CHAPTER 56

14.3K 309 2
                                    




Jacinto mansion..

"She's okay now Sienna, Angela.." sabi ni Abigail matapos lumabas sa kuwarto ni Miracle. Matapos nitong mawalan ng malay kanina ay nagising ito at iyak ng iyak dahil sa nangyaring aksidente kay Aidan kaya naman tinurukan na ni Abigail ang inaanak ng pangpa-kalma na safe naman sa pinagbubuntis nito.

"My daughter is devasted.." ani ni Sienna matapos silang tatlo maupo sa sofa na naroon din sa second floor ng bahay nila. Baka kase magising ang anak niya at mag-hysterical na naman ito.
Wala dito ang anak nila ni Eros na si Nicollo dahil dinaanan ito kanina ni Leon para pumunta din kung nasaan sina June at asawa niya.

"Wala pa bang balita si June? Ano ba kase talagang nangyari?" Tanong ni Abigail habang nakatingin kay Angela na namumugto na ang mata. Katatapos lang nilang mag-tanghalian ni Gerald ng tumawag si Eros at sinabi nga ang masamang balita na nangyari. Para ngang ayaw niya pang maniwala dahil alam niyang wala pang isang taon mula ng binili ni June ang helicopter at heto nga bigla na lang bumagsak. Isa pa alam nilang magaling at matagal na sa pagiging piloto ang nagmamaneho nito kaya paano nangyari ang ganitong aksidente?

"H-hindi pa din sila tumatawag, at maski si boss mayor ag ganon din. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko Sienna, w-wag naman sana. Wag naman sanang mau masamang mangyari sa anak ko." Umiiyak na na naman na sabi ni Angela, ang huling balita na natanggap nila ay ang nakuha daw na bangkay pero sabi ni June ay nakakasigurado daw siya na hindi iyon ang anak nila at yon daw ay ang piloto. She can't accept it, masaya pa ngang nagpaalam kanina si Aidan pagkasakay sa helicopter tapos ilang minuto lang ay bumagsak na pala ito.
"Naaawa ako kay Miracle Sienna, diyos ko buntis pa naman siya."

Tahimik lang si Sienna na nakatingin sa kaibigan, talagang nakakaawa ang anak niya. Kita niya ang pag-aalala at takot nito habang nanonood ng balita at tinatawag ang pangalan niya. Pero malaki ang paniniwala niya na nakaligtas si Aidan, lalo pa at nangako ito sa kanila ni Eros na ano man at ano man ang mangyari ay babalik pa din ito sa anak nila.

   Limang oras ang matulin na lumipas, mag-gagabi na at nasa gitna pa din ng dagat sina Eros at mga kaibigan niya. Nagpadagdag na sila ni June ng iba pang divers para hanapin si Aidan. At kahit magbayad sila ng malaki ay wala silang pakialam lalo na si June na habang lumilipas ang oras ay parang nawawalan na ng pag-asa.

"Negative pa din pare.." sabi ni Micheal matapos umahon at sumakay sa yate na kinaroroonan ng mga kaibigan, pang-apat na beses niya na itong pag-dive. Pero ganon pa din at wala pa din silang makita, hindi nga lalagpas sa sampung rubber boat ang umiikot sa lugar at nagbabakasakali na mahanap si Aidan.

"We can see my son, I'm sure buhay siya at palutang-lutang lang sa dagat." Ani ni June na pinapakalma ng anak na si Leon,

"Buhay talaga si kuya papa, si Kuya Aidan pa ba? Eh yung sakit nga sa puso kinaya niya na wala tayo eh. Ito pa ba." Si Leon na bakas din sa mukha ang pag-iyak dahil sa nangyari sa kakambal niya. Pero pinapatatag niya ang loob ng ama dahil alam niyang alalang-alala ito sa kambal niya. Nasa Dela vega construction firm siya kanina ng matanggap ang masamang balita galing sa papa June niya kaya naman agad siyang nagpunta dito. At first he can still believe it, pero sunod-sunod kase ang mga tanggap niyang text message at tawag at kinukumpara sa kanya kung tama daw ba ang napanuod ng mga ito sa balita.

"We will not stop Hunyo until we found your son." Sabi ni Micheal na tinapik-tapik pa ang balikat ng kaibigan. Muli niyang inayos ang kanyang diving gears para bumaba ulit sa tubig. Mag-didilim na at mahihirapan na silang maghanap mamaya kaya naman habang may kaunti pang araw ay kailangan na nila ulit kumilos.

 
Bumalik sina June at Eros sa tabing dagat at doon naghintay, alas sais hanggang umabot na ng alas otso ng gabi, pare-pareho pa silang walang kain pero sige pa din ang paghihintay nila. Tumayo si June mula sa kinakaupuan ng makita ang mga bangka at rubber boat na papadating, his heart beat is getting fast, he's getting and getting more nervous big time! Kung sakali man ay parang hindi niya kaya iuwi na bangkay na lang ang anak niya. Hindi niya talaga kaya!

"Nakita na ho namin ang isa pa.." sabi ng pulis paglapit kina Eros at June."

"Talaga?" Siguradong anak ko na yon! K-kamusta siya? Dalhin natin siya sa ospital para matingnan ng mga doktor!" Si June na bakas ang excitement sa sinabi ng pulis pero mabilis din iyong nawala ng umiling ang pulis at tiningnan siya ulit.

"Sunog na bangkay din ho ang nakita namin gaya ng una. At mas lalong mahirap itong kilalanin dahil mas matagal nababad ang katawan sa dagat."

Tiningnan ni June ang anak na si Leon at doon na nga siya tuluyang natumba sa lupa dahil sa narinig. "H-hindi, hindi yan ang anak ko! No! No! H-hanapin niyo ang anak ko! Please--"

"P-papa.." Leon hugged his father tightly, tumulo na lang din ang luha sa kanyang mata, isa lang ang sigurado matapos nilang maghintay ng ilang oras sa paghahanap ng kambal niya. Wala na, wala na talaga ang kuya Aidan niya.

The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon