CHAPTER 54

14.2K 326 1
                                    




Eros leave their dining area without any words, tiningnan niya lang ang asawa na nasa bandang kanan niya nakaupo na alam niyang nagtataka at ang dalawang anak lalong-lalo na si Miracle. Mabilis siyang lumabas papunta sa kanyang sasakyan, he knew that June will never do a joke about his kids. Lalong-lalo na ang mga aksi-aksidente, kaya kung ano ang sinabi nito kanina ay sigurado siyang totoo yon. He heard his wife voice calling his name when he start the car engine, pero hindi na siya huminto pa at pinaandar na ang sasakyan. Kailangan niya ng puntahan si Hunyo para alamin ang nangyari.

  Sa bayan din ng Caspir nagpunta si Eros pero doon sa may tabing dagat kung saan sinabi ni June siya dapat magpunta. Agad niyang nakita ang makapal na usok na mula sa gitna ng dagat na hindi naman kalayuan mula sa pangpang na siyang nagpakaba sa kanya ng husto. May mga taong bumati sa kanya doon na kilala siya at alam niyang nakiki-usisa din sa pangyayari.

"B-boss mayor!" Si Angela na umiiyak na nilapitan si Eros.

"A-ano bang nangyari? Ano ng balita? Bakit bumagsak ang helicopter? Nasaan na daw si Aidan?" Sunod-sunod na tanong ni Eros habang yakap-yakap si Angela, natanaw niya na si Hunyo sa di kalayuan na may kausap na mga pulis at mukhang pupunta sa gitna ng dagat.

"Tumawag kay June ang piloto ng helicopter niya t-tapos ang sabi ay may posibilidad na babagsak daw ito ano mang o-oras." Ani ni Angela na hindi matigil-tigil sa pag-iyak. "H-hindi ko alam kung may sira ba yung helicopter ni June o ano."

"Ssshh.. makakaligtas sila Angela kaya wag ka ng umiyak. Aidan was trained in the sea siguradong makakaligtas ang anak mo. " Pagpapatahan ni Eros, ang alam niya ay dalawa ang lulan ng helicopter lalo na kapag hinahatid o sinusundo si Aidan mula sa Maynila. Ang piloto at si Aidan mismo.

Ilang sandali pa ay lumapit naman si June na bakas ang labis-labis na pag-aalala sa mukha. Nakausap niya na ang mga pulis at may mga paparating pa na iba para pumunta sa pinag-bagsakan ng helicopter.

"P-pare si Aidan.." basag ang boses na sabi ni June kay Eros.

"Ano bang nangyari? Diba may maintenance ang helicopter mo? Bakit bumagsak?"

"H-hindi ko din alam, b-basta kanina hinatid pa namin ni Angela si Aidan hanggang makasakay siya sa helicopter tapos wala pang fifteen minutes ay tumawag naman na si Denmar sa akin para sabihing babagsak daw sila."
Sagot ni June na ang tinutukoy ay ang piloto niya.

"Tang*na! Heto na nga ang sinasabi ko eh. Tatawagan ko si Micheal, we need him here!" Kinuha ni Eros ang telepono sa bulsa at dinial ang numero ng kaibigan na si Micheal. Kung may makakatulong sa kanila tungkol sa nangyari ay sigurado siyang si Micheal yon dahil isa itong ex-U.S navy. At wala pa ngang bente minutos mula ng tawagan niya ito ay dumating na nga ang kaibigan sakay ng humaharurot na motor.

"Sasama ako sa mga pulis at mga rescuer, I'll try to call you June and Eros kung anong balita doon." Ani ni Micheal na agad tumungo sa mga pulis na naroon, mayroon din mga taga BFA at ibang local official na siya namang nagpapaalis sa mga nag-uusisa doon.

"Alam ba ni Miracle ang nangyari? Diyos ko baka may mangyaring masama sa kanya kapag nalaman niya ang tungkol dito." Si Angela habang nakatanaw sa kaibigang si Micheal na sakay ng rubber boat.

"W-wala akong sinabi kay Miracle o kay Sienna kanina pag-alis ko." Eros answered, Miracle will be devastated if she knew about this, at kahit itago pa nila ang tungkol dito ay sigurado namang malalaman at malalaman nito yon.

Jacinto mansion..

"M-mommy.." nabitawan ni Miracle ang hawak na remote control ng tv ng makita ang headline sa balita sa isang local channel.  Isang Philippines Navy official na si Aidan Dela vega at anak ng isang negosyante ang naaksidente matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa bayan ng Caspir, San Juaquin..

"O-oh my god!" Napahawak naman si Sienna sa kanyang bibig ng mabasa ang nakalagay sa tv. This can't be happening!

"S-si Aidan mommy, si Aidan!"
Parang nag-sink in bigla kay Miracle ang pag-alis kanina bigla ng daddy niya ng walang paalam matapos sagutin ang tawag ng papa June niya habang kumakain sila. Yon na ba yon? Kaya ba tumawag si papa June kay daddy?

Pinakuha ni Sienna ang telepono niyang nasa kuwarto nila para matawagan ang asawang si Eros. She's nervous and a lots of thoughts is running on her mind right now sana hindi totoo ang nasa balita, sana hindi!

"D-dad? Totoo ba? Totoo ba yung nangyari kay Aidan? Dad? Please nasaan kayo ni papa June, dad!" Miracle can't calm her self anymore. Lagpas isang oras na buhat ng umalis si Aidan sakay ng helicopter at dapat ay nakarating na ito sa Maynila at tinawagan na siya. Pero wala, wala pa din siyang natatanggap na tawag hanggang ngayon. Kaya siya na mismo ang tumawag dito pero out of coverage ang numero ng asawa kaya ang daddy Eros niya ang sunod niyang tinawagan.

Eros heard his daughter was crying on the other line, siguradong nalaman na nito ang nangyari kay Aidan. Nandito pa din sila sa tabing dagat at hinihintay si Micheal na makabalik para malaman kung ano na ang balita. Pinakuha niya na din sa mga tauhan ang sariling yate sa kanyang resort para sila mismo nila June ang makapunta sa pinangyarihan ng aksidente. Ayaw kase sila isama ng mga pulis dahil na din sa protocol daw ng mga ito. "Y-yes anak, bumagsak yung sinasakyan ni Aidan na helicopter. But don't worry the police is doing their job to find your husband." Sabi niya kay Miracle, they even talked on the local divers in Caspir to looked after the incident. Pero sigurado siya na buhay si Aidan at makakaligtas ito, hindi ito puwedeng mamatay dahil siguradong kawawa ang anak niya!

Nabitawan ni Miracle ang telepono na agad namang kinuha ni Sienna para ito ang kumausap sa asawa. Hindi pumasok sa kanyang isip na maaaksidente si Aidan, they we're happy earlier. Kahit mahirap at mamimiss pa nila ang isa't-isa ay nangako ito na babalik pagkatapos ng tatlong buwan na trabaho pero ano itong nangyari? Hindi ito puwede!

"Listen baby, make our daughter to calm down. Buntis yang anak natin at baka kung anong mangyari diyan. Nandito pa din kami at hinihintay pa ang balita mula sa mga rescuer. Angela is also here with us and she's getting hysterical. Tatawagan kita ulit  kapag may balita na okay?"
Eros want to make his daughter to calm down dahil hindi puwedeng ma-stress ito lalo pa at buntis nga.

Pero nawala ang atensyon ni Sienna sa sinasabi ni Eros ng biglang mawalan ng malay si Miracle at bumagsak ang anak sa sahig.

The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon