Chapter 22

101 7 0
                                    

  Elijah Archer

Lumipas ang apat na araw at ligtas kaming nakarating sa Paris.

"Your majesty" pagpapaalam ng mga trabahador sa Piyer na sumama sa paglalakbay papunta dito sa Paris. Ibinigay na ni Prey ang  bayad sakanila at mas malaki ito nang dalawang beses kaysa sa orihinal na pangako.

Binanggit na din ito ni Prey saakin bago siya gumawa ng kilos at ito'y sinang ayunan ko. Sinabi niya na dodoblehin niya pa ang bayad kung ligtas at walang problema kaming makakarating sa Paris at ito'y nangyari nga. May isang salita si Prey kaya kung paano niya itong ipinangako ay ganun din niya ito ginawa.

Pagkaalis ng barko ay Ibinigay ko kay Prey ang papel na hawak ko, dito nakalagay kung nasaan ang bahay na pupuntahan namin.

"Your majesty, parang nasa mataas at lilim na lugar kung saan nakatayo ang bahay ayon sa direksyong nakasulat. Wala po ba kayong mapa papunta dito?" Tanong ni Prey at inikot niya papel.

"Iyan lang ang ibinigay ng Ina ko at wala siyang kahit anong mapa na ibinigay, ang sabi niya ay-"

"Your majesty, tignan nyo ang papel" pagputol ni Prey sa sinasabi ko. Agad naman namin itong tinignan ni Claire. Nagulat kami nang itutok niya ito sa liwanag at may parang direksyon kung paano mo mapupuntahan ang lugar.

"Baka iyan ang makakapagturo saatin kung paano mapupuntahan ang bahay!" Excited na sabi ni Claire. Sinubukan kong basain ng kaunting tubig ang kamay ko at hinawakan ang maliit na parte ng papel.

Pagkahawak ko ay mabilis itong kumalat, which is weird at lahat ng nakita namin mula nung itutok ni Prey sa liwanag ang papel ay lumitaw ito na parang tinta ng ballpen at mas malinaw na ito ngayon.

"Your majesty! Napakahusay, paano mo naisip na baka sa pagbasa ng papel ay makikita natin ang nakasulat? Minsan kase ay kapag binasa ang papel ay mas lalo itong lalabo at mahihirapang bumasa ang tumingin dito"

Hindi ko rin alam paano ko ito naisip. Parang may nagsasabi saakin kanina na tubig. tubig. ang kailangan ay tubig  kaya binasa ko ng kaunti ang kamay ko at sinubukan kung gagana ba ito. Mabuti naman at gumana ito.

'Pakiramdaman mo ang papel' lumakas ang pagtibok ng dibdib ko nang parang biglang may hangin na bumulong sa tainga ko. "Narinig nyo ba iyon?" Tanong ko at tinignan sila Prey at Claire.

"Ang alin, your majesty?" Nagtatakang tanong ni Claire saakin. Ganon din si Prey kaya sa tingin ko ay ako lang ang nakarinig or baka napapraning lang ako.

"Sundan natin ang direksyon sa papel, baka mas mabilis tayong makakapunta kaysa sundin ang mga nakasulat" suggest ko.

"Mas maganda nga kung ganon, your majesty. Mas mabilis tayong makakarating at mas mabilis kayong  makakapagpahinga agad" pagsang ayon ni Prey saakin. Napaswerte ko at sila ang napili kong isama sa paglalakbay na ito.

Alam kong ibinilin ako ng aking ama kay Prey pero hindi ko inakalang susundin niya talaga ito nang buong puso, kaya siguro isa siya sa mga hinahangaan ng aking ama, dahil sa napakaloyal nito sa kanyang tungkulin.

Naghanap nang karwahe si Prey at doon ay sumakay kami at tinanong sa nagpapaandar nito kung alam niya ba ang lugar na nakasulat sa papel. Tumango ito at nakita ko din na may pagkabigla sa ekspresyon niya ngunit agad din itong nagbago at naging maggalang siya sa pagsagot.

"May mali po ba sa nakasulat sa hawak naming papel?" Marahan kong tanong sa nagpapaandar ng karwahe. "Wala po, Princess Elijah" nagulat ako sa ginawang pagtawag saakin nang nagkakarwahe.

"Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung gayung hindi ko pa naman ito sinasabi at bakit mo ako tinawag na prinsesa? Sa tingin ko ay nagkakamali ka" medyo naguguluhan na ako sa pagkakataong ito dahil ito ang unang beses na may tumawag saakin ng Princess Elijah.

"Hindi po ako nagkakamali, kamahalan. Kayo po ang anak ni Princess Ellyn, ang namayapang asawa ni Duke Archer ng Coastillon Empire" malakas na kumabog ang puso ko. Parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko, ano ba ang sinasabi niya, hindi prinsesa ang ina ko. Isa lamang siyang mamamayan ng Coastillon Empire noon bago siya pakasalan ng aking ama.

Ang sabi niya ay ipinatayo ng ama ko ang bahay dito sa paris upang gawin niyang taguan noong may gustong sumalakay sa duchy. Natakot ang aking ama na baka madamay ang aking ina kaya dito niya naisip na mamalagi muna ang aking ina noon.

Ngayon, ano ang totoong kwento sa hindi. Gusto kong maniwala sa aking ina ngunit may iilang totoo sa sinabi ng nagkakarwahe.

"Ano pa ang iba mong alam, ikuwento mo saakin" utos ko sakanya at bahagyang napahinto sa paggalaw ang nagkakarwahe.

"Kaunti lang po ang alam ko, kamahalan. Pero nangangako akong hindi ko sasabihin sa iba ang pagdating niyo sa Paris. Maaasahan nyo pong pananatilihin kong sikreto na kayo po ay aking nakita, bilang paggalang narin po sa namayapa nyong ina, ang Prinsesa ng Paris" tsaka siya bumaba sa kabayo at nag bow sa ibang paraan. Siguro ay ganito sila mag bow dito sa Paris.

Ngunit... Prinsesa ng Paris? Totoo ba itong naririnig ko?

"Totoo ba ang mga sinasabi mo?" Hindi parin ako naniniwala sakanya dahil imposibleng magsinungaling ang aking ina saakin, gayong alam niyang ayaw kong nagsisinungaling siya sa mga importanteng bagay.

"Totoo po, kamahalan. Alam po naming kayo ang kasalukuyang nakaluklok na Empress sa Coastillon Empire. Isa po ako sa mga tapat na alagad ng Hari at Reyna, kaya wala po akong balak na traydurin or pagsinungalingan kayo"

"Kung ganon ay dalhin mo ako sa Hari at Reynang iyong sinasabi" gusto kong malaman ang totoo, gusto kong malinawan pero gusto kong paniwalaan na tama ang ina ko at hindi niya magagawang itago ang ganito kalaking impormasyon saakin kung hindi naman talaga ito belong sakanya. Gusto kong kumapit pero may parte saakin na gustong bumitaw.

Ina, alin ang totoo? Ikaw ba or ang sinasabi ng nagkakarwahe saakin? Gusto kong magtiwala parin sayo, pero paano kapag nalaman kong siya ang totoo at ikaw ang mali... Ano na ang gagawin ko?

Empress Elijah! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon