Chapter 13

546 53 11
                                        

Shet namiss ko ChanBaek. Huhuhu. T^T

-

Tanghali na. Napatingin si Baekhyun sa bintana ng gilid ng classroom nila at nakita nya ang ilan ilang estudyante sa malawak na field. May naghahabulan. May dalawang babae sa ilalim ng puno ng mangga ang busy sa pagbabasa, may tatlong lalaking nakaupo sa bench habang pinagtitripan lahat ng dumadaan sa harap nila, at isang gurong naglalakad habang habol habol ng isang estudyanteng tila ba nagmamakaawang itaas ang grado. Napaka typical na araw lang dapat nito para kay Baekhyun ngunit parang kakaiba. Mula kagabi ay binabagabag sya ng utak nya. Hindi mawala sa isip nya si Chanyeol. Kung nakakain na ba ito? Nakatulog ba ito ng maayos kagabi? Maayos ba ang kalagayan nya? Hindi sya mapalagay. Kung pwede lang sya tumakas ngayon ay baka nagawa na nya kanina pa.

"Mr. Byun, nakikinig ka ba??" Parang nagising naman si Baekhyun nang biglang tawagin sya ng kanilang guro. Napatingin sya sa paligid ng classroom at nakita nyang lahat ng atensyon ng kanyang mga kaklase ay nasa kanya.

"I'm sorry ma'am." Tanging sinabi na lamang nya at nagbow dito.

"So, gaya nga ng sinabi ko..." nagpatuloy sa pagtuturo ang kanilang guro pero kahit anong gawin ni Baekhyun ay walang pumapasok sa utak nya.

Nang dumating ang break time ay sabay silang kumain at nilibre pa sya ni Kyungsoo sa canteen.

"Oh, kumain ka ng marami ah." Paalala ni Kyungsoo matapos ihanda sa lamesa lahat ng binili nya.

Kapansin-pansin na ang pangangayayat ni Baekhyun. Hindi na rin natanggal ang kanyang eyebags na akala mo'y napamahal na sa kanya.

"Alam mo Baek, may kamukha ka." Sabi ni Kyungsoo habang nasa kalagitnaan ng pag kain silang dalawa.

"Sino naman?"

"Si Tao. Yung kaklase ko sa accounting na mukhang drug addict dahil sa kapal ng eyebags."

"Tss."

Pagkauwi ng bahay ni Baekhyun ay agad siyang sinalubong ng kanyang mama at may hawak na isang magandang polo at pang ibaba na nakahanger at nakasupot pa sa isang malaking plastic.

"Ma, ano yan?" Usisa ni Baekhyun.

"Tingnan mo ito. Ang ganda ba?" Nakangiting tanong ng mama niya. "Binili ko ito para sa'yo. Ito ang gagamitin mo para sa graduation."

"Ma! Mukhang mamahalin naman yan. Pwede naman po akong manghiram na lang kay Kyungsoo eh. Tutal, marami namang damit iyon." Sagot ni Baekhyun sa ina nya at inakbayan ito.

"Ano ka ba naman anak? Magna cum laude ka tapos yung damit mo luma? Hindi naman kami makakapayag ng papa mo kapag ganun!"

"Eh ma, matatakpan din naman ng toga yan pag sinuot ko eh."

"Hay nako, Baekhyun! Bahala ka. Basta gusto ko sa graduation mo, ito ang susuotin mo ha?"

"Ano pa nga po bang magagawa ko?"

Ibinaba ni Baekhyun ang bag niya nang makarating sila sa sala ng kanyang ina. Pinunasan ni Baekhyun ang kanyang noo gamit ang kanyang towel at nagulat sya ng may umagaw nito.

Napatingala sya sa mama nya. Nginitian lang sya nito atsaka pinunasan ang pawisan nyang likod.

"Kamusta na si Chanyeol, anak? May heart donor na ba sya?" Tanong ng kanyang ina.

Napangiti ng malungkot si Baekhyun at umiling. "Wala pa po, mama. Pero kilala ko po si Chanyeol. Malakas naman po siya. Alam kong kaya nya pa."

"Hay.. Sana nga gumaling si Chanyeol, anak. Napakabait pa naman nun atsaka isa pa, ang bata nya pa para sa ganung karamdaman." Napabuntong hininga ang kanyang mama.

"Ma, sa panahon po ngayon, ang sakit, wala nang pinipiling edad. Yun nga po eh, ang bait bait naman po ni Chanyeol. Pero bakit sa kanya pa nangyari yun?"

Niyakap nalang si Baekhyun ng kanyang mama. Para kahit papaano'y mabawasan ang bigat ng kanyang problema.

Tulad nang nakagawian ni Baekhyun ay nagayos sya upang dalawin si Chanyeol sa ospital. Naisipan nyang ipagluto ito kaya pumunta sya ng kusina.

Pero hindi nya inaasahang masangga ang isang kutsilyong nakapatong sa lamesa. Nagdugo ang kanyang kamay at nasugatan ito.

"A..aray.." daing ni Baekhyun.

Agad siyang nagtungo sa lababo ngunit sa sobrang taranta nya ay nabasag nya ang isang babasaging pinggan. Napasiksik na lamang sya sa gilid upang iwasan ang mga babasaging piraso nito.

"B.."

Isang tinig ang narinig nya at hindi nya alam kung guni-guni nya lamang iyon. Bigla syang kinabahan at napatitig sa mga babasaging piraso ng pinggang nabasag niya.

"Baekhyun?!" Patakbong dumiretso sa kusina ang mama ni Baekhyun matapos nitong marinig ang nabasag na bagay. "Baekhyun!! Anong nangyari sa'yo?! Bakit nagdudugo ang kamay mo ha?! Sandali! Dyan ka lang! Wag kang lalakad muna at baka mabubog ka! Sandali lang.. lilinisin ko lang ito!"

Nanatiling nakatitig si Baekhyun sa kawalan at parang malalim ang iniisip.

"Jusko naman Baekhyun..Ano bang nangyayari sayong bata ka??"

Nang matapos linisin ang nabasag nya ay dumiretso sya ng sala at nakita nya ang kanyang phone sa lamesa na tumutunog.

Agad nya itong kinuha at mas lalo syang kinabahan nang makita nya na ang mama ni Chanyeol pala ang tumatawag dito.

"H-Hello tita??"

"B-Baekhyun!!" Tila ba natatarantang pagtawag sa kanya ng mama ni Chanyeol. Naririnig ni Baekhyun na parang umiiyak ito sa kabilang linya.

"Bakit po tita?! Umiiyak po ba kayo?!"

"Baekhyun.. S-Si Chanyeol.."

"Tita bakit po?! Ano pong nangyari kay Chanyeol?!"

Bigla nalang bumagsak ang luha ni Baekhyun sa di malamang dahilan. At halos maguho ang kanyang buong pagkatao nang marinig ang isinagot sa kanya.

"N-Nag aagaw buhay na si Chanyeol, Baekhyun.."

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon