"Seryoso? Nagpa-sapak ka kay June?" Natatawang tanong ni Gerald na parang hindi pa din makapaniwala habang magkakaharap silang magkakaibigan sa restaurant ni Oscar.
"Sa tingin niyo magpapasapak ako ng basta-basta sa gagong yon? Hindi ko lang inaasahan kaya ganon ang nangyari." Pagdadahilan naman ni Eros.
"Sussss.. Si Eros Jacinto? Ang kinakapitagan na dating Gobernador ng San Juaquin ay pumayag masapak ng isang June Dela vega? Aba! Parang hindi talaga kapani-paniwala yan ah!" Si Micheal na natatawa na din.
Sinamaan ng tingin ni Eros ang mga kaibigan, mga gago din talaga itong mga ito, mang-aasar pa eh. "That's why his son can't meet my daughter. Lintek lang talaga ang walang ganti sa gagong yun." Seryosong sabi niya, nawala na ang pasa sa mukha niya pero ang inis niya kay Hunyo ay nandito pa.
"Wag niyo na ngang palakihin yan pare, natural magagalit talaga si Hunyo dahil hindi mo sinabi na alam mo pala ang tungkol sa anak niya." Ani ni Oscar na may dala-dalang beer. "Intindihin mo na lang, hindi yung para kayong mga bata na mag-aaway pa."
"Intindihin, intindihin. Eh sa yon nga usapan namin ni Aidan eh, tsaka sinabi ko din naman sa kanya diba kaya nga sinama ko silang mag-asawa sa Maynila dahil nagising na ang anak nila. Siraulo lang talaga ang Hunyo na yon at hindi muna hinintay ang paliwanag ko."
Pag-sisintir pa ni Eros, yung listahan niyang ginawa sa lahat ng ginastos niya kay Aidan ay nakalista at si Hunyo ang sisingilin niya dito dagdag pa ang pananapak nito sa kanya na hindi niya talaga palalagpasin."Sir bawal daw ho talaga kayo pumasok sa loob, yan po ang bilin sa amin ni Sir Eros." Sabi ng security guard na nasa harap ni Aidan.
"Pero gusto ko lang makausap si Miracle kaya papasukin niyo na ako, kahit ilang minuto lang." Muling pakiusap ni Aidan.
"Hindi po talaga puwede sir, sumusunod lang ho kami sa bilin ni Sir Eros. Ako naman ho ang mawawalan ng trabaho kapag pinayagan ko kayo."
Napabuntong hininga na lang si Aidan bago tiningnan ang bahay ng mga Jacinto. Tatlong araw na buhat ng makabalik sila buong pamilya dito sa San Juaquin at ngayon nga ay gusto sana niyang dalawin ang nobyang si Miracle pero mukhang malabo yata na magkita sila ng personal. Sumakay na lang ulit siya sa kanyang sasakyan, nadamay na nga sila ni Miracle ng tuluyan sa tampuhan ng mga ama nila. Kinausap niya na ang papa June niya na ito na ang magpakumbaba sa Tito Gov niya pero ayaw naman nito humingi ng sorry lalo pa at sinolian daw ito ng kandila kaya ibig sabihin hindi na daw sila magkaibigan. Pero hindi siya magpapaawat dahil mamayang gabi papasukin niya ulit ang bahay ng mga Jacinto para makita si Miracle.
"Mommy hindi ba talaga ako puwede lumabas?" Nakailang ulit na akong tanong sa mommy ko pero puro hindi lang ang sagot nito simula kanina.
"Sa daddy mo ikaw magpaalam Miracle pag-uwi niya, diba sinabihan ka naman na niya?" Sabi ni Sienna habang nagliligpit ng pinagkainan nila.
"Grabe naman kase si daddy hindi na lang inintindi si Tito June, gusto ko lang naman po makita si Aidan." Sabi ko na naman, nagpunta pala ito kaninang hapon dito sa bahay pero dahil bilin ni daddy na huwag itong papapasukin ay hindi talaga ito nakapasok sa loob ng bahay namin.
"Intindihin mo na lang ang daddy mo, alam mo naman yon masyadong ma-pride at akala mo ay inapi na ni Hunyo dahil nasapak siya." Paliwanag ni Sienna.
"Pero mommy tulungan mo na ko, ikaw ang magpaalam kay daddy para bukas makapunta na ako kila Aidan."
Tiningnan ni Sienna ang anak, kanina pa ito nakikiusap sa kanya pero hinihindian niya ito dahil sila naman ni Eros ang siguradong mag-aaway. She already knew about her daughter and Aidan at hindi naman siya nagalit dahil nag-lihim sa kanilang mag-asawa ang anak nila. She knew Aidan since he was a kid even his parents that's why she's not worried about it. Alam niyang seryoso si Aidan sa anak niya at hindi nito sasaktan si Miracle. "Sige ganito na lang Miracle, aalis tayo bukas pero huwag mong sasabihin sa daddy mo na pupunta tayo kila Tita Angela mo naiintindihan mo?"
Napangiti na ako at lumapit sa kanya at niyakap ko ng mahigpit si mommy, sabi na eh my mom will help me. "Thank you mommy!"
"Sige na pumasok ka na sa kuwarto mo at ako na ang bahala dito, tawagan mo na din ang kapatid mo at sabihin mong umuwi na dahil lagot siya sa daddy niyo kapag umuwi yon na wala pa siya." Sabi pa ni Sienna, nasa resort na naman kase nila Micheal ang anak at nag-paalam ito kanina na makikipagkita sa quadruplets.
Later that night Miracle is busy doing her resume on her laptop when she heard someone was knocking on her glass door connecting on her veranda. Gusto niya muna kaseng mag-apply na ng trabaho pero hindi muna sa kompanya ng daddy niya kung hindi sa iba. Gusto niya munang magka-work experience dahil naiinip na din siya na dito lang sa bahay nila.
"A-aidan?" Agad akong napatayo mula sa upuan at lumapit sa kanya para buksan ang pintuan.
"Miracle!"
"Oh my god! Ikaw nga!" I hugged me tightly after he entered on my room. Hindi naman ako nananaginip diba? Si Aidan talaga ito!
"Damn! I miss you binibini!" Tiningnan ni Aidan ang nobya sa mukha nito bago siniil ng halik sa labi. Mag-aalas onse na ng gabi at tiniyak niyang wala ng mga bantay sa mansyon ng mga Jacinto, kung saan din siya dati dumadaan kapag pumapasok dito sa kuwarto ng nobya ay doon din siya dumaan ngayon.
"Sobra akong nag-alala sayo!" Sabi ko sa kanya matapos niya akong halikan.
"I know, and I'm sorry for that. Alam kong alam mo na ang tungkol sa nangyari sa akin."
Tumango ako. "Dad told us, pero sana sinabi mo sa akin dahil girlfriend mo ako." Reklamo ko sa kanya at hinampas ang dibdib niya.
Kunwaring napaigik sa sakit si Aidan sa ginawang pag-hampas ng nobya sa kanya.
"Hala! I-Im sorry, sorry! Sorry!" I forgot, nagpa-heart transplant nga pala ito!
Hinila ni Aidan si Miracle hanggang mapaupo sila sa kama. "Sobrang namiss kita Miracle."
I caress his face and smiled on him. "Sabi ni daddy pinalitan daw ang puso mo. A-ako pa din ba ang mahal niyan?" Tanong ko sa kanya, kahit niresearch ko na ang tungkol doon na malabo daw mangyari ay mabuti ng makasigurado ako. I want to know if he still love me or what specially now that he had a heart transplant.
Hinawakan ni Aidan ang kamay ni Miracle at ipinatong ito sa may puso niya. "Ikaw pa din talaga, noong wala akong malay sa ospital nandoon si Tito Gov at kinakausap pa din ako kahit walang kasiguraduhan kung maririnig ko ba ang sinasabi niya o hindi. But I heard him, sino ba namang hindi magigising agad kung laging sinasabi ng daddy mo na may dumadalaw daw sayo na ibang lalaki dito? Na may mga gustong manligaw daw sayo. Syempre hindi ako papayag na mangyari yon Miracle kaya siguro nagising din ako agad."
I can imagined daddy saying that to Aidan, at posible talagang sabihin ni dad yon sa kanya. "Atleast nakabalik ka na, at yon ang importante."
"Pero hindi ako kinakausap ni Tito Gov, alam kong kay papa lang siya galit pero sana wag niya naman akong pagbawalan na puntahan ka at dalawin ka dito. Tutal alam naman niya na ang tungkol sa atin."
"Susubukan kong kausapin si daddy bukas, at kausapin mo din si Tito June para magkaayos na silang dalawa." Sabi ko sa kanya, para akong nananaginip. Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko na si Aidan at nahahawakan ko na siya.
"Your staring at me, alam kong guwapo pa din ako Miracle kahit medyo pumayat ako." Nangingiti na sabi ni Aidan sa nobya.
Hambog talaga ang lalaking ito, tinulak ko siya hanggang sa mapahiga ito sa kama ko tsaka ako pumuwesto sa ibabaw niya. Hinaplos ko ulit ang kanyang mukha, ganon pa din ang tubo ng balbas niya gaya ng sabi ko. I lean on him and whisper to his ear. "I miss you so much and I want you now.."
Aidan smiled before he claimed her lips. This will be long night, a long wild night!
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Roman d'amourMiracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nagsosoft copy) Nagpalit ako ng bookcover at pinag-isa na lang sila.