LAST CHAPTER

39.1K 536 53
                                    




Aidan and Miracle was surprised when they saw Eros early in the morning on their house. Wala pa nga halos alas syete ng umaga pero nandito na ito.


"D-dad? Anong ginagawa niyo dito? Si mommy?" Hinanap ko pa si mommy kung kasama niya pero wala.

"Nasa bahay ang mommy mo anak, may dinala lang ako para sa magiging apo ko." Nakangiting sabi ni Eros, he's excited! Hindi talaga alam ng asawa niya na pumunta siya ngayon dito sa bahay nila Miracle at Aidan.


"Ano po yon?" Si Aidan na may hawak na tasa ng kape.

Inaya ni Eros na lumabas ang ang mag-asawa. Isang close van track ang nakita naman nila Aidan at Miracle sa labas ng kanilang bahay.


"Ano yan dad?" Naguguluhan ko pa din na tanong, truck ito mula sa banana farm dahil nakasulat pa ang pangalan sa labas.

"I bought some stuff for my apo, kaunti lang naman." Masayang sabi ni Eros at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na ibaba na ang laman ng truck.


Nagkatinginan naman sina Miracle at Aidan, at nagulat na lang silang dalawa ng makitang ilabas ang sunod-sunod na malalaking box mula sa truck at ipinasok sa loob ng bahay nila.

"Those are toys that I bought when i went last week in Manila. And please Miracle don't tell about this on your mom. Magagalit sa akin si Sienna kapag nalaman niyang bumili ako ng hindi ko siya kasama." Bilin pa ni Eros, malilintikan talaga siya panigurado at baka sa labas siya patulugin.

Napangiti naman si Aidan habang tinitingnan ang mga kulay brown na box sa harap nila. He remembered something. "May naalala ako papa Gov.." sabi niya sa byenan.

"About what?"

"Noong kakakilala mo pa lang sa amin ni Leon, nasa ospital noon ang kambal ko at binigyan mo kaming dalawa ng madaming laruan." Pag-alala ni Aidan, hindi nila unang beses makatanggap ng laruan ng oras na yon pero ng ganon kadami oo! And as far as he remembered, they are only seven years old that time. And that was twenty years ago! Nakalagay din sa mga box ang binigay ng papa Gov niya noon katulad ngayon kaya naalala niya.

"Naalala mo pa yon ha." Ani ni Eros, he also remembered that. Si Micheal pa nga ang kasama niya mamili ng mga laruan noon sa isang mall sa Taguig.


"Hindi ko po yon makakalimutan, ang gaganda at ang mamahal ng mga laruan na binili niyo para sa amin ni Leon."


Naupo si Eros sa couch, he was excited that time after knowing Angela have a twins. Akala pa nga ni Micheal noon ay para sa anak niya ang mga biniling laruan knowing na wala pang malay si Sienna noon at coma pa. "Pero ngayon yung anak niyo na ang bibilhan ko." Sabi ni Eros.


"Ang dami nito dad! Lagot ka talaga kay mommy." Sabi ko ng buksan ko ang isang box, puro laruan nga ang laman  at ang iba ay naka-box pa. Nag-hoarding si daddy! Tsaka hindi naman ito agad malalaro ng anak namin dahil malalaki ito masyado!

"Kaunti lang naman yan Miracle, basta anak wag mo na lang sabihin sa mommy mo. Tsaka nagpagawa nga pala ako ng playground ng apo ko sa farm. I'm sure magugustuhan niya yon." Dagdag pa ni Eros, naghanap talaga siya ng engineer na puwedeng mag-design ng gusto niyang maging playground. At kahit engineer naman si June ay hindi siya nagpatulong sa walanghiya na yon dahil siguradong uungusan siya nito pag nagkataon, inggitero pa naman ang balae niya.

"Playground po? Hindi po ba parang hindi naman kailangan yon ng baby?" Si Aidan na nagulat din sa papa Gov niya.

"Under construction pa naman, tsaka ipapa-child friendly ko yung playground para siguradong hindi mapano ang apo ko." Paliwanag pa ni Eros, nakakita na din siya ng mga design ng padulasan at mga swing na gusto niya kaya nga sobrang excited siya na matapos na yon.

Napatingin na lang ako kay daddy, he's happy. Walang duda doon pero kapag nalaman ni mommy na nauna siyang bumili ng laruan at hindi pa siya sinama ni daddy lagot talaga to.

Aidan and Miracle invited their dad to have a breakfast on their house na siya namang pinaunlakan ni Eros. Pagkatapos nilang kumain ay nagka-kuwentuhan pa sila at kinamusta ni Eros ang katatayo pa lang na negosyo ni Aidan. Si Eros ang isa sa mga nagdala ng costumer sa shop dahil na din sa dami niyang kilalang politiko at kilalang tao sa San Juaquin na interesado din sa mga baril. Masaya silang nag-kukuwentuhan ng dumating naman si June.

"Tsk, anong ginagawa mo dito?" Parang nasira ang umaga na tanong ni Eros, tulad niya ay nakapambahay lang din si Hunyo.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan pare, anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" Si June na tumabi kay Aidan.

"Pinasyalan ang anak ko at nagdala ng mga laruan para sa apo ko." Pagyayabang na sabi ni Eros at tinuro ang walong malalaking box sa may hagdanan.

Napa-nganga naman si Hunyo sa nakita at tiningnan si Miracle kung totoo ba na mga laruan talaga ang laman noon at ng makasigurado ay tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Hindi niyo naitatanong inagahan ko din talaga ang pagpunta ko dito Miracle at Aidan dahil may binili din ako sa apo ko."  Si June na hindi papatalo at nakatingin pa kay Eros.

Sumunod naman silang tatlo ng lumabas din si June ng bahay at foon ay nakita nila ang mga laman ng pick up truck na gamit nito.

"Para sa apo ko, ang gaganda diba." Ani ni June na ang tinutukoy ay ang mga inorder niya online para sa kanyang apo.

Napahawak na lang ako sa kamay ni Aidan, kung si daddy ay puro laruan ang dala si papa June naman ay may mga bike at remote control cars na puwedeng sakyan ng bata. Bata! Hindi nf baby!

Sinabihan ni June ang kasamang dalawang bodyguards na ibaba na ang mga pinamili niya at ipasok sa bahay ng anak niya. "Ang gaganda diba? Sa U.S pa galing ang mga yan."

"Pero pa hindi pa yan magagamit ng anak namin." Sabi ni Aidan. "Tsaka bakit pati skateboard? Hindi ko papayagan gumamit ng ganyan ang anak namin." Nakapameywang na sabi niya ng makita ang apat na pirasong skateboard, dalawang kulay violet at dalawang kulay blue.

"Anong hindi papayagan? Magkaiba na nga ng kulay ang binili ko para kung babae o lalaki man magiging apo ko may magagamit siya." Masayang sabi ni June.

"Takaw aksidente yan papa, tsaka alam ba ni mama na nandito ka? Isusumbong kita." Panakot pa ni Aidan, nag-usap pa naman na sila ni Miracle na silang dalawa ang mamimili ng gamit ng baby nila pero kapag ganito na mas  excited pa ang magulang nila ay baka hindi na sila makabili.

"Your mom didn't knew about this Aidan at wag mong sasabihin sa kanya dahil magagalit yon sa akin." Bilin ni June, kaya nga pinagod niya kagabi si Angela para tanghaliiin na ito ng gising ngayon at maihatid niya dito ang mga pinagbibili niya eh.

"Tsk, ako na lang ang magsusumbong sa mama mo Aidan para masakal ni Angela ang papa mo." Si Eros na pangisi-ngisi, sabi na eh may antena yata itong si Hunyo at nasusundan siya kung nasaab siya.

"Eh ikaw alam din ba yan ni Sienna? I'm sure hindi din alam to ng asawa mo dahil ang aga-aga mo pumunta dito." Tukoy ni June sa mga dinala ni Eros na laruan.

Akma namang babatukan ni Eros si Hunyo pero inawat na ni Miracle.

"Tumigil na nga po kayong dalawa, hindi si Aidan ang magsusumbong kay mommy at mama Angela tungkol sa mga pinagbibili niyo dahil ako po ang tatawag sa kanila." Sabi ko at iniwan ko silang tatlo sa sala, parang sumasakit ang ulo ko dahil kay papa June at daddy, pareho silang nagpapaligsahan tungkol sa apo nila.



                 THE END

The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon