Matapos malaman ni Baekhyun ang kalagayan ni Chanyeol ay para naging normal ulit ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Hindi na nila iniisip yung sakit ni Chanyeol na para bang wala namang nangyari. Ang mahalaga ay masaya na ulit sila dahil magkasama na sila ulit ngayon.
"Ayaw mo na bang pumasok ng school?" Tanong ni Baehyun habang nakaupo sila ni Chanyeol sa labas ng school. Uwian na nila Baekhyun.
"Hindi na muna. Sa sunod na lang. Pag gumaling na ako." Sagot ni Chanyeol tsaka sya napataas ng balikat.
"Baliw ka. Hindi na tuloy tayo magka year"
"Ayos lang yan. 'Wag mo na akong isipin, mamaya ma stress ka pa dahil sakin eh. Malapit ka nang gumraduate."
-
Nung araw din na yun ay naglaro sila sa perya at agad silang pumunta dun sa may photo booth. Ngayon lang kasi narealize ng dalawa na mula pa ng maging sila ay wala pa silang picture together.
"5 shots daw 'to, B. Ready ka na?" Tanong ni Chanyeol nang makapasok na sila sa booth.
"Game!" Masiglang sagot ni Baekhyun.
First shot ay simple lang. Nakangiti lang silang dalawa.
Second shot, ay nagform sila ng heart gamit ang kanilang kamay together.
Third shot ay wacky. Nakapout si Baekhyun habang naka piece sign naman si Yeol.
Fourth shot ay magkayakap silang dalawa habang nakangiti sa camera.
Sa pangfifth shot ay sumigaw si Baekhyun ng "Say cheese!" Pero sumagot si Chanyeol ng "I love you!" At hinalikan si Baekhyun sa labi kaya ang naging hitsura ay gulat na gulat si Baekhyun. But still, ang cute pa din nila.
Excited na lumabas si Chanyeol habang hawak hawak ang kamay ni Baekhyun. Nakatulala naman si Baekhyun habang namumula dahil hindi nya akalain yung ginawa ni Chanyeol kanina.
"Ate! Tig dalawang copies po." Sabi ni Chanyeol dun sa may babaeng pagkukuhaan nung mga pictures na tinake nila.
Habang naghihintay maidevelop ang mga pictures ay hindi maiwasang magtanong ng babae.
"Uhm, magboyfriend kayo??"
"Opo." Sagot naman ni Chanyeol.
Napatango ang babae. "Ang sweet nyo naman. Nakakatuwa kayong tingnan kasi parang mahal na mahal nyo talaga ang isa't-isa."
Napangiti si Baekhyun atsaka pinisil ang kamay ni Chanyeol na hawak nya. "Oo naman po." Sagot nya.
"Eto na yung pictures nyo oh. Dahil ang cute nyo, may discount na yan."
"Talaga? Thank you po!"
Matapos nila ay umalis sila dun atsaka umupo muna sa isang bench.
"Ilalagay ko 'tong picture na 'to sa wallet ko. Dapat yung sa'yo din." Sabi ni Chanyeol, kinuha nya yung isa sa mga pictures. Yung pang limang litrato na nakakiss sya kay Baekhyun atsaka nilagay ito sa wallet nya.
"Hindi ako nagwawallet. Ahaha." Sagot ni Baekhyun. "Ipapascan ko na lang to tapos ipapaprint ko ng mas malaki tsaka ilalagay sa frame."
Matapos nun ay pumunta naman sila sa palaro. Yung babatuhin mo ng bola yung mga latang magkakapatong tapos kapag natumba lahat, may prize kang teddy bear.
"Chanyeol tamaan mo ha! Gusto ko yung teddy bear para may anak na tayo!" Pag cheer ni Baekhyun kay Chanyeol.
"Kiss mo muna ako para masakto ko 'to dun sa lata!" Request naman ni Chanyeol habang nakapikit ang isang mata at tinatantsa kung saan tatama ang bolang hawak nya.
Mabilis na nagtiptoe si Baekhyun at hinalikan ang pisngi ni Chanyeol.
"Galingan mo!"
Pigil hiningang hinintay ni Baekhyun ang pagbato ni Chanyeol ng bola pero nadismaya sya dahil sa gilid ito tumama at hindi sa lata.
"Eey! Hindi mo naman tinamaan!"
"Wait lang! Tatlo naman 'tong bola eh! May dalawa pa!"
"Aba! Galingan mo na Chanyeol! Kailangan nating makuha ang anak natin! Sayang yung isang daan mo!"
"Oo oo!"
Sa pangalawang pagkakataon ay nagtatalon talon si Baekhyun ng parang bata dahil natamaan ni Chanyeol lahat ng lata. Excited nyang kinuha ang medyo malaking teddy bear na kulay blue bilang prize.
"Ang cute mo!!!" Gigil na sigaw ni Baekhyun atsaka niyakap ng mahigpit ang teddy bear. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya at nakangiti.
"Chanheul." Sabi ni Chanyeol.
"Anong Chanheul?"
"Chanheul! Chanheul ang ipapangalan natin dyan."
"Chanheul?! Ang pangit!"
"Hoy! Anong pangit ka dyan? Di mo ba alam na yun dapat ang pangalan ko, kaya lang nagkamali ng rinig yung doktor kaya imbis na 'Chanheul', ay naging 'Chanyeol'!"
"Ayy! Di mo naman sinabi eh. Oh buhatin mo si baby Chanheul! Gusto nya daw sa daddy nya!" Binigay ni Baekhyun kay Chanyeol ang teddy bar at tinanggap naman nya ito.
Naglakad lakad muna silang dalawa hanggang sa mapatapat sila sa isang ferris wheel. Parehas silang napatingin sa isa't-isa at nagkangitian.
"Gusto mo sumakay?" Tanong ni Chanyeol.
Tumango naman si Baekhyun. "Oo! Kaso... wag na lang.." napayuko si Baekhyun.
"Bakit naman? Akala ko ba gusto mo?" Tanong ni Chanyeol at hinawakan ang baba ni Baekhyun para iangat ang tingin nito.
"Paano kung.." sabi ni Baekhyun ng may pagaaalala. "..kung sa loob ka atakihin ng sakit mo? Paano yun ha?! Paano kung nandun tayo sa taas tapos biglang sumikip ang dibdib mo?! Gusto mo bang ihulog kita dyan para lang makababa tayo agad?!"
Natawa si Chanyeol ng kaunti dahil sa mga sinabi ni Baekhyun. Kitang kita kasi na sobrang nagaalala ito pero ang cute cute parin talaga.
"Oh sya. Edi dun na lang tayo sa carousel." Sabay turo ni Chanyeol sa carousel.
Alinlangang tumango na lang si Baekhyun. Dun na lang sila. Kesa sa ferris wheel. Naglakad sila papunta doon pero biglang napatigil si Chanyeol hindi pa man sila nakakarating. Napalingon si Baekhyun sa kanya at nakita nya ang boyfriend nya na nakayuko habang hawak hawak ang dibdib nya ng sobrang higpit. Bigla syang kinabahan sapagkat parang nangyari na ito noon. Hindi...
"Chanyeol?! Chanyeol may masakit ba sayo?!" Tanong ni Baekhyun. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ni Chanyeol at hinarap ito sa kanya. Kitang kita nya na nahihirapan ito batay sa kanyang ekspresyon.
"Pupunta tayong ospital!! Halika!! Kaya mo pa ba?!"
"B-Baek.."
Napaluhod si Chanyeol habang nakahawak sa braso ni Baekhyun ang isang kamay at ang isa naman ay nakakapit sa dibdib nya. Unti-unti na syang nauubusan ng hininga. Uni unti nang nagdidilim ang lahat.
"Chanyeol sandali lang! Pupunta na tayong hospital! Tulong! Tulungan nyo po kami!"
Yun ang mga huling salitang narinig ni Chanyeol mula kay Baekhyun. Pagkatapos ay unti unti na syang napapikit at nagdilim ang paningin.
-
Ang tagal na nito sa drafts ko. Tungunu, nakalimutan ko palang iupdate!! xD May nagbabasa pa ba nito? ahe. Sana nasatisfied kayo sa chapter na 'to. :-----)
BINABASA MO ANG
Saranghae, B (ChanBaek)
Fiksi Penggemar|ChanBaek FF| |Boyxboy| Si Park Chanyeol, ang taong handang gawin ang lahat para sa mahal nyang si Byun Baekhyun. Hanggang saan ang kanilang kakayanin lalo na't kung oras na ang tumutol sa kanilang dalawa? - Warning: Medyo madrama 'to. ㅋㅋㅋ ≧﹏≦