Chapter 9

811 68 14
                                    

"Bakit hindi mo sinabi?"

Nandito ngayon sila Chanyeol sa kwarto ni Baekhyun. Sa loob ng ilang buwan ay hindi sila nagkita at gustong linawin ni Baekhyun kung bakit humantong pa sila sa ganon.

"I'm sorry B. N-Naduwag lang naman ako..." nakayukong sagot ni Chanyeol sa kanya. Kukunin nya sana ang kamay ni Baekhyun pero umiwas ito.

"Naduwag saan?! Hindi ko kailangan ng sorry mo Chanyeol. Kailangan ko ng katotohanan!" Saad ni Baekhyun. Hinawakan nya ang balikat ni Chanyeol upang iharap ito sa kanya. Nagtama sila ng paningin. "Please? Sabihin mo sakin, ano ba talagang nangyari?"

Ilang segundo ang lumipas silang magkatitigan bago sumagot si Chanyeol.

"M-Ma.."

"Ma?"

"Ma-Mahal kita."

Biglang napabitaw si Baekhyun at napahilot sa sentido nya. Senyales na nafufrustate na talaga sya sa lahat ng nangyayari.

"Chanyeol naman eh! Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan ng walang paalam! Hindi ko nga alam kung tayo pa ba eh? Kaya ka ba pumunta dito para sabihing break na tayo ah?!"

Napaiyak si Baekhyun. Paano kung makipagbreak nga si Chanyeol kaya sya nagpakita ulit sa kanya?! Hindi nya kaya...

"Never." Sagot ni Chanyeol. "Hinding hindi ako makikipaghiwalay sayo. Mahal kita."

"Mahal din naman kita eh. Hanggang ngayon! Pero sana... sabihin mo ang totoo.."

"Sasabihin ko ang totoo pero sana... walang magbago sating dalawa.. Wag mo 'kong lalayuan o kahit ano."

Tumango si Baekhyun bilang sagot. Matagal bago sumagot si Chanyeol. Lumunok muna sya ng ilang beses bago magsalita.

"M-Ma.."

"Chanyeol naman eh!! Oo na!! Mahal mo na ako!! Kakasabi mo lang kanina di ba?!"

"Hindi.. yun. Ang ibig kong sabihin--"

"ano?!"

"Mamatay na ako!"

Napanganga si Baekhyun at nagulat sa sinabi ni Chanyeol. Tumingin sya sa mga mata nito upang malaman kung may bahid ng kasinungalingan ang mga sinabi ni Chanyeol pero seryosong seryoso sya.

"A-A.. Ano?!"

Katahimikan.

Nakayuko lamang si Chanyeol at pinipilit indahin ang sakit na nanggagaling na naman sa dibdib nya. Bakit ngayon pa sya inaatake ng sakit nya?

"Naalala mo nung naghabulan tayo sa may seaside noon? Ilang hakbang palang ang tinakbo ko pero napagod ako agad at hiningal. Noong isang taon pa itong sakit ko sa puso at dahil nung isang taon lang din nalaman, medyo malala na sya. Ilang beses na kaming nagpacheck up pero hindi parin umaayos itong kalagayan ko. Pinag take nila ako ng gamot pero tinigil ko din yun dahil narealize kong wala na rin akong magagawa..." namalayan na lang ni Chanyeol na may luhang pumatak sa mata nya habang nagkekwento sya. "Pero dahil sa'yo, Baekhyun. Nang dumating ka sa buhay ko, pinipilit ko na ulit maging malakas. Lagi pa din akong pumapasok sa school para lang makita ka. Noon, tinanggap ko na sa sarili ko na mawawala na talaga ako sa mundo pero dahil sayo.. Ikaw ang naging dahilan ko kung bakit ginugusto ko pang mabuhay..."

May nagudyok kay Baekhyun na yakapin si Chanyeol. Ibinaon nya ang mukha nya sa balikat nito at doon ay umiyak.

"Pero.. pero bakit mo sinasabing mamamatay ka na?" Tanong ni Baekhyun.

"Pumunta kaming ibang bansa kasi gusto akong ipagamot nila mama sa mas magagaling na doktor. Pero ang tanging lunas na lang daw para sa sakit ko... ay heart transplant. Malayo pa sa listahan ang pangalan ko sa mga nangangailangan ng heart donor kaya bago pa siguro ako mabigyan ng panibagong puso, baka mamatay na lang ako."

Inangat ni Baekhyun ang ulo nya at hinawakan ang magkabilang braso ni Chanyeol.

"Wag mong sabihin yan Chanyeol!! Para saan pa ako?! Handa ako!! Handa akong ibigay tong puso ko s--"

"Yan ang wag na wag mong gagawin, Baekhyun!!" Hindi nya pinatapos ang pagsasalita ni Baekhyun dahil alam na nya ang gustong sabihin nito. At hindi magandang ideya yun kay Chanyeol.

"Hindi ako papayag na itaya mo yang buhay mo para lang sakin. Akin 'to Baekhyun! Akin 'tong sakit na 'to kaya kung mamamatay ako, tatanggapin ko yun. Basta.. wag mong gagawin yan parang awa mo na.."

"Hindi Chanyeol... Hindi ka mamamatay... Hindi mo ako.. iiwan.. M-Magpakatatag ka please.. Wag kang magpatalo sa sakit mo..."

"Hinding hindi kita iiwan at magpapakatatag ako para sa'yo.. Basta, lagi ka sanang nasa tabi ko.."

Parehas silang umiiyak pero mas pinili ni Chanyeol na tumahan dahil ayaw nyang maging mahina para kay Baekhyun. At isa pa, makakasama sa kalusugan nya pag nasobrahan ng pag iyak.

"I miss you." Sabi ni Chanyeol.

"I miss you more."

Magsasalita pa sana si Baekhyun ng hawakan ni Chanyeol ang magkabilang pisngi nya at halikan sya sa labi. Isang matagal na halik. Yung kiss na hindi pa nila nagagawa noon. Nagulat si Baekhyun pero agad din syang nakabawi. Gumanti sya sa mga halik ni Chanyeol at ni-wrap ang braso nya sa leeg nito.

Puno ng pagmamahal bawat halik na binibigay nila sa isa't-isa. Walang bumibitiw kahit na nahihirapan nang huminga si Baekhyun. Kung darating man ang oras na mahihirapan si Chanyeol na huminga, gusto nya si Baekhyun ang taga CPR nya. Hindi nya mapigilang mapangiti habang hinahalikan nya si Baekhyun sa mga oras na iyon dahil sa naisip nya.

Niyakap nila ang isa't-isa at napahiga sa kamang inuupuan nila. Wala na silang pakialam sa paligid. Tanging silang dalawa na lang ang naiiisip nila. Tanging silang dalawa lang.

Muntik na nilang gawin ang bagay na iyon kung hindi lang nabalik sa realidad si Chanyeol. Agad syang napabalik sa upo habang inaayos ang butones ng uniporme ni Baekhyun na kanina lang ay tinatanggal nya.

"Sorry.." tanging nasabi ni Chanyeol. Inayos nya ang sleeves ng damit atsaka nya hinawakan ang magkabilang braso ni Baekhyun at pinaupo ito.

"Bakit hindi mo tinuloy Chanyeol?" Tanong ni Baekhyun.

Napaiwas muna ng tingin si Chanyeol atsaka napalunok.

"Gusto ko, B. Gustong gusto kong gawin sa'yo pero... hindi pa pwede ngayon." Sagot nya.

"Handa naman akong ibigay ang sarili ko sa'yo Chanyeol eh. Mahal kita." Lumapit lalo si Baekhyun kay Chanyeol at niyakap ito.

"Pero may respeto pa din ako sa'yo." Seryosong saad naman ni Chanyeol. "Alam ko, masyado mo akong mahal. At dahil dun, pati sarili mo, handang handa mong ibigay sa akin. Baekhyun, hindi ko dapat i-take advantage yun. Ikakakasal muna dapat tayo."

Napangiti si Baekhyun sa narinig nya.

Yun naman kasi ang inaasahan nya talagang sagot mula kay Chanyeol. Ang totoo nyan ay sinusubukan nya lang ito kung gagawin nya nga ba o hindi.

"Salamat Chanyeol. Naiintindihan kita."

Hinalikan ni Chanyeol ang noo ni Baekhyun.

"Pero.. pakakasalan mo ako??" Tanong ni Baekhyun.

"Oo, pakakasal pa tayo. Mangyayari yun, kapag gumaling na ako. Magpapagaling ako Baekhyun kasi sabi mo. I love you, B. At namiss kita ng sobra."

"Mahal din kita Chanyeol. Wag mo na akong iwan ulit ha?"

"Oo, hindi na kita iiwan."

"Pangako, Chanyeol?"

"Pangako yan, B."

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon