Epilogue

833 58 8
                                    

Sabihan nyo na siyang hibang pero hanggang ngayon ay naniniwala si Baekhyun na magkikita pa sila ni Chanyeol. Lagi niyang dinadalaw ang puntod ni Chanyeol at kinakausap ito ng para bang nasa harapan niya lamang. Wag nyong sabihang baliw si Baekhyun, patunay lang yun na hindi nagbabago ang pagmamahal niya.

Binuksan ni Baekhyun ang isang box at inilabas ang cake mula sa loob. Nilagyan niya rin ito ng kandila sa ibabaw at sinindihan iyon.

"Birthday ko ngayon, Chanyeol." wika ni Baekhyun. "Masaya naman ako, pero mas masaya sana kung nasa tabi kita." Napangiti siya ng mapait. "Ilang years na, mahal ko? Halos seven years na din."

Sa mga oras na to'y nasa tabi niya si Chanyeol. Nakaupo habang marahan siyang pinagmamasdan. Hinahaplos ang kanyang likod ngunit kahit kailan ay hindi na niya mahahawakan pa si Baekhyun.

"Madaya ka. Kinuha mo yung puso ko tapos di mo na binalik." sabi niya ulit.

Totoo. Mula nang mawala si Chanyeol ay hindi na siya nagkaroon pa ulit ng ibang minahal. Nagkaroon siya pero, panandalian lang naman at hindi naman siya seryoso. Hindi naman kasi niya kayang lokohin ang sarili na wala na nga talaga.

"Chanyeol, totoo pala yung forever?" Tumango si Chanyeol. Pero alam niyang, hindi naman siya nakikita ni Baekhyun pa. "Kasi ako, forever kitang mamahalin eh. Promise ko talaga yan. Tatanda na lang ata ako at hindi ako magkakaasawa. Hihintayin kasi kita, hihintayin ko yung araw na magkasama ulit tayo."

"Ang dami mong ginawa at sinakripisyo para sakin kaya ngayon, ako naman ang kikilos. Asahan mong ikaw lang ang mamahalin ko, Chanyeol."

Natigil ang pagmumuni-muni ni Baekhyun dahil may isang cute na aso ang tumakbo palapit sa harap niya at umikot ikot sa ibabaw ng puntod ni Chanyeol.

"Lulu! Lulu bumalik ka dito!"

Kasunod noon, ay isang matangkad na lalaki ang lumapit sa aso upang kunin ito. Bukod sa kanyang hinahabol ay may isang aso pa itong kasama. Parehas ng breed, magkaiba lang ng kulay.

"Ah.. sa iyo pala ang asong iyan?" Tanong ni Baekhyun sa lalaking matangkad.

Lumingon naman sa kanya ang lalaki at tumango.

"Oo, eto si Lulu.." sabay himas nito sa ulo ng kulay puting aso. "..at eto naman si Sese." Tukoy naman nito sa kulay brown na asong nasa tabi niya.

Napangiti si Baekhyun at hinimas ng marahan ang aso. Mahilig din kasi siya sa mga ito. Especially, yung nga tuta. Ang cute kasi nila.

"Parang nakita na kita kahapon dito." Puna ng lalaki sa kanya.

Tumango naman si Baekhyun. "Oo, kakapunta ko lang dito kahapon. Lagi kong dinadalaw yung boyfriend ko— I mean, hindi naman araw araw talaga. Minsan thrice a week lang." Sagot ni Baekhyun at itinuro ang puntod ni Chanyeol. Tumango naman ang lalaki.

"Uhm.. seven years nang.. patay ang boyfriend mo?" Ani ng lalaki habang binabasa ang petsa na nakasulat sa puntod. Tumango naman si Baekhyun.

"Oo," sagot niya. "Ikaw, sinong dinadalaw mo?" Tanong naman ni Baekhyun.

Tiningnan siya ng lalaki at gumuhit sa mga mata nito ang lungkot.

"Yung.. asawa ko. Kamamatay lang niya t-two weeks ago." Malungkot na sagot ng lalaki.

Napayuko naman si Baekhyun upang humingi ng paumanhin pero sinabihan lang siya nito na okay lang yun.

"Oo nga pala, ako si Baekhyun. Ikaw?"

"Sehun."

Nagkaroon sila Baekhyun at Sehun ng maliit na conversation pero matapos yun ay umalis na din si Sehun. Maya maya ay sakto namang dumating sina Kyungsoo at Jongin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon