CHAPTER 02

46.3K 954 113
                                    







No need malito sa mga bagong readers kung bakit chapter 02 agad, this will be the chapter 01 of The governor’s daughter here in wattpad. Dito po kasi magsisimula ang story sa mismong physical book under PSICOM ng kuwentong 'to.





Huwebes ng hapon at naabutan ni Eros na nakasimangot ang anak na si Miracle kaharap ang anak ni June na si Aidan pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay. He just came home from his banana plantation, mula ng tumigil siya sa mundo ng pulitika ay pagnenegosyo na lang ang inatupa niya.

"Ano na namang pinag-tatalunan niyong dalawa?" Ani ni Eros na nilapitan agad ni Miracle at humalik sa kanyang pisngi.

"Si Aidan daddy ang daming arte, kanina pa dapat kami nakaalis pero gusto niya palitan ko muna ang suot ko." Tukoy ko sa suot kong kulay pulang dress na hanggang sa pagitan ng hita ko.

Lumapit naman si Aidan at nag-mano sa Tito gov niya. "Hindi po talaga kami aalis Tito gov hangga't yan ang suot niyang anak niyo." Sabi naman ni Aidan.

"Pero bigay nga ito ni ninang Abigail sa akin tsaka ang ganda kaya ng dress na ito tapos ngayon ko lang din sususuutin." Reklamo ko na naman.

"Ano bang problema sa suot niyan Aidan? Tsaka saan na naman kayo pupunta? Magkasama lang kayo kahapon tapos aalis na naman kayo ng anak ko."

"Pupunta po kami Tito gov sa resort ni tito Micheal, tsaka uuwi naman po kami bago mag 10 pm." Magalang na sagot ni Aidan na tumingin pa sa kanyang rilo, alas kuwatro pa lang ng hapon at maaga pa.

Nag-isang linya agad ang kilay ni Eros sa narinig. "9 pm lang Aidan, Miracle need to be here at 9 pm may pasok pa sa school yan bukas." Sabi niya sa binata.

Nang bigla namang lumabas si Sienna mula sa kusina at humalik sa labi ng asawa ng makita ito. "Hayaan mo na nga ang mga bata Eros, kila Lily lang naman sila pupunta." Sabi niya kay Eros at nginitian din si Aidan.

Napabuntong hininga si Eros at tumingin kay Sienna. "Magpalit ka na ng damit mo Miracle at hindi titigil yang si Aidan kapag hindi ka pa nagbihis. Wear pants para tapos ang usapan." Paalala niya pa sa anak, he knew Aidan at ewan ba niya sa batang ito at ayaw na ayaw na nagsusuot si Miracle ng bestida kapag aayain nito ang anak niya.

Inirapan ko si Aidan bago umakyat uli papunta sa kuwarto ko, nakakainis talaga ang lalaking ito. Ang daming bawal! Hindi naman talaga ako magpapasundo sa kanya kanina pero kapag kay daddy lang ako nagpaalam magpapasama pa ito ng bodyguard niya sa akin na siyang ayaw na ayaw ko.

"And you young man." Sabi ni Eros kay Aidan ng maiwan sila sa sala. "Hindi ka ba hinahanap sa bahay niyo at laging nandito ka sa amin simula ng dumating ka galing Maynila? Si Hunyo nasaan na yang tatay mo?"

"Nasa office pa po yun Tito gov kasama si Leon tsaka bakasyon ko naman po sa trabaho kaya puwede naman pong mag-gala." Ani ni Aidan, he is now Second lieutenant ensigned on Philippines navy. He graduated a year ago from Philippines military Academy and now assign in Manila at kapag ganitong wala siyang pasok ay umuuwi talaga siya ng San Juaquin.

"Ayoko na ng gulo Aidan ha, sinasabi ko sayo ayoko ng may pupunta dito sa bahay at magrereklamo na may binugbog ka na naman na nanliligaw kay Miracle." Paalala pa ni Eros sa binata, noong huli ay kinagulat pa nila ng asawang si Sienna dahil ang alam nila ay nasa Manila si Aidan pero umuwi pala ito ng San Juaquin para bugbugin ang anak ng isang Mayor na naliligaw sa kanyang anak.

Natawa ng mahina si Aidan sa sinabi ng Tito gov niya. Nasermunan siya ng malala ng mama niya dahil doon at alam niyang nahihiya ito sa dating boss na si Eros. "Hayaan niyo Tito gov next time babarilin ko na lang."

"Aidan!" Saway ni Sienna sa binata. "Anong babarilin ka diyan ha?"

"Siraulo ka talagang bata ka, basta sinasabi ko sayo Aidan ayoko ng maulit yun at iuwi mo yang kinakapatid mo dito ng alas nuwebe." Bilin pa ulit ni Eros.

Opo Tito gov ako pong bahala, 10 pm po." Hirit pa ni Aidan at tsaka napadako ang tingin kay Miracle na pababa na ng hagdan. She's now wearing a color blue pants and paired it with a blouse, he smiled to her but she only roll her eyes on him. Sungit!

"Happy?" Mataray na tanong ko pagkalapit kay Aidan.

"Maganda ho talaga Tito gov ang anak niyo kahit nakasimangot." Pang-aasar ni Aidan sa dalaga, na agad naman siyang sinipa sa binti ni Miracle.

"Sige na umalis na kayo Miracle, yung kapatid mo doon si Nicollo tingnan-tingnan mo. Bukas pa daw uuwi yun at doon makikitulog sa tito Micheal mo." Bilin pa ni Eros.

"Bakit si Nicollo puwede matulog kila tito Micheal? Tapos ako bawal?" Tanong ko kay daddy, samantalang ako ang mas matanda ng isang taon sa kapatid ko dahil eighteen pa lang ito. At kahit isang taon pa lang ako pa din ang panganay!

"Lalaki ang kapatid mo Miracle, ikaw babae ka. Tsaka hindi ba kayo nagkakasawaan magkita-kita ng quadruplets? Magkakasama naman kayo sa isang eskuwelahan ah." Tukoy ni Eros sa mga anak nila Micheal at Lily. Nasa kolehiyo na din ang mga ito at iisang unibersidad lang ang pinapasukan ng mga anak nila.

"Pero daddy hindi ko pa na-try mag-sleepover kahit kailan! Maski nga kila ninang Abigail ayaw niyo ko payagan eh." That's true, ganyan ka-istrikto sa akin si daddy hindi sila papayag na mag-sleepover ako sa ibang bahay kung hindi ko sila kasama pero si Nicollo ay ayos lang.

"Because you're my princess, at ayokong may mangyari na masama sayo. Tsaka wag na wag kang makikitulog sa ninang Abigail mo dahil pasmado ang bibig ng babaeng yun at baka kung anu-ano pang ituro sayo."

Kinurot naman ni Sienna ang tagiliran ng asawa, Eros is always like this. He's more protective on their daughter compared to their son Nicollo. "Sige na Aidan, Miracle umalis na kayo. Basta 10 pm umuwi ha? Ingat sa pagda-drive."

"Baby! Anong 10? 9 pm lang!" Reklamo ni Eros kay Sienna, pero hinila siya ng asawa at may binulong sa kanya na kinatawa niya ng malakas. Mabilis siyang bumaling sa dalawa. "Sige na Aidan kahit 12 midnight puwede mong ihatid dito si Miracle. Basta eksaktong alas dose dapat nandito na yang prinsesa ko kung hindi, hindi ka na makakapunta dito sa bahay kahit kailan naiintindihan mo?" Biglang bawi ni Eros sa sinabi niya kanina sa binata.

Sumalido naman si Aidan kay Eros at tumingin sa asawa nito. "Thank you po tita Sienna!" Pasalamat niya sa asawa ng Tito gov niya, alam na alam niya yung mga ganitong ngiti ni Tito gov dahil madalas ganito din ang papa niya sa mama niya lalo na kapag gabi. Siguradong mag-sesexy-time ang dalawa!

Aidan made sure that he put the seatbelt on Miracle before he start his car. May kung anong inabot din siya mula sa likod na upuan ng sasakyan niya. "Flowers for you." abot niya kay Miracle ng isang pumpon ng bulaklak na pulang rosas.

"S-salamat, kabibigay mo lang sa akin kahapon tapos meron na naman ngayon." Simple kong sabi sa kanya at tsaka tiningnan ito. Aidan starts to gave me flowers when I turned eighteen. Kahit walang okasyon binibigyan niya ako o kaya naman pinapadalhan dahil nga sa Manila siya naka-assign. And I don't know but I like this kind of gesture from him kahit pa parang aso't-pusa kaming dalawa.

"You deserve to be spoiled Miracle, kung alam mo lang." Nangingiti na sabi pa ni Aidan sa dalaga habang nagmamaneho.

"Alam na ano?"

Na gusto kita, noon pa. Noong 13 years old ka pa lang. Gusto sanang isa-boses ni Aidan pero baka mabigla si Miracle at iwasan siya nito. "Wala, nevermind."

Hinampas ko ito sa balikat ang hilig niyang mag-ganyan sa akin. "Ano nga kase Aidan? Sasabihin mo o tatawagin na lang kitang Kuya Aidan ulit?"

"Nahhh you can't do that Miracle." Kampanteng sagot ng binata.

"Kuya Aidan tell me please." Naka-labi na sabi ko sa kanya. Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi. Oooppss may pikon!

"Forget it Miracle, you will be mad at me if I answer your question." Biglang seryosong sabi ni Aidan, he knew her very well. Nakita niya ito kung paano lumaki at kapag umamin siya sa dalaga ay hindi lang sila ang magkakagulo pati na din ang mga pamilya nila. Tsaka kaya nga nakaka-bugbog siya ng nanliligaw dito ay dahil gusto niya ito.

#maribelatentastories

The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon