Chapter 17

102 9 5
                                    

            < Elijah Archer >
                                        

"Greetings, Your majesty" Ced.

This is it. I think dala na ni Ced ang papel para sa divorced.

"Pupunta ka na ba sa Royal Court?" Tanong ko agad.

"Your majesty?.... Ano po ang gagawin ko sa Royal Court?" Nagtatakang tanong nito at naguluhan naman ako.

"Ano.. ba yang hawak mong papel?"

"Your majesty, letter po ito galing sa Emperor" sabay abot nya saakin.

Agad kong binuklat ang papel at iba ang nakasulat dito hindi gaya ng inaasahan ko.

Elijah,

This garment is especially made for you. I hope you'll like it.
                                                                       -Calix.

Yun na yon? I'm expecting na sasabihan nya din ako about sa paggastos ko.

"Servants" tawag ni Ced at nagsi pasok ang mga ito na may dalang malaking kahon.

Ang weird sa pakiramdam. Huling beses na nangyari ito ay nang bigyan din nya ako ng dress.

"Buksan nyo" utos ko na agad naman nilang sinunod.

"Woww... Your majesty! Napakaganda at sa tingin ko ay bagay na bagay ito saiyo" natutuwang sabi ni Claire.

Masaya ding nagbulungan ang ibang mga servants nang makita nila ang dress.

Lumapit ako kay Ced ng kaonti at bumulong.

"What is this? I'm expecting a divorce!" mahina kong sabi.

"Your majesty, the emperor knew what you wanted, but he said that he can't give you that" reply nito.

I can't-.. Ha!!...

The last plan I have is the plan B. I have no choice but to do it.

"Your majesty, gusto nyo po bang isukat ang dress or susukatin nyo na lamang po ito sa ibang araw?" Servant.

"Sa ibang araw na lamang."

"Yes, your majesty"

"Dahan dahan nyong ilagay sa Closet ng Empress iyan. Narinig ko na... maaari ng makagawa ng isang palasyo ang halaga ng dress na bitbit nyo"

Para akong matutumba sa heels na suot ko ng marinig ko ang sinabi ni Ced. Gusto na atang iwan ng kaluluwa ko ang katawan ko.

I-i-isang palasyo? Haha...! Loko tong si Ced. Hindi naman oras ng pagbibiro.

Napatingin ako sa mga servants na gulat na gulat na nakatingin sa dress na nasa harapan nila.

"Y-your majesty.. Itong-" di makapaniwala na sabi ni Claire.

"Ilagay nyo na yan sa closet" normal na sabi ko na parang hindi ako nagulat sa presyo nito.

Pero baka isipin ng mga servants na normal lang ito saakin dahil ini- spoiled din ako ng Duke at Duchess noong bata pa ako.

Well... Totoo naman, pero hindi naman ganoon kagrabe na papagawan nila ako ng isang dress na humahalaga ng isang palasyo.

Or.. Is this his way to show off his wealth? Ha! Ridiculous.

"Tell him that this won't change the fact that I want a divorce."

"Yes, your majesty" tsaka sinamahan ng ibang knights si Ced palabas.

Pagkatapos mailagay sa closet nung dress ay pinalabas na ni Claire yung ibang servants.

"I lock mo yung pinto" utos ko kay Claire.

"Yes, your majesty"

Naupo ako sa may tabi ng kama ko at kinuha ko ang isang maliit na box. Naglalaman ito ng susi at ilang ginto.

Galing ang mga ito sa ina ko, ibinigay nya ito saakin bago sya namayapa.

"Ang susi na ito ay susi sa isang bahay sa Paris. Madalas noon mamalagi dito ang ina ko, ang sabi nya ay maaari ko itong puntahan kung naisin ko. Nandito sa papel na kasama ng susi ang lugar kung saan mismo nakatayo ang bahay"

"Your majesty, hindi kita maintindihan"

"Tatakas tayo Claire, bukas ng gabi. Naplano ko na lahat, pero bago iyon. Bukas ng umaga ay pasikreto kang lumabas ng palasyo habang nasa Royal Garden ako. Dalhin mo ang ilan sa mga bagong dress na binili ko at ipagbenta mo sila sa mga nobles na malalayo sa palasyo"

"Mahuhuli tayo, your majesty. Maraming knights ang nakabantay sa palasyo"

"Ako na ang bahala sa mga knights, basta sundin mo lang ang iniutos ko"

Kung ito nalang talaga ang tanging paraan, handa na akong isugal ang lahat para lang makaalis dito. Buhay ko at ng anak ko ang nakataya dito kaya hindi ako maaaring magkamali sa gagawin kong pagtakas.

"Kapag nakalabas ka ng palasyo, hanapin mo agad ang pamilya ni Prey, matutulungan ka nilang maibenta ang mga dress na dadalhin mo. Siguraduhin mong magpapalit ka ng kasuotan para hindi ka makilala ng iba. Si Prey ang maiiwan sa tabi ko bukas"

"Yes, your majesty"

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon