Chapter 3

957 69 9
                                    

Alas dos na ng gabi pero hindi pa din makatulog si Baekhyun. Paulit-ulit na nagpaplay back sa isipan nya yung nangyari kanina.

Si Chanyeol..

Nakuha ni Chanyeol ang first kiss nya...

Nagulat sya nang gawin ni Chanyeol iyon. Hindi nga sya nakagalaw at muntikan pa syang mahimatay sa nangyari. Ang OA lang noh? Pero seryoso, muntikan na talaga.

Hindi nga sya nakapagreact nun at namalayan nya na lang na wala na si Chanyeol sa harap nya. Sumigaw na lang ito ng "Pasensya na Baekhyun! I love you! Ingat sa pag-uwi!" At umalis na.

"Aaargh! Ano bang ginagawa mo sakin Chanyeol?!?!" Napasabunot na lang si Baekhyun sa buhok nya at nagpagulong gulong sa kama. Kaya lang, bigla syang nahulog.

"Aah!" Napahawak sya sa pwet nya at paulit-ulit na napamura sa isipan. Kasalanan mo 'to Chanyeol! Fuck you! Fuck you ka!

-

Kinaumagahan, bangag na bangag syang pumasok sa eskwelahan. Daig nya pa ang taong nagaadik sa itsura nya. Sobrang laki ng eyebags nya at pwedeng pwede nang ipakilo sa junkshop. At lahat ng ito ay dahil sa hayop na Park Chanyeol na yun. Hindi ba naman sya patulugin kagabi?

Nasa kalagitnaan sya ng mala zombie mode nyang paglalakad sa hallway nang may umakbay sa kanya. Nagulat sya at napatingin sa taong ito.

"Chan--"

"Good morning Baekhyun!!" Bati ni Chanyeol sa kanya habang nakangiti. Maya maya'y parang may naralize ito at bigla na lang nyang tinanggal ang braso nyang nakaakbay kay Baekhyun.

"Ay sorry! Sorry! Sorry! Sorry!" Sabi ni Chanyeol na kulang nalang eh sumayaw ng 'Sorry sorry' ng Suju sa harap ni Baekhyun. "Hala! 'Wag mo 'kong sasampalin ha? Hindi ko sinasadya!!"

Napakunot noo si Baekhyun dahil sa mga pinaggagagawa ni Chanyeol. Ano bang pinagsasasabi nya?

"Tss. Baliw."

Umirap muna si Baekhyun bago magpatuloy ng lakad. Tulad nga ng inaasahan nya, nakasunod na naman ng parang ewan si Chanyeol at kung ano-anong pinagsasasabi kahit hindi naman sya interesado.

"Wow, B! May eyebags ka din! Parehas tayo!" Sabi ni Chanyeol sa kanya at pumalakpak pa ng parang bata.

"Stop calling me B. 'Wag kang tamad sa pagbigkas ng pangalan ko pwede ba?" Mataray na sagot nito. "Atsaka wala akong pakialam kung may eyebags ka din. Hindi ko malalamon yan."

"Parehas tayo means, soulmate!"

"Leshe."

"Hindi ka rin ba nakatulog kagabi? Kasi ako hindi eh. Kaya eto, may eyebags din ako. Pero ayos lang. Sabihin mo lang kung bawas pogi points 'to ah, kasi pipilitin kong matulog ng maaga para mawala 'to!"

"Nah. Whatever Chanyeol. Ang ingay mo."

"Ahehe. Sorry!!"

Nakarating na si Baekhyun sa classroom nya at gaya ng nakagawian ni Chanyeol ay sumigaw na naman ito bago pa sya makapasok.

"Bye Baekhyun! Kita na lang tayo mamaya ah! Galingan mo! 'Wag kang magpapasaway sa teacher! Isipin mo ang future nating dalawa!"

Napairap na lang si Baekhyun at hindi pinansin si Chanyeol. Noong unang beses na gawin ni Chanyeol iyon ay halos magtago na sya bulsa nya sa sobrang hiya. Pero habang tumatagal at sa halos isang taon na ding ginagawa ni Chanyeol ang bagay na yun ay unti-unti na rin syang nasasanay. Kumbaga, part na ng daily routine nya yung mga pangungulit at pagiging corny ni Chanyeol sa kanya.

Pumasok na sya at nakita nya ang bestfriend at kaklase nya sa subject na ito na si Kyungsoo. Nakaupo ito sa may bandang gitna at mukhang hinihintay sya kanina pa. Pagkaupong pagkaupo nya ay nginitian sya nito ng mapangasar.

"Yiie. Narinig ko yun ha." Sabi ni Kyungsoo habang sinisiko siko sya.

"So what?"

"Hindi ka ba nasiweetan kay Chanyeol? Ang effort effort nya kaya sa'yo. Kung ako lang ikaw, baka matagal ko nang sinagot yun."

"Edi ikaw ang magpaligaw at sagutin mo sya!"

"Hmm.. Paano kung gawin ko yan?"

Bigla nalang napatigil si Baekhyun. Napalingon sya kay Kyungsoo na nagwiwiggle wiggle ang kilay habang nakatingin sa kanya.

"W-Wala akong paki! Edi bahala kayo kung anong gusto nyong gawin." Sagot ni Baekhyun. Dumiretso na sya ng tingin sa blackboard at hinintay ang pagdating ng prof nila.

"Okay! Tutal, wala ka naman palang feelings sa kanya, magcoconfess na ako!"

Napalingon ulit sya kay Kyungsoo pero nakaharap na din ito sa blackboard.

"T-Teka.. May gusto ka kay Chanyeol??" Tanong ni Baekhyun.

"Oh, akala ko ba wala kang pakialam?"

Biglang sumama ang tingin ni Baekhyun.

"Psh. Oo nga pala."

Wala na syang nagawa kundi humarap na lang ulit sa board. At sa oras na din na iyon, ay gustong gusto nyang sabunutan si Kyungsoo.

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon