan mo ako ,your majesty"

"Sige, maghanda kana"

Kung pwede lang ay si prey na lamang ang ilalagay ko sa mission na ito, pero kung sya ang magbebenta ng mga garments ay baka akusahan pa sya na ninakaw nya ang mga ito dahil nga sa lalaki sya at new collection pa ang ibebenta nya.

Iba mag isip ang mga nobles dito sa Empire na ito, baka pumalpak pa kami sa plano namin kaya mas mabuting si Claire na lamang.

"Your majesty, nakahanda na po ang lahat" Prey.

"Claire" tawag ko dito at tumango naman sya.

Nagsimula na kaming mag lakad ni Prey at si Claire naman ay nagtago sa may mga halaman.

Kapag ang pronzia ay napatakan ng katas ng kruziah flower, sisingaw ang amoy nito at sa oras na maamoy mo ito ay makakatulog ka ng hindi mo namamalayan.

Ipinapwesto ko kay Prey ang mga pronzia kung saan madalas dumaan ang mga knights at kung saan sila nakapwesto.

Umiikot ako sa buong palasyo araw araw kaya walang knights ang magtataka sa mga galaw ko.

Ang unang dalawang pronzia na pinatakan ko ay ang mga malalapit sa isang gate palabas ng Empress's palace.

Kaya mas marami ang nakabantay sa Royal garden dahil may isang gate dito palabas. Pero mas marami ang nasa main gate.

Ilang sandali lang ay nagsibagsakan na sa lupa ang mga knights na nagbabantay sa gate.

Effective ang paglalagay malapit sa gate, dahil kapag mas malapit, mas mabilis itong maamoy.

Sinunod ko namang patakan ng katas ng kruziah flower ang iba pang pronzia at ng maubos ko na ang katas na nasa maliit na bote ay kinuha na ni Prey ang bote saakin.

"Your majesty, kailangan munang makaalis ni Claire bago natin maamoy ang pronzia" sabi ni prey habang nakatakip ito sa ilong nya.

"Sige, sandali" kumuha ako ng maiibabato para signalan si Claire na maaari na syang lumabas.

Pagkabato ko sa mga halaman ay biglang lumabas si Claire.

Sinignalan ko sya gamit ang mga mata ko na, umalis na sya at tumango naman ito habang nakatakip sa ilong niya.

"Your majesty, kailangan nating lumayo ng kaunti dito, doon tayo sa may tabi ng fountain" kahit nakatakip ang ilong ni prey ay nagagawa nya paring makapag salita ng maayos.

Naupo kami sa may tabi ng fountain at doon ay tinanggal na namin ang pagkakatakip sa mga ilong namin.

Masyado nang matapang ang amoy ng pronzia sa buong Royal garden at ilang sandali lang ay nawalan na ako ng malay.





Paggising ko ay nakita ko si Calix sa tabi ko.

"Elijah" agad nyang tawag nang makita nyang gising na ako.

"What happened?" Tanong ko para hindi mahalata na kami ang may gawa ng lahat ng ito.

"Nakatulog ka dahil sa amoy ng pronzia na bumalot sa Royal garden kanina"

"Nasaan si Claire? At si Prey?" Tanong ko at tumingin ako sa mga servants. Palihim naman silang tumango.

"Nasa kabilang kwarto silang dalawa, Your majesty. Ang sabi ng mga servants ay nakita nila kayong tatlo na wala ng malay sa Royal Garden" Ced.

Tagumpay ang plano. Malapit ng magdilim kaya ilang oras nalang ay darating na si Claire.

Flashback

"Lu-lu"

"Yes, your majesty?"

"Gusto kitang makausap sa library"

"Ah, yes your majesty"

Dahil sa kasintangkad at kasingkulay ng buhok ni lu-lu si Claire ay sya ang gagamitin namin para magpanggap bilang si Claire mamaya.

Si Claire na ang bahalang magsabi sa mga servants tungkol sa plano.

Ang plano ay paniwalain ang lahat ng nasa Emperor's Palace lalo na ang Emperor na pinasok ang Empress's Palace ng mga taga labas.

Sa ganon ay hindi kami ang pagsususpetyahan sa mangyayaring pagkahimatay ng mga knights dahil mamaya ay aamuy din kami ni Prey at Claire  ng Pronzia at imbis na si Claire ay si Lu-lu ang aamoy para sakanya.

Habang wala si Claire ay hindi siya hahanapin dahil ang alam non nila ay nasa kabilang kwarto sya kasama si Prey.

Kapag dumating na ang gabi ay maghihintay si Claire sa labas ng gate at habang hindi pa dumarating ang bagong mga knights ay pupunta si prey sa gate at bubuksan nya ito, tsaka sila palihim na dadaan sa pinto sa likod papasok sa palasyo ng Empress.

May ilang servants na sasalubong sakanila para kunin ang mga dala ni Claire at bibigyan siya ng panibagong damit ng mga ito para walang makitang sabit dito.

End of flashback

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon