Nagpaiwan si Angela sa Manila kasama ang anak nilang si Aidan samantalang bumalik naman si June sa San Juaquin para sunduin si Leon at bunsong anak na si Nicole. Buti na lang din at nakontak pa din niya ang pinagkakatiwalaang tauhan para magpasundo siya sa Manila at nakigamit na lang siya ng telepono habang nasa ospital sila.
"Pa? Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ni Nicole." Si Leon na sinalubong ang kanyang ama. Ilang beses pa niya itong tinawagan pero iniwan pala nito ang telepono maging sa mama niya kaya pala hindi nila makontak. Basta sabi lang ng security nila sa bahay ay sinundo daw ito ng Tito Gov niya kagabi. "Si mama nasaan?"
"She's in Manila with your Kuya Aidan, nasa ospital ang kambal mo." Ani ni June, susunduin niya talaga ang dalawa pang anak para isama muna sa Maynila at baka doon muna sila hanggang nagpapagaling pa ang anak tutal may condo naman sila doon.
"Ospital? Anong nangyari kay Kuya? Akala ko ba nasa Palawan siya?" May pag-aalala sa boses na tanong ni Leon.
"I will explain to you later, nasaan ang kapatid mo? Tawagin mo nga muna para siya ang kumuha ng damit ng mama niyo sa kuwarto namin." Utos ni June, sinabihan niya si Angela na bibili na lang ng damit doon pero ayaw naman nito.
"Wait dad may pinadala nga pala si Tito Gov sa inyo." Sabi ng binata bago umakyat sa hagdan.
"Pinadala? Ni Eros? Ano daw?"
Pumunta muna si Leon sa malawak nilang sala at kinuha ang naka paper bag doon at tsaka inabot sa papa niya. "Driver po ni Tito Gov ang nagpunta dito kanina."
Naiwan si June sa sala nila dahil umakyat na si Leon para tawagin ang kapatid nito. Then he opened the brown paper bag and to his surprised it was a candle! Ang gagong Eros sinolian talaga siya ng kandila! Ninong kase siya ng panganay nitong si Miracle kaya may ganito talaga noong binyag nito. "Gagong Jacinto yon, pikon talaga ang hayop!" Malakas na sabi niya bago binalik ang puting kandila sa loob ng paper bag.
Jacinto mansion..
"Are you listening Miracle? Hindi ka muna lalapit sa pamilyang yon naiintindihan mo?" Muling sabi ni Eros sa kanyang anak, narito sila ngayong mag-ama sa mini office niya sa bahay nila. Gaya ng sabi niya kanina ay kakausapin niya ito.
"P-pero dad, hindi naman po kami dapat kasali ni Aidan tungkol sa away niyo ni Tito June eh." He knew already, my dad knew about me and Aidan. And he told me everything awhile ago at wala akong gustong mangyari ngayon kung hindi makita at makausap si Aidan. He should tell me about his condition before, na may sakit pala siya at kailangan niyang pumunta ng ibang bansa para mag-pagamot. Pero hindi niya ginawa, instead he asked helped on my dad than me.
"Kahit na! Nanggigigil talaga ako sa Hunyo na yon, ako na nga ang tumulong pero ako pa ang napasama. At lintek lang talaga ang walang ganti!" Galit pa di na sabi ni Eros kaya kanina ay pinahatid niya sa kanyang driver ang isang gamit na kandila sa bahay nila June. Tutal ito ang nagbanggit ng solian ng kandila ay siya na mismo ang gagawa. Natawagan na din niya kanina ang kaibigan na si Micheal na nakakaalam tungkol sa nangyari kay Aidan at ang siraulo tawa lang din ito ng tawa habang nagkukuwento siya.
"P-pero gusto ko pong makita at makausap si Aidan daddy." Pakiusap ko sa kanya, lalo lang akong hindi mapapakali ngayon dahil sa mga nalaman ko. I want to see him personally, want to know if he's okay or what. And I want to hug him tightly! Hindi na ako naiinis sa kanya dahil hindi siya naka-attend ng graduation ko basta ang guato ko lang talaga ay makita siya.
"I repeat Miracle, it's a NO. Wag ka munang maglalapit sa pamilyang yon. And I trust you anak kaya wag mo akong biguin." Huling salita ni Eros bago iniwan ang anak sa loob ng opisina niya, sa ngayon iisipin niya muna kung anong magandang kapalit sa pagsuntok ni Hunyo sa kanya kagabi.
Apat na araw mula ng malaman ng mag-asawang sina Angela at June ang nangyari sa kanilang anak ay nailabas na din nila ito mula sa ospital. Buti na lang at hindi na nito kinailangan pang sumailalim sa therapy dahil noong una ay nahirapan itong makatayo at makalakad dahil na din siguro sa mahigit na dalawang buwan na niratay nito sa kama. Nakakapagsalita na din siya ng diretso at bumalik na din ang lakas ng boses niya. Pero kailangan pa din niyang magpacheck-up weekly sa cardiologist niya para malaman kung wala ba talagang naging problema ang heart transplant niya. Medyo pumayat din kase siya pero sabi ng doktor babalik naman daw ang katawan niya sa tamang ehersisyo at pagkain.
"You're excited to go home Kuya.." sabi ni Leon matapos magpagupit ng kambal niyang si Aidan. Nagpa-home service ito para magupitan ang humabang buhok. Nandito sila buong pamilya sa penthouse ng condominium nila sa may Roxas boulevard.
"I am, I can't wait to see my Miracle.." nakangiting sabi ni Aidan, pupuntahan niya talaga ito bukas na bukas pagbalik nila sa San Juaquin. Nagkakausap naman sila sa text at tawag pero hindi niya ito tinatawagan sa video call dahil may pinagbago nga ang kanyang itsura, na medyo pumayat siya. At isa pa baka lalo lang niya itong mamiss kapag nag-video call sila.
"Balita ko may nanliligaw nga daw kay Miracle eh, yung anak ng may-ari ng Mall sa Estrella." Ani pa ni Leon, ngayon alam niya na kung bakit ganon na lang kung protektahan ng Kuya niya si Miracle noon dahil may gusto pala ang kambal niya sa anak ng Tito Gov niya. Kaya pala handang-handa ito mambugbog eh.
"I will hunt that guy when I go back tomorrow." Sagot ni Aidan, noong nakaratay pa siya sa ospital at naka-coma pa ay naririnig niya naman ang nasa paligid niya. At siguro nga isa sa naging dahilan para mas magising na siya ay ang palaging pagsasabi ng Tito Gov niya na may nanliligaw daw kay Miracle, na may nagpapadala daw dito ng bulaklak at may dumadalaw sa bahay nila. At siguro ganito talaga ang epekto ng pag-ibig na kahit halos bibigay na ang katawan mo ay gigising at gigising ka pa din para sa taong mahal mo.
"Pero magkaaway yata si Tito Gov at papa Kuya. Diba sabi ko sayo sinolian ni Tito Gov si papa ng kandila."
"Kakausapin ko na lang si Tito Gov pagbalik natin, alam ko naman nabigla lang si papa dahil akala niya niloko siya ni Tito Gov pero yun nga tinulungan lang niya talaga ako." Paliwanag ni Aidan, isa pa yon sa inaalala niya. Hindi nagrereply sa kanya ang Tito Gov niya at maging ang tawag niya ay hindi nito sinasagot. Kaya huwag naman sana, wag naman sanang pati sila ni Miracle ay madamay sa aso't-pusang away ng mga magulang nila.
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Roman d'amourMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.