Chapter 2

1K 77 5
                                    

Kahit na hindi naman nagpahatid si Baekhyun kay Chanyeol ay sinundan pa rin sya nito hanggang sa makarating sila sa classroom nila.

"Ano ba? Wag mo na nga ako sundan! Wala ka bang klase ha?!" Iritadong sabi ni Baekhyun.

Pero nginitian lang sya ni Chanyeol. Naiinis talaga si Baekhyun kapag sinusungitan nya ito tapos gagantihan lang sya ng ngiti. Para syang tanga. Bakit ba sya ngiti ng ngiti sa harap ko? Nakakatawa ba ang mukha ko? Nakakainis sya.

"May klase ako ngayon." Sagot ni Chanyeol. "Actually, late na nga ako eh." Dagdag pa nya at sumulyap sa kanyang relo.

"Eh yun pala eh! Edi lumayas ka na! Hindi ko na kailangan ng tulong mo!"

"Hindi! Okay lang. Okay lang na ma-late ako Baekhyun. Basta masigurado kong makarating ka sa classroom mo ng maayos."

Napairap na lang si Baekhyun sa hangin.

"Whatever."

Tumalikod si Baekhyun at naglakad na. Hindi na nya nilingon pa si Chanyeol. Alam nyang nakasunod pa rin ito sa kanya kaya mas lalo nyang binilisan ang paglalakad. Nung nasa pinto na sya ng classroom nila ay nagulat sya ng may sumigaw mula sa likod nya.

"I LOVE YOU BAEKHYUN!"

Kahit hindi lingunin ay alam ni Baekhyun na si Chanyeol ang sumigaw. Umirap na lang sya sa hangin at hindi na pinansin pa iyon. Pagkapasok nya ay nakita nya agad ang mga mapang asar na tingin ng mga kaklase nya kaya mas lalo syang nainis. Alam kasi ng buong school na may gusto si Park Chanyeol sa kanya, lagi nitong pinagsisigawan kung gaano nya kagusto si Baekhyun.

-

Uwian na. Gaya ng laging ginagawa ni Baekhyun ay dumiretso sya sa locker room para ilagay ang mga libro nya. Pagbukas nya ay isa na namang sulat ang nalaglag mula dito.

Galing ito kay Chanyeol.

-
Dear B,

Sa sobrang pag-iisip ko sa'yo kanina ay 'di ko namalayang nasa loob na pala ng classroom na yung prof namin. Napadiretso tuloy ako ng pasok at di ko sinasadyang mabangga siya. Ayun, nagalit si sir. Pero nagsorry naman ako. Habang nagkaklase, hindi ka pa rin mawala sa isipan ko. Nagulat ako ng may tumamang chalk sa noo ko at nakita ko si sir na galit na galit sa akin. Napalabas tuloy ako ng classroom. Pero ayos lang. Pumunta ako sa classroom nyo at sumilip sa bintana. Nakita kita na nasa harap ng blackboard nyo at sinasagutan ang isang math problem. Nakakatuwa ka talaga, B.

Kaya kita minamahal lalo eh.

From your pogi, hot and sexy admirer,
Chanyeol.
-

Napairap na lang sa hangin si Baekhyun at isinilid dun sa box yung sulat. Inayos nya ang mga libro nya sa pagkakalagay sa loob at nang isara nya na ang locker nya ay nagulat sya ng makita si Chanyeol na nakasandal sa katabing locker.

Sa sobrang pagkakabigla ay nabuksan nya ulit ang pinto ng locker nya at naitama sa mukha ni Chanyeol. Nanlaki ang mata at nagulat si Baekhyun sa nagawa nya.

"Aray!!" Reklamo ni Chanyeol at napayuko habang hawak hawak ang noo nya.

Medyo na guilty naman si Baekhyun at hindi nya alam ang gagawin. Nilapitan nya si Chanyeol.

"A-Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nya. Hindi sya sinagot ni Chanyeol. Isinandal na lang niya ang mukha nya sa isang tabi habang hawak pa din ang noo nya. "Uy.. ayos ka lang?"

Humarap si Chanyeol kay Baekhyun ng nakangiti. Nasa noo parin nya ang kamay nya pero nakangiti ito na 'kala mo'y walang nangyari.

"Actually, hindi." Sagot ni Chanyeol. "Pero ayos lang. 'Di mo naman sinasadya di 'ba?"

Kitang-kita sa mukha ni Baekhyun ang pag-aalala pero nakangiti pa rin si Chanyeol sa kanya. Napaiwas na lang sya ng tingin.

"P-Patingin nga!!" Hinawi ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol sa noo nya. Nakita nyang namumula ito at may maliit na bukol gawa ata nung pagkakatama ng pinto ng locker nito sa kanya.

"Oh my gosh! Sorry!"

"Ahaha. Ayos lang, B. Matatakpan pa naman ata 'to ng bangs ko."

Hindi alam ni Baekhyun kung bakit sya nakokonsensya. Pisikal nyang nasaktan si Chanyeol at feeling nya, napakamaldita at sobrang sama ng ugali nya.

Hinila nya si Chanyeol palabas ng school. Hanggang sa makarating sila sa isang tindahan. Bumili si Baekhyun ng yelo at binalot iyon sa panyo nya. Umupo sila sa isang bench.

"Eto, ilalagay natin 'to sa noo mo para mawala na yang bukol." Sabi ni Baekhyun. Nang magawa nya iyon ay bigla namang napangiwi si Chanyeol. "Ay sorry!!"

"Haha. Ayos lang."

Habang busy si Baekhyun sa ginagawa nya ay busy naman si Chanyeol na nakatitig sa mukha ni Baekhyun. Sobrang lapit nila sa isa't-isa at mas lalo nyang nakikita ang napakakinis na mukha nito. Kung ganito lang din pala ang mangyayari ay mas gugustuhin pa ni Chanyeol na mahampas ang mukha nya sa pinto ng locker ni Baekhyun kahit na paulit-ulit. Atleast, malapit sila sa isa't-isa.

"..At lalong wag na wag mo syang hahalikan ng walang permiso galing sa kanya! Kasi, tiyak na sampal ang aabutin mo."

Bigla na lamang nag-appear sa isipan ni Chanyeol si Kyungsoo at ang sinabi nito kanina. Paano nya nga ba magagawa yun kung nasa harap nya si Baekhyun at natetempt syang halikan ang manipis at mapulang labi nito? Bahala na. Di bale nang masampal.

Nagulat na lang din si Chanyeol nang mamalayan nyang naidikit nya ang kanyang labi sa labi ni Baekhyun.

Sobrang bilis ng tibok ng puso nya.

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon