CHAPTER 60

16K 303 3
                                    




I can't still believe this is really happening, hindi nga talaga ako nananaginip o guni-guni ko lang ang lahat. Hindi din ito isang prank katulad ng madalas na nangyayari, I was standing infront of my husband coffins. Nakasara ito dahil na din sunog ang kanyang bangkay, pamilya at malalapit lang naming kaibigan ang pinayagan ko at nila papa June at mama Angela na magpunta sa lamay niya. Hindi din kami nagpaunlak sa ano mang interview mula sa mga reporters lalo pa at nabalita nationwide ang pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni Aidan.

  Kung paano at saan ako magsisimula ang hindi ko alam, we're happy. I was happy with Aidan before he leave me and go back in Manila. He's young, determined, and full of dreams not only for his self but for me and for our baby on inside of my womb. I thought I had a miscarriage after I bleed and lost my consciousness last night. Pero hindi, at nagpapasalamat ako ng malaki dahil walang nangyaring masama sa baby ko, sa baby namin ni Aidan. Dahil kung pati siya ay nawala ay hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para tumayo dito sa harapan ng kabaong ng asawa ko.

"I know you're not okay Miracle but you can sit down for awhile.." Si Eros na nakasuot ng kulay itim na polo at nilapitan na ang anak. Miracle is standing here for almost thirty minutes infront of her husband.

"I-I can't still believe it dad, hindi na talaga ito panaginip dahil totoong-totoo na talaga." Sabi ko kay daddy habang nakatingin pa din sa kabaong ni Aidan, I know my parents are still worried at me. Pare-pareho lang kaming wala pang maayos na tulog simula kahapon lalo na at madaling araw na kami nakaalis mula sa ospital.

"Lahat ay may dahilan anak, lahat naman tayo mamamatay pero hindi natin alam kung kailan at kung paano." Inihilig ni Eros ang ulo ni Miracle sa kanyang balikat para mas mayakap pa ito. Angela passed out earlier when the coffins of Aidan arrived. His wife Sienna was also crying hard awhile ago but he made her calm already. Ang pamilya niya at ni June pa lang ang nandito sa  bahay ng mga Dela vega. Mas pinili ni June at Angela na dito na lang sa bahay ng mga ito iburol si Aidan.

"B-but he was young dad, ang dami niyang plano, namin. A-ang dami pa naming gustong gawin na magkasama. Ang dami pa naming hindi nagagawa dahil kakaopera niya lang. Tapos ganito? Ganito na lang ang nangyari." My voice cracked already, if there's a one person that I will say what ever running on my mind now is my dad. Sa kanya ko lang nasasabi lahat ng gusto kong sabihin, at maski noon pa man. I'm very vocal to my dad because I know he will listen to me first before of anything else.

"Pero wala na tayong magagawa anak, nandiyan na yan at totoo na talaga ang lahat ng ito. And I know kung nakikita o naririnig ka ngayon ni Aidan hindi siya magiging masaya dahil nasasaktan ka. You need to be brave Miracle, not for yourself anymore but for your baby. Hindi magiging masaya si Aidan kung may mangyayaring masama din sayo at sa anak niyo. Kaya yon muna ang isipin mo anak, ikaw at ang baby niyo." Paliwanag ni Eros, alam niyang ilang beses niya na ito nasabi mula pa kahapon sa anak pero hindi siya magsasawang sabihin ito at ulit-ulitin. Sila lang pamilya ang huhugutan nito ngayon ng lakas, at sigurado siyang hindi ito makakayanan mag-isa ni Miracle kaya bilang magulang ay hindi siya susuko sa pag-alalay dito.

Kung si Angela ay naghi-histerikal ng makita ang kabaong ni Aidan ay iba naman ang kambal nitong si Leon. He's sitting infront of the coffins of his twins, tahimik at hindi pa din makapaniwala sa lahat at bilis ng pangyayari. Wala na ang kakambal niya at siya na talaga ang tatayong pinaka-kuya sa bunso nilang kapatid na si Nicole. Kung meron man siyang nasandalan o nakasama ng matagal sa buong buhay niya maliban sa mama Angela niya ay ang Kuya Aidan niya yon. Ang kuya niya na madalas makurot at mapalo ng mama nila pagdating nito galing trabaho at nalamang kung saan-saan na naman nagsususuot ang kakambal niya. At ito ay yung mga panahon na nasa Batangas pa sila nakatira at hindi pa nila nakikilala ang papa June nila. The three of them have a simple life there, kahit nahihirapan at pagod ang mama Angela nila ay hindi ito tumitigil sa pagtatrabaho lalo pa at naggagamot pa siya noon. Sa kanilang dalawa ni Aidan ay siya ang mahina, sakitin at kung tawagin pa nga ng mga kalaro nila ay lampa. Pero laging nandiyan ang kuya niya at inaalalayan siya, na sa murang edad ay natutunan nilang kumilos ng sila lang dalawa dahil madalas naman noon ay ibinibilin lang sila ng mama nila sa kapitbahay lalo na kung papasok ito sa trabaho.

Ang kuya Aidan niya na laging nandiyan at handang makipag-away kapag may umaaway sa kanya sa eskuwelahan noon at mga kalaro nila noong maliliit pa sila. Ang kakambal niya na hindi papatalo sa lolo Eduardo niya, at ang kakambal niyang hindi papayag na may kumanti sa kanya na kahit na sino, at ang kuya niya na siguradong mamimiss niya ng husto at kalahati ng buhay niya. Aidan memories will always be on his heart, at kung bibigyan lang siya ulit ng pangalawang pagkakataon ang kuya Aidan pa din niya ang pipiliin at pipiliin niyang maging kuya.

The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon