Chapter 8

763 62 4
                                    

Paulit ulit nang tinawagan ni Baekhyun ang cellphone ni Chanyeol pero hindi pa rin ito sumasagot. Lagi itong unattended kaya naman kinakabahan na sya.

Isang linggo.

Isang linggo na nyang hindi nakikita si Chanyeol maging sa school. Hindi naman sya makadalaw sa bahay nila dahil medyo marami siyang inaasikaso sa paaralan. Gusto nyang tanungin ang mama ni Chanyeol pero maging ito ay hindi nya makausap o macontact man lang. Huling paguusap nila ay yung nagkabati sila mula sa maliit na away nila.

Lumipas ulit ang isang linggo. Hindi na nya alam kung sila pa ba ni Chanyeol dahil ni anino nito ay hindi nya nakita. Miss na miss na nya ang mga sulat ni Chanyeol mula sa locker nya. Miss na miss na nya yung paghatid ni Chanyeol sa kanya sa room nila at pagsigaw nito ng walang kamatayang i love you. Miss nya na lahat ng mga bagay na nakasanayan na nya.

Miss na miss na nya si Chanyeol.

Matapos ng klase ay napagpasyahan nyang dumiretso sa bahay nila Chanyeol. Meron syang thesis na dapat tapusin pero isinawalang bahala nya muna iyon.

Habang tinatakbo nya ang daan papunta sa bahay nila Chanyeol ay biglang tumawag si Kyungsoo sa kanya.

[Baekhyun!!]

"Kyungsoo?? Bakit ka napatawag??" Hingal na hingal man ay pinilit paring magsalita ni Baekhyun.

[Si Chanyeol... alam ko na kung bakit hindi mo na sya nakikita... pumunta silang states, Baekhyun... nalaman ko 'to kay Jongin!]

"A-ANO?!?"

Napanganga na lang si Baekhyun sa sobrang gulat. Nahulog nya lahat ng hawak nyang libro sa kalsada pati ang bag nya. Nanatili ang cellphone malapit sa kanyang tenga.

[Baekhyun nandyan ka pa?! Baekhyun!!]

Muling kinuha ni Baekhyun ang mga gamit nya atsaka tumakbo ulit. Pagod na pagod na sya pero gusto nya talagang malaman. Dahil sigurado si Baekhyun na hindi... Hindi ako kayang iwanan ni Chanyeol...

Halos manlumo sya ng makita ang gate nila Chanyeol. Sarado ito at nakakandado. Napahawak na lang sya dito at napaiyak lalo.

"Park Chanyeol lumabas ka dyan!! Wag mo kong taguan!! Parang awa mo na..." Hinampas hampas nya ang gate kahit na alam nyang walang Chanyeol na lalabas dito.

"Tangina Chanyeol!! Bakit hindi mo sinabing aalis ka?!? Naiinis ako sayo Chanyeol!!! CHANYEOL!!"

Ngunit kahit gaano kalakas ang sigaw at iyak niya ay hindi sya naririnig nito. Hinding hindi sya maririnig nito dahil wala na si Chanyeol. Iniwan sya ni Chanyeol.

Nung araw din na yon ay umiyak sya ng magdamag.

-

4 months later...

Nagbago ang lahat kay Baekhyun.

Hindi na sya naging masiyahin. Hindi na sya yung dating palangiti. Tanging kalungkutan lang ang makikita mo sa mga mata nya.

Matinding kalungkutan na dulot ng pagiwan ni Chanyeol sa kanya. Maging si Kyungsoo ay bihirang bihira na syang makausap.

Sa loob ng apat na buwan na lumipas ay ang pagaaral ang tinutukan nya lalo na't gagraduate na sya. Gagraduate sya na dapat kasabay nya si Chanyeol pero iniwan sya nito. Sobrang nasasaktan pa din sya lalo na kapag binabasa nya lahat ng mga sulat ni Chanyeol noon na itinago nya. Parang dinudurog ang puso nya sa mga bawat salitang nababasa nya dito. Naalala nya noong araw na nag date sila sa isang park. Nangako pa man din sila na hindi sila maghihiwalay. Na pakakasalan nila ang isa't-isa pagdating ng panahon.

"Chanyeol? Paano kung isang araw, magising ka na lang tapos namalayan mong, hindi mo na ako mahal?"

"Sus. Hinding hindi mangyayari yun noh. Isipin ko pa lang na hiwalayan kita, para na akong mamamatay."

"Ang OA mo!"

"Haha. Oo na! Pero seryoso, hindi ko gagawin yun, B. Gusto ko, lagi akong nasa tabi mo. Kung may bagay man akong magagawa sa'yo na hindi mo magustuhan, may malalim na dahilan yun. Sana lagi ka lang magtiwala sa'kin at gusto ko na itatak mo dyan sa puso mo, na mamahalin kita habang buhay."

"Kung makapagsalita ka naman, para kang namamaalam! Atsaka hindi mo naman ako iiwan, di ba??"

"Uy Chanyeol! Hindi mo naman ako iiwan di ba??"

"H-Ha? Ano ba namang tanong yan, B.. Syempre, hindi noh."

"Walang iwanan?"

"Oo.. W-Walang I-Iwanan..."

Lahat ng pangako nila sa isa't-isa ay para bang naging isang dahon na tinangay papalayo ng malakas na hangin at nawala. Parang kahapon lang ay masaya sila. Tila perpekto na ang lahat sa kanila.

At parang kailan lang... nagmamahalan pa sila.

-

Isang hapon habang papauwi si Baekhyun. Malapit na sya sa bahay nila at ilang hakbang na lang ang layo nya ng may matanaw syang taong nakatayo sa harap ng gate.

Para bang kumabog ng malakas ang puso nya dahil pamilyar na pamilyar sa kanya kung sino ang tao na yun.

Yung taong mahalaga sa kanya. Yung taong matagal na nyang hinahanap hanap. Yung taong kahit masakit ay hanggang ngayon, mahal pa din nya.

"Ch.. C-Chanyeol??"

Nagkatinginan silang dalawa. Doon nakasigurado si Baekhyun na tama, si Chanyeol nga ito. Nangayayat ito ng konti at medyo humaba ang buhok nya pero, kitang kita parin sa mga mata nito yung mga tinginan nila noon sa isa't-isa na may pagmamahal. Halo halong emosyon ang nararamdaman nya. Galit sya dahil sa pagiwan nito sa kanya ng walang paalam. Pero masaya sya dahil nakita nya ito muli. At kinakabahan sya sa di malamang dahilan.

Namalayan na lang ni Baekhyun na tumakbo sya papalapit kay Chanyeol at niyakap ng sya ng mahigpit.

Isang mahigpit na yakap na para bang nagpapahiwatig na, wag na sya nito muling iwanan.

-

Masyadong bang mabilis lahat ng mga nangyayari dito sa story ko? Sorry na, short story lang po kasi 'to eh. Hehe.

Salamat sa mga nagtyatyagang magbasa. ^^

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon