Chapter 19

105 9 1
                                    

        < Elijah Archer >
                                        

"Kamusta? May nakakita ba sainyo sa labas?" Tanong ko ng pagkapasok ni Claire sa kwarto ko.

"Wala, your majesty" hinihingal na sagot nya.

"Alam kong nakakatakot, nakakakaba at nakakapagod ang mission na ibinigay ko sayo, pero hindi pa tayo tapos, konting tiis nalang Claire"

"Yes, your majesty"

"Magpahinga ka muna doon at mamaya ay ipapatawag kita"

"Yes, your majesty. Ano po palang sabi ng Emperor?"

"Naniwala ito na pinasok ang palasyo ng mga taga labas. Sinabi nya na ipapahanap nya agad ang mga pumasok sa Empress's Palace para bukas ay mabigyan ko sila ng karampatang parusa"

"Kaya pala agad na umalis ang Emperor. Ang akala ko ay magtatagal pa sya dito"

"Yun din ang akala ko. Magpahinga kana muna dahil ilang oras nalang ay gagawin na natin ang susunod nating hakbang"

"Yes, your majesty"

Pagdating ng Emperor dito bukas ay hindi na nya ako madadatnan pa, tanging ang mga Servants ko nalang ang madadatnan nya dito sa kwarto.

Kahit magsalita ang mga servants tungkol sa totong nangyari sa mga knights ay wala na akong pakeelam dahil alam ko na pagdating ng umaga ay malayo na kami sa palasyo.

.
.
.

"Claire, nailagay mo naba lahat ng gamit mo diyan?"

"Yes, your majesty. Inilagay kolang ang mga kakailanganin ko, at nailagay ko nadin ang dalawang dress na binabalak nyong ibenta habang naglalakbay tayo palabas ng Empire"

"Mabuti kung ganon, magbihis kana para makaalis na tayo"

Habang nasa labas si Claire ng palasyo ay may isa pa akong iniutos sakanya. Sinabihan ko sya na magpagawa ng mga damit na susuutin namin sa pagtakas.

Maaaring kunin ang sukat ko sa pamamagitan ng mga dress na dala nya, at sya naman ay nandoon na kaya maaari na syang sukatan, at alam naman ng Ina ni Prey ang sukat ng anak nito kaya wala namang naging problema.

Pinagawan ko rin si Prey dahil sya ang tutulong saamin na makatakas, alam nya ang bawat daan at shortcuts sa Empire.
Loyal si Prey sa Duke kaya alam kong hindi nya kami ipapahamak.

.
.
Nang matapos kaming magbihis ay iniutos ko nang patayin ang ilang ilaw sa likod ng palasyo dahil doon kami dadaan.

Pinapatay talaga ang mga ilaw dito sa likod  kaya hindi naman ito magiging alarma sa mga knights.

Itinali ko sa likod ko ang mga gamit na dala ko, hindi naman masyadong mabigat dahil iilan lang ang dala ko.

Ang mga dinala kolang ay ang mga gamit na pagmamay ari ko talaga, na dala ko noon galing sa duchy. Pero ang mga gamit ko bilang Empress ay iniwan kona, dahil para lang ang mga iyon sa Empress at pag alis ko dito ay alam kong may papalit na saakin bilang bagong Empress.

"Your majesty,  dito tayo dumaan dahil may umiikot na mga knights sa kabila" bulong ni prey.

Kinabisado nya talaga ang mga galaw ng knights dito sa likod ng palasyo at sa Royal garden.

At masasabi kong napakagaling nya dahil sa ilang araw lamang ay nakabisado nya ito.

"Your majesty, hindi po ba kayo nahihirapan dahil sa mga gamit sa likuran nyo?" Bulong ni Claire habang dahan dahan kaming naglalakad.

"Hindi naman, ayos lang" pero sa totoo lang ay nangangawit na agad ang likuran ko, pero dapat kong kayanin, kung gusto ko talagang makalabas dito.

Ilang sandali pa ay naabot na namin ang maliit na gate. Daan rin ito palabas ng palasyo, pero paglabas mo dito ay kagubatan ang bubungad sa iyo.

Maraming mababangis na hayop ang nasa kagubatan na ito kaya pinanatili nalang nilang naka kandado ang maliit na gate na 'to.

Dati ay ito ang ginagamit upang makatakas sa mga kalaban, pero dahil nga may mga mababangis na hayop dito ay namamatay rin ang mga dumadaan dito. Kaya ipinakandado.

At nagpagawa ang Emperor ng bagong gate at yun nga ang gate na dinaanan ni Claire kanina.

Ngayon ay susubukan naming buksan ulit ang gate na 'to. Naka ready kami sa lahat ng pedeng mangyari, dahil alam kong po protektahan kami ng mga puno at halaman sa kagubatan na ito.

Dahan dahang binubuksan ni Prey ang lock nito gamit ang susing nakuha nya sa library ng Emperor.

Kahit matagal na simula nung i lock ito ay nakakapagtaka dahil hindi parin ito nangangalawang, pero mabuti rin naman ito upang mabuksan agad ni Prey ang lock ng gate.

Maya maya pa ay successful na nabuksan ang lock kaya dahan dahan nyang binuksan ang gate.

"Lumabas na po kayo, your majesty" mahinang sabi nito.

Bago ako lumabas ay pinagmasdan ko muna ang palasyo. Mami miss ko ang magagandang tanawin na nakikita ko dito.

Sana ay patuloy paring mamukadkad ang mga bulaklak dito sa palasyo kahit wala na ako.

Lalo na ang punong itinanim ni Lady Cristina para kay Calix.

Sa huling pagkakataon ay hinawakan ko ang lupa at hiniling na, sana ay patuloy na yumabong at huwag mamatay ang mga halamang nakatanim sa Palasyong ito.

"Your majesty?" Mahinang tawag nila atsaka na ako lumabas.

"Siguraduhin mong maayos ang pagkakasara sa gate" utos ko kay Prey.

"Yes, your majesty" atsaka nya dahan dahang hinila ang gate pasara mabuti nga at hindi ito nag ingay nung binuksan at nung isinara. Pagkasara  ay hinawakan ko ito at pinayabong ko ang mga baging na nandito sa gate upang mag silbi silang lock at hindi mabuksan ng kahit sino.

Nagulat si Prey sa ginawa ko at kahit si Claire na minsan ng nakita ang kapangyarihan ko ay hindi parin makapaniwala, pero hindi ito ang oras para magpaliwanag sakanila.

"Tara na. May mahaba pa tayong gubat na kailangang lagpasan para makalabas" agad silang nabalik sa realidad at tumango.

"Yes, your majesty!" Prey & Claire.
.
.

Paalam, Calix.

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon