Isang buwan na ang lumipas mula ng maging mag boyfriend sila Baekhyun at Chanyeol. Pinakilala na nila ang isa't-isa sa kanilang mga magulang at wala namang tumutol sa relasyon nilang dalawa. As long na hindi naman nila papabayaan ang studies ay okay lang daw ito.
Isang sulat ang nalaglag na naman mula sa locker ni Baekhyun. Pinulot nya ito at binasa.
-
Dear B,Pasensya na at hindi kita mahahatid sa classroom nyo ngayon. May group project kami sa history, hindi nagawa nung leader namin. Kaya eto maaga akong pumasok at hinahabol namin ang oras para gawin yun. Sige B, mamaya na lang kita ihahatid ah?
I love you.
From your pogi, hot and sexy BOYFRIEND,
Chanyeol.
-Napangiti na lang si Baekhyun at nilagay ang sulat sa loob ng kahon na ginawa ni Kyungsoo noon. Kahit na official boyfriend na nya si Chanyeol ay lagi pa rin syang sinusulatan nito pagkatapos ay ihahatid sa room nya tsaka sisigaw ng 'I LOVE YOU B!". Sinabi ni Chanyeol na kahit sila na ni Baekhyun, liligawan nya pa rin ito. Hindi sya magsasawang ipakita kay Baekhyun kung gaano sya nito kamahal.
Sobrang cheesy nila noh? Pero aminin man natin, lahat naman ng naiinlove nagiging cheesy din. Kulang nalang dagain sila.
Naglakad si Baekhyun papunta sa classroom niya nang madaan sya ni Kris at tawagin.
"Oh? May kailangan ka ba Kris?" Tanong nya. Kaklase nya si Kris sa isang subject nya.
"Balita ko, kayo na ni Chanyeol?"
Ngumiti naman si Baekhyun at tumango.
"Oo matagal na." Sagot niya.
"Sayang naman.." napakamot si Kris sa likod ng ulo nya. "Hindi pa nga ako nanliligaw sa'yo, taken ka na agad."
"Ahaha. Iba na lang ligawan mo Kris. Bawal na ako eh." Sagot ni Baekhyun. "Sige, alis na ako ha?"
"Teka lang," sabi ni Kris. Maglalakad na sana paalis si Baekhyun kaya napatigil sya. "Uhm, makipagdate ka na lang sakin. Kahit isang beses lang."
Para namang nagulat si Baekhyun sa sinabi ni Kris.
"Ano ka ba Kris. May boyfriend na ako. Magagalit sakin si Chanyeol pag ginawa ko yun noh."
"Hindi naman natin sasabihin eh."
Nangilabot si Baekhyun nang biglang hawakan ni Kris ang kamay nya. Nilagay pa nito ang mga daliri nya sa pagitan ng mga daliri ni Baekhyun at lalong hinigpitan.
"Kris bitawan mo ako." Pagpupumiglas ni Baekhyun.
"Sige na Baekhyun."
Pilit mang tanggalin ni Baekhyun ang kamay nya ay hindi nya magawa. Masyadong malakas si Kris kumpara sa kanya.
"Wag kang mageskandalo dito Kris." Sabi ni Baekhyun. "Bitawan mo na ako."
"Ayoko."
Bigla nalang napalingon si Baekhyun at nagulat sya dahil nakita nya si Chanyeol na nakatingin sa kanila. Hindi nya alam kung bakit kinabahan sya.
"Chanyeol.." tawag nya dito. Inaasahan nya na lalapit sana si Chanyeol upang ilayo sya kay Kris pero nabigla sya ng tumalikod ito at umalis na.
"Chanyeol sandali!" Sinubukang humabol ni Baekhyun pero napabalik sya dahil hawak pa rin ni Kris ang kamay nya.
"Tingnan mo! Tingnan mo na ang nangyari!" Sa sobrang inis ay tinuhod nya si Kris. Nabitawan sya nito at tumakbo na sya papunta kay Chanyeol.
Malaki ang hakbang na ginagawa ni Chanyeol kaya't medyo malayo na ito. Pero tumakbo lang ng tumakbo si Baekhyun.
"Chanyeol sandali! Sandali lang!"
Nagbingi bingihan si Chanyeol sa mga naririnig nya. Nang maabutan ni Baekhyun si Chanyeol ay hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakad.
"Chanyeol sorry na! Pansinin mo naman ako oh!" Pagmamakaawa nya. Halos lakad takbo na ang ginagawa ni Baekhyun sa sobrang bilis ni Chanyeol.
"Hindi mo ba alam na tumakas muna ako saglit sa ginagawa namin para lang habulin ka at maihatid sa room nyo?! Pero ano?! Baekhyun, sabihin mo kung galit ka sa ginawa ko na hindi kita pinuntahan kanina, hindi yung hahanap ka na agad ng iba!!" Galit na sabi ni Chanyeol sa kanya.
Biglang napatigil si Baekhyun. Nakatitig lang sya sa likod ni Chanyeol na palayo na ng palayo sa kanya. Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin?
Hinabol nya ulit si Chanyeol.
"Chanyeol magpapaliwanag ako!"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!"
Sa sobrang pagod ay napaupo si Baekhyun sa sahig. Bigla na lang tumulo ang luha nya at wala na syang pakialam kung pinagtitinginan sya ng maraming tao.
Hindi nya alam ang gagawin nya. Sobrang sama ng loob ni Baekhyun. Bakit wala kang tiwala sa akin?
-
Buong magdamag na umasa si Baekhyun na pupuntahan sya ni Chanyeol pero hindi nya nakita kahit na anino lang nito. Ni hindi nga rin ito naglaglag ng ilan pang sulat sa locker nya. Mukhang galit nga ito. Pero bakit ba sya nagagalit? Hindi nya ba alam na si Chanyeol ang nasa isipan ni Baekhyun nung mga oras na iyon? Bakit hindi sya nakinig sa mga paliwanag nito?
Pagkauwi nya ring iyon, ay umiyak sya ng umiyak sa kwarto nya. Niyakap sya ng mama nya upang icomfort ngunit kahit anong gawin ni Baekhyun ay sobrang bigat pa din ng dibdib nya. Hindi nya alam kung paano nya kakausapin si Chanyeol gayong, ayaw syang pansinin nito.
Gabi na nang mapagpasyahan nya ng matulog pero biglang nag ring ang phone nya. Nagulat sya ng makita ang pangalan ni Chanyeol sa screen.
Agad nya itong sinagot.
"Chanyeol!" Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Baekhyun. Kanina nya pa itong gustong makausap.
Ngunit ilang segundo na ang lumipas nang mapansin nyang hindi nagsasalita si Chanyeol. Tanging mabigat na paghinga lang nya ang naririnig ni Baekhyun mula sa kabilang linya.
"Chanyeol??" Paguulit nya.
[...I love you.]
Tatlong salita pero nagbalot ito ng kakaibang pakiramdam kay Baekhyun.
"Ayos ka lang ba Chanyeol??"
[I-I'm fine.]
Napabuntong hininga na lang si Baekhyun at umayos ng upo nya sa kama.
"I'm really sorry Chanyeol. Hindi--"
[What? No, Baekhyun. Ako dapat ang mag sorry sa'yo. Hindi ko sinasadyang magwalk out at hindi makinig sa paliwanag mo. It's just that... that-- pwede ka ba munang sumilip sa bintana?]
Agad agad iyong sinunod ni Baekhyun at nagulat sya ng makita si Chanyeol sa tapat ng gate nila. Nakatingin ito sa kanya habang hawak ang cellphone nito na nakatapat sa kanyang tenga.
"B-Bakit hindi ka pumasok??"
Agad na lumabas ng bahay si Baekhyun at ang unang nyang ginawa nang makalapit kay Chanyeol ay niyakap ito. Damn, namiss nya ng sobra si Chanyeol. Kahit na ilang oras lang silang hindi magkita ay miss nya parin ito.
"I love you, B. And I'm sorry. Hindi lang napigilan nung sarili ko na magalit nang makita kong magkahawak kayo ng kamay ni Kris. Kasi ako lang dapat ang gagawa nun sa'yo, kasi ako lang ang responsable sa paggawa ng mga ganung bagay sa'yo dahil ako ang boyfriend mo. Pasensya na. Sa susunod, pakikinggan na kita. Hindi na ako magpapadala sa selos. Bati na tayo okay?" Mahinahong saad ni Chanyeol habang hinahaplos ang buhok ni Baekhyun.
Naramdaman nya naman ang pagtango ni Baekhyun.
Nung gabing iyon ay nangako din silang dalawa na mas magtitiwala pa sila sa isa't-isa.
-

BINABASA MO ANG
Saranghae, B (ChanBaek)
Hayran Kurgu|ChanBaek FF| |Boyxboy| Si Park Chanyeol, ang taong handang gawin ang lahat para sa mahal nyang si Byun Baekhyun. Hanggang saan ang kanilang kakayanin lalo na't kung oras na ang tumutol sa kanilang dalawa? - Warning: Medyo madrama 'to. ㅋㅋㅋ ≧﹏≦