Chapter 15

572 41 7
                                        

Matapos magbigay ng isang maikling graduation speech ni Baekhyun ay nagpalakpakan ang lahat. Napangiti sya at napatingin sa kanyang mga magulang. Hindi nya alam kung guni-guni nya lamang iyon pero, nakita nya si Chanyeol sa gilid ng kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya at kinakawayan sya. Biglang tumulo ang luha nya dahil sa saya.

Atleast.. tinupad pa din ni Chanyeol ang pangako nyang pupunta ito sa kanyang graduation.

Dalawang linggo matapos mawala si Chanyeol sa buhay nya.

Maraming nalungkot at syempre, isa na sya doon. Noong ibinurol si Chanyeol ay isang beses lamang syang nagpunta at hindi man lang sya sumilip sa kabaong na hinihimlayan nito. Sobrang hirap kasing tanggapin alam nyo yun. Iniisip nyang perpekto na sana sila pero naging malupit ang tadhana sa kanilang dalawa.

Wala ba talagang forever?

Laging tinatanong iyon ni Baekhyun sa isipan.

Matapos ilibing ng katawan ni Chanyeol ay nagsumikap syang ibalik ang dating siya. Ayaw ni Chanyeol ng nalulungkot sya kaya inisip nya na lang na nasa tabi nya parin ito kahit anong oras.

-

Naghanda ng kaunting salu-salo sa bahay nila Baekhyun. Nandoon ang ilang kaklase't kaibigan nya. Nandun din ng mama at papa ni Chanyeol na nagsilbi nya nang pangalawang mga magulang. Pero kahit ganun, hindi nya makuhang maging masaya. Naiinggit sya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Yung mga taong nagmamahal din kay Chanyeol. Bakit sila, nagagawa nilang maging masaya pa din kahit papaano? O baka naman, isa rin sila na tulad nya na pilit tinatago ang lungkot?

Maya-maya'y lumapit ang ama ni Chanyeol sa kanya dala ang kulay asul na notebook.

"Baekhyun, nakita ito sa ilalim ng unan ni Chanyeol sa ospital matapos nyang mamaalam. Pasensya na ha, nabasa ko ang ilang sinulat nya dyan. Tungkol sa'yo." sabay abot nito kay Baekhyun ng blue notebook.

Tumango na lang si Baekhyun at tinanggap ito. Dumiretso sya sa kwarto nya at nagkulong.

Kinuha nya si Chanheul, ang teddy bear na itinuring nilang anak anakan ni Chanyeol. Niyakap nya ito habang nakatitig sa notebook na hawak nya.

Unang pahina ay nakadikit ang isang stolen picture nya, Nakauniform sya kaya't sigurado syang sa eskwelahan ito kinunan. May nakalagay itong caption sa baba.

"Si Byun Baekhyun. 'B' ang tawag ko sa kanya. Gusto ko kasi may sarili akong nickname para sa kanya. Para kung sakaling tawagin ko sya, hindi pa sya lumilingon ay alam nyang ako na yun. Schoolmate ko at mula nang makita ko sya, nagandahan ako sa ngiti nya."

Binuklat muli ni Baekhyun ang notebook at nagpunta sa sunod na pahina.

Isa ulit itong stolen picture nya habang nakikipag usap kay Kyungsoo.

"Nahuhulog na ata ako kay Baekhyun. Sa tuwing nakikita ko sya, parang tren sa sobrang bilis ang tibok ng puso ko. Normal pa ba ito? O kailangan ko na ulit puntahan ang doktor ko?"

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon