Chapter 8

112 6 0
                                    

            < Elijah Archer >
                                       

"MOMMYYY... " Sabi ng batang  kasama ng isang matandang lalaki na pumasok sa pinto.

"M-mommy?"
"Sino kaya ang tinatawag nyang mommy..."
"Ang Empress kaya?"
"Ewan, pero parang sa Empress nakatingin yung bata.. "
"May anak na ang Empress at emperor?"
"Siguro, tignan mo kaya ang kulay ng buhok at mata nung bata"
"Oo nga.. Black hair and black eyes... Ang kulay ng Royal blood"

Lalo pang lumakas ang bulong bulungan nila nung nagsimulang maglakad ang bata papalapit sa gawi namin.

"Caine (keyn)" napatingin ang lahat kay Lady Isabel ng tawagin nya ang bata.

"Mommyyyy" nakangiting tawag naman ng bata kay Lady Isabel at tumakbo ito papunta sakanya.

M-m-mommy? L-lady Isabel? A-anak sya ng Lady ISABEL?!

"Caine, hindi bat sinabi ko na saiyo na huwag kang tatakbo" wika ni Lady Isabel sa bata at kinarga nya ito.

"Your majesty, her majesty, pagpasensyahan nyo na po si Caine sa inakto nya" Lady Isabel.

"It's ok. Pero, anak mo nga bang talaga sya?" Tanong ng Emperor.

"Yes, your majesty"

"Sino ang ama?" Sa palagay ko ay napansin din ng Emperor ang kulay ng mata at buhok nito.

"Y-your majesty... Ang ama nya ay... "

"Daddy!" Biglang tawag ng bata sa Emperor.

"Daddy?"
"Ama ng bata ang Emperor?"
"At ang ina ay si Lady Isabel???"
"Ang Empress ay.. "

D-daddy?

Napatingin ako sa Emperor at nakita kong gulat din ito.

"Your... Majesty... I-kaw ang ama ni Caine"

Nang bitawan ni Lady Isabel ang mga salitang iyon ay parang nanlambot ang mga tuhod ko.

Parang gusto ng katawan kong bumagsak sa Sahig.

Hindi ko na alam. Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Pag usapan natin ang bagay na ito bukas, tayo na, Empress" tsaka naglakad ang Emperor palabas.

Bago ako sumunod sa Emperor ay tinignan ko muna ang Lady Isabel at ang anak nito.

Sana ay panaginip nalang ito..

Pagkasakay namin ng karwahe ay parang nanginginig ang katawan ko.

Ayoko tong ipahalata sa Emperor kaya tumingin nalang ako sa bintana sa kanan.

Black hair.... Black eyes.... Ito ang kulay ng Royal blood... At ang Emperor nalang ang natitira sa Royal Family, at noon.. Ang Emperor at lady Isabel ay....

Nakaramdam ako ng liquid na tumutulo sa pisngi ko.

Hindi Elijah, huwag kang umiyak.

Malamig ang hangin na dumadampi sa mukha ko kaya mabilis ding natuyo ang luha ko.

Pagkarating sa Palasyo ay agad akong nagpaalam sa Emperor at tinawag ko si Claire para alalayan ako.

(Empress' room)

"Gusto ko ng magpahinga Claire" sabi ko dito pagkarating namin sa kwarto ko.

"Ahh, yes, your majesty"

"Pakisara nalang ang pinto. Para makapag bihis na ako at makapag pahinga

"Yes, your majesty" pagkatapos ay lumabas na sya ng silid.

Nagpalit lang ako sandali ng damit at pumunta na ako sa higaan ko.

'Your majesty, Ikaw ang ama ni Caine'
'Your majesty, Ikaw ang ama ni Caine'
'Your majesty, Ikaw ang ama ni Caine'

Arrgghh!! Bakit ba nag e-echo sa utak ko ang mga salitang iyon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak.

*sob* "Bakit...."

*sob*

"Bakit kailangan kong maramdaman lahat ng ito?" *sob*

"Ginawa ko naman lahat, pero bakit?" *sob*

"Bakit....... " napalakas ang pag iyak ko pero hindi kona inisip kung maririnig ba ito sa labas.

Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

At kung tatanungin ako ngayon kung gaano kasakit....

Sobra.

Sa sobrang sakit... Nahihirapan na akong huminga.

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon