"I'm excited for my first apo.."
June said after he put the bottle of beer on the top of the table infront of him. Katatapos lang nilang mag-tanghalian at lumabas nga sila ng bahay at dito nagkaayayaan ni Eros sa malawak nilang garden para mag-chill at mag-relax."I guess ako ang magiging kamukha ng apo natin." ani ni Eros, he's excited too. Nakakamis naman talaga na humawak ng baby, at malapit na yon mangyari.
"Wow, bakit ikaw ang magiging kamukha? Eh lolo ka lang naman." Kontra agad ni Hunyo. "Pero malay natin ako ang maging kamukha!"
Hindi papatalo na sabi ni June."Tsk, eh di lalo na? Kung ikaw lang din ang magiging kamukha wag na lang Hunyo." Sabi ni Eros, hindi talaga siya papayag no! Mas okay na lang na si Miracle o si Aidan ang maging kamukha ng apo nila basta wag lang itong si June.
"Makakontra ka naman parang hindi tayo mag-balae. Our apo will be lucky Eros, ang pogi ko kaya."
Doon na tumawa ng malakas si Eros. "Tigil-tigilan mo na nga yan kakaganyan mo Hunyo at baka mabatukan lang kita, wait Miracle will stay on our house every weekdays starting tomorrow." Sabi naman ni Eros bago tumungga sa bote ng beer.
"Tsk, bakit sa inyo? Puwede naman sa amin ah. Tsaka bakit pa? May bahay naman ang dalawang yon diba."
"Pero tuwing weekends lang umuuwi si Aidan dito sa San Juaquin. Miracle is pregnant, mahirap iasa sa ibang tao ang kalagayan niya. And beside she's my only daughter Hunyo and all I want for her is the best at kung ako lang talaga nunca na payagan kong magpakasal ang dalawang yan agad-agad." Ani ni Eros, totoo yon kaso nagulat na lang sila ng sabihin ng mga anak nila na kasal na daw ang mga ito pagbalik galing Batanggas. Miracle just graduated in college at ang gusto niya sana ay mag-enjoy muna sa pagiging dalaga ang anak. Ayos lang naman sa kanya ang mag-boyfriend ito pero ang ganitong nakasal na agad? Malabo.
"Wala ka ng magagawa Eros kahit ano pang reklamo mo, they are already married." Sabi ni June. "All we can do as their parents is to guide them and support them."
"Wow, wow! Coming from you ha? Saang qoutes mo naman nakuha ang mga salitang yan ha?" Pang-aasar ni Eros, alam na alam niya ang likaw ng bituka ng kaibigan at ngayon nga ay balae niya ng si June kaya nakakagulat talaga pag nagsasalita ito ng ganon.
"I learned from my mistakes Eros, and you know that. Huli man pero pinilit kong makabawi sa mag-iina ko at yon ang importante." Seryosong saad ni June, hindi naman niya itatanggi ang kagaguhan na nagawa niya noon kay Angela pero ito nga, he learned from it. And what's is more important now is he have a complete and happy family.
"Alam ko and I know my daughter is happy with your son." Seryosong sabi din ni Eros, he can see that everytime he's talking to his daughter. May kislap ang mga mata nito kapag tungkol na kay Aidan ang usapan. At sino pa ba siya para kumontra? Lahat naman ng magulang ay kabutihan lang ang laging hangad sa anak nila.
"Ganito na lang para pare monday to tuesday na lang sa inyo si Miracle tapos wednesday to friday na man siya sa bahay."
Agad nag isang linya ang kilay ni Eros. "Siraulo ka ba? Ako ang tatay ni Miracle tapos hanggang martes lang?"
"Oh bakit tatay na din naman niya ako ah! Tsaka anak na din naman namin siya ni Angela dahil asawa niya si Aidan." Katwiran ni June.
"Kahit na, basta pag weekdays sa bahay namin si Miracle dahil nasa Manila si Aidan nun. Pero puwede niyo din naman siyang dalawin sa bahay basta magdala ka ng pagkain, yong mamahalin."
"Tsk, mamahalin pa talaga? Ano ka gold? Mandurugas ka talaga ano? Yung mga bata na lang ang kakausapin ko kesa sayo." At tumayo si June tsaka iniwan si Eros para pumasok sa loob ng bahay.
Alas kuwatro ng hapon ng magpasyang umuwi sina Aidan at Miracle sa kanilang bahay sa Sawali. Hindi na sila pupunta sa bahay ng mga Jacinto mamayang gabi para maghapunan dahil nagpaalam naman na sila sa mga kani-kanilang magulang. Sa katunayan nga ay nasa bahay pa nga nila Aidan sina Eros at Sienna at sila lang talaga ang unang umalis.
"Masakit sa ulo ang daddy mo at si papa kapag nagtatalo. Ako ang napipikon sa kanilang dalawa." Si Aidan na nakahiga sa kama.
"Parang hindi ka naman nasanay." Sabi ko naman at tsaka tumabi sa kanya, hindi na siya tuwing linggo ng hapon lumuluwas ng Manila kung hindi tuwing lunes na lang ng madaling araw.
"Kung wala lang talaga akong pasok sa trabaho mas gusto pa kitang makasama dito." Hinimas ni Aidan ang basang buhok ng asawa at tsaka kinuha ang hawak nitong suklay. "Pero kailangan kong magtrabaho para sa binubuo nating pamilya."
Nginitian ko siya, hindi ko na masyadong nakikita ang pilyong Aidan. Lagi na kaseng seryoso kapag nag-uusap kaming dalawa at laging tungkol na sa magiging anak namin. "Three months kang mawawala diba? Hindi ba talaga puwedeng ibang katrabaho mo ang pumalit sayo?" Nasabi niya kase na sa barko na ng Philippines navy siya mismo maaasign ng tatlong buwan at hindi na lang sa opisina ng Philippines navy sa Manila. Kaso walang uwian yon at sa bandang Bataan sila pupunta. Hindi pa naman ngayon agad-agad dahil sa katapusan pa daw.
"You don't need to worry okay? Uuwi naman ako after three months para kasama mo ako kapag magpapa-check up ka at sabay nating malalaman ang magiging gender ng anak natin." Aidan knew already why his wife is like this. Parang ganito din kase ang nangyari ng magpaalam siya na pupunta at maaasign kuno sa Palawan pero ang totoo ay nagpunta siya sa Amerika para magamot.
"I'm just scared, baka mamaya hindi ka na naman bumalik." Nakanguso na sabi ko. Yung limang araw nga lang na wala siya at hindi ko siya nakakasama ay sobra ko na siyang namimiss at hinahanap ito pa kayang tatlong buwan.
"Uuwi ako para sayo at sa baby natin Miracle yan ang lagi mong tatandaan."
"Siguraduhin mo lang Aidan, lagot ka talaga sa akin kapag hindi ka umuwi." Pananakot ko sa kanya.
Hiniga ni Aidan ang asawa sa kama at tsaka pinagdikit ang kanilang mga noo. "Your my home, at ikaw ang dahilan kung bakit pinilit kong magpaopera at magpagaling. I will not waste this second chance of my life Miracle, at gusto ko ikaw ang kasama ko."
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
RomanceMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.