Chapter 5

935 80 17
                                    

"Sure ka ba sa mga sinasabi mo??"

"Oo naman! Alam mo, konting push na lang talaga dyan kay Baekhyun mahuhulog na yan sa'yo eh! Pabebe lang yan masyado!"

"Baka naman.. Baka naman umasa lang ako.."

"Sus! Wala ka bang tiwala sakin?? Bestfriend ko yan si Baehyun mula ng pagplanuhan pa lang kami ng mga nanay at tatay namin! Kabisado ko na ang mga galawan nyan! Alam ko kung nagsisinungaling ba sya o hindi!"

Kasama ngayon ni Kyungsoo si Chanyeol sa may garden ng school matapos siyang hilahin nito papunta dito. Sinabi nya lang naman kay Chanyeol na napepredict na talaga ng puso't kaluluwa nya na may something na rin si Baekhyun sakanya.

"Ganito na lang, mamaya, pumunta ka sa Kamong cafe! Kapag pumunta din si Baekhyun dun, ibig sabihin, totoo lahat ng sinasabi ko! Na may gusto na din sya sa'yo!"

"Ha? Paano naman yun? Malamang pupunta sya dahil sasabihin mo."

"No no. Pupunta sya dahil magseselos sya."

"At bakit naman sya magseselos?"

"Dahil nga, gusto ka nya."

Napakamot si Chanyeol sa ulo nya. Hindi nya magets si Kyungsoo! Ang gulo gulo!

"Basta! Magtiwala ka lang sakin Chanyeol! Oh paano? Alis na ako. Babush! Tetext na lang kita mamaya."

"Teka--"

"BYEEE!!!"

Napakamot nalamang ng ulo si Chanyeol. Nang mag uwian ay hinintay nya si Baekhyun pero bigla syang tinakasan nito.

-

Bagot na bagot si Baekhyun habang binabaliktad ang notebook nya. Naka indian sit sya sa kama nya at konting konti na lang, magtetwerking na talaga sya sa sobrang inis. Kanina nya pa hinahanap sa assignment nya yung punyetang 'x' na pinapahanap ng teacher nila at hanggang ngayon ay hindi nya matagpuan. Saan ba kasi nagpupupunta yang si 'x'? Halos lahat ng math teacher pinapahanap sya! Sa susunod nga itago na nila ng maayos para hindi naiistorbo ang buhay ng mga estudyante! Sya ata ang nawawalang kapatid ni Dora na reyna ng lakwatsahan. Kainis. Kung ano-ano na tuloy kabaliwan ang naiisip ni Baekhyun.

Nakarinig sya ng tatlong katok mula sa pintuan.

"Pasok." Sabi nya.

Mula sa labas ay iniluwa ng pinto si Kyungsoo na bihis na bihis at mukhang excited.

"Saan ang rampa?" Tanong ni Baekhyun habang nagsasagot pa din ng math problems na aasignment nya.

"May date ako!" Sagot ni Kyungsoo habang inaayos yung sleeves ng damit nya sa harap ng salamin.

Biglang nabitawan ni Baekhyun ang ballpen nya at napaisip, 'Di kaya, nagtapat na sya kay Chanyeol at niyaya sya nitong mag-date?! Hindi nya maiwasang mainis. Sya nga itong halos isang taon nang nililigawan ni Chanyeol eh hindi sya niyayang magdate eh! Tapos si Kyungsoo?! Nakakapangselos. Selos?! WTF? Ako magseselos?!

"Date? Saan? K-Kanino?"

"Sa Kamong cafe at syempre alam mo na kung sino yun!" Sagot ni Kyungsoo. "O sya, alis na ako ah? Excited na ako sa date ko eh!"

Umalis na si Kyungsoo sa kwarto ni Baekhyun at lumabas ng bahay. Agad nyang kinuha ang cellphone nya at nagdial ng number dito.

[Hello Kyungsoo! Nasaan ka na?]

"Papunta na ako!"

[Ang tagal mo naman! Excited na akong makita ka eh!]

"Ahihi! Landi ah. Oo na! Pumunta lang ako saglit kila Baekhyun eh! Bye na! Bababa ko na 'to!"

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon