Chapter 4

905 69 10
                                    

Kinaumagahan ay inaasahan na ni Baekhyun na may sulat na malalaglag sa locker nya pero wala. Nagulat sya. Himala. Walang sulat galing kay Chanyeol! Sinarado nya ang pintuan ng locker nya at inaasahan nya din na may Park Chanyeol na nakasandal sa katabing locker at magsasabing "Good Morning, B.", pero wala. Binuksan nya pa ulit yung pinto ng locker nya tsaka sinara pero wala talaga.

Sa sobrang inis ni Baekhyun ay napasipa na lang sya kaya naman pinagtinginan sya ng mga tao. Kainis!! Bwisit! Napakairresponsable nya!! Nasaan na yung mga korning sulat nya?! Nasaan na?!

Badtrip! Sobrang badtrip nya habang naglalakad papuntang classroom. Sinasadya nya pang bagalan ang lakad nya dahil umaasa syang may susulpot na Chanyeol sa harap nya at bigla syang kukulitin at tatanungin ng kung anu-anong walang kwentang tanong. Pero nakarating na lang sya sa pintuan ng classroom nila't lahat lahat, ay wala pa din. Nakabusangot syang dumiretso sa upuan nya at binagsak ang mga libro nya sa desk. Pinagtinginan sya ng mga kaklase nya at nagtaka sa inasal nya pero umirap lang sya sa mga ito. Basta, nabubwisit sya.

-

Nang magising si Chanyeol ay nasa isang puting kwarto sya. Pagmulat nya ng mata nya ay nakita nya ang mama at papa na nakaupo sa gilid nya. Maluha-luha syang nilapitan ng mama nya at hinaplos ang buhok nito.

"Anak, ayos ka na ba?" Nagaalalang tanong nito.

Tsaka lang napagtanto ni Chanyeol na nasa ospital sila. Napatingin sya sa suot nya at nakauniform pa pala sya. Naalala nya, papasok na dapat sya kanina sa school ng atakihin na naman sya ng kanyang sakit.

"Ma, ayos na po ako. 'Wag na po kayo mag-alala." Sabi ni Chanyeol. Inabot nya ang pisngi ng mama nya at pinunasan ang luha nito. "Wag na nga po kayong umiyak. Para namang mamatay na ako. Eto nga oh, nagising na 'ko. Malakas na po ang anak nyo!!" Umupo si Chanyeol mula sa pagkakahiga at itinaas pa ang dalawang braso nito na para bang pinapakita ang mga muscles nya.

"Dahan-dahan ka naman Chanyeol. Baka mapaano ka pa."

"Ayos na nga po ako, Ma. Malakas yata 'tong anak mo!" Tumawa si Chanyeol. Natutuwa ang mama nya sa kanya. Totoo kasing napakalakas naman talaga nito para sa edad nya. Sya yung taong kahit na nahihirapan, ayaw nya ng may nalulungkot. Pinapakita nya sa lahat ng taong malapit sa kanya na ayos lang sya kasi ayaw nyang malungkot sila at mapawi ang mga ngiti nang dahil lang sa kalagayan nya.

"Anong oras na po, Ma?"

"10:34 AM na." Sagot ng mama nya na tumingin sa oras.

Kinuha ni Chanyeol ang sobre na nasa bulsa ng polo nya. Tuwing umaga, bago pumasok ay gagawa sya ng sulat para kay Baekhyun at ilalagay ito sa locker nya. Pero kanina lang ay hindi nya nagawa dahil nga sa inatake sya ng sakit nya.

"Ma, gusto ko pong pumasok para sa next class ko." Sabi ni Chanyeol. Bigla namang tumayo ang papa nya at lumapit sa kanila.

"Sigurado ka ba, anak? Magpahinga ka na lang. Hindi naman masamang umabsent ng isang araw eh. Isa pa, pwede ka namang magbigay ng excuse letter." Sagot ng papa nya. "Oo nga. Bukas ka na lang pumasok." Pagsasang ayon naman ng mama nya.

"Ma, ayos na po ako. Gusto ko pong pumasok ng school." Sabi ni Chanyeol. "At isa pa, hindi ko pa nabibigay kay Baekhyun 'tong sulat ko. Hindi ko rin sya nahatid sa classroom nya. Hindi ko rin naisigaw sa kanya kung gaano ko sya kamahal."

"Jusko. Ang anak mo, lumalablayp. Ang corni." Komento ng mama ni Chanyeol.

"Mana sa'yo." Sabi naman papa nya.

"Aba? Ako? Excuse me. Sa'yo kaya. Naalala mo ba noon nung ginawan mo pa ako ng tula? Ang corny corny mo kaya nun!"

"Kinilig ka naman, aminin mo."

"Mama, papa, tama na nga yan okay?" Pagpipigil ni Chanyeol sa mama at papa nya na mukhang may balak pang magthrowback sa mga ligawan days nila. "Ganun po talaga kasi pag inlove. Nagiging corny ka. Nagagawa at nasasabi mo lahat ng mga bagay na hindi mo inaasahan."

In the end, napapayag din ni Chanyeol ang parents nya na pumasok sya ng school. Pero bago yun, gumawa muna sya ng panibagong sulat para kay Baekhyun. Ilang subject na ang nalampasan nya pero okay lang. Kokopya na lang sya ng ilang notes sa mga classmates nya. Nag insist pa nga ang papa nya na ihatid sya pero tumanggi nalang sya.

-

Matapos ang klase ay kinuha agad ni Baekhyun ang mga libro nya. Nagmamadali na syang lumabas pero bago yun, bigla syang may nabangga ng nasa pinto na sya.

"Aray," napahawak sya sa ilong nya na tumama sa dibdib ng taong nakabangga nya. Napatingala sya at nakita si Chanyeol.

"B," tawag nito sa kanya habang nakangiti.

Napangiti si Baekhyun pero bigla nya ring binawi ito ng maalala nyang ngayon lang pala nagpakita si Chanyeol sa kanya. Binangga nya ito at nilagpasan. Patuloy lang sya sa paglalakad habang nakahabol pa din si Chanyeol.

"Uy Baekhyun! May problema ka ba?" Tanong ni Chanyeol sa kanya.

Hindi nya ito pinansin. Nagulat na lang sya ng biglang may humawak sa wrist nya. Napaharap sya bigla kay Chanyeol ng masama ang tingin.

"Sorry." Sabi ni Chanyeol at binitawan ang kamay nya. "May nangyari bang masama sa'yo? Bakit hindi ka nagsasalita?"

Pero hindi sya sinagot ni Baekhyun.

"Bakit ngayon ka lang?!" Inis na tanong nya kay Chanyeol.

"H-Huh?"

"Ang sabi ko, bakit ngayon ka lang?! Nagcutting ka ba?! Siguro, nakapagtapat na sa'yo si Kyungsoo noh?! Tapos nagdate kayo! Bakit hindi ko nakita ang mga sulat mo kanina?! Bakit hindi mo ko hinatid sa classroom?! Bakit walang sumigaw sa'kin ng, "Bye Baekhyun! I love you! 'Wag kang magpapasaway sa prof mo ah!". Bakit ha?! Nasaan ka?! Hinanap kita alam mo ba yun?! Kanina pa kita hinahanap!! Tapos ngayon lang kita nakita?! Namimiss ko na ang pagtawag mo ng B sa akin! Siguro lumalandi ka na ng iba! Bakit?! Nagsawa ka na ba---" Biglang napatigil si Baekhyun ng marealize nya lahat ng mga pinagsasasabi nya. Tapos ay inirapan nya ang mukha ni Chanyeol na mapupunit na ang mukha sa sobrang ngiti. "Hmp!"

Tumalikod si Baekhyun at naglakad paalis. Sobrang nakakahiya.

"Talaga, B? Hinahanap mo ako kanina pa? Ha? Ha?" Sinundan nya si Baekhyun at kinalabit kalabit pero hindi sya nilingon nito.

"Leche. Layuan mo ako Chanyeol."

"Eh paano kung ayoko?"

"Ewan ko--"

"CHANYEOL!!" Napatigil ang dalawa nang may tumawag kay Chanyeol.

Nakita ni Baekhyun si Kyungsoo na patakbong lumapit sa kanila.

"Chanyeol may sasabihin ako sa'yo!" Sabi ni Kyungsoo. Tumingin sya kay Baekhyun habang taas baba ang kilay nito.

"Ano yun, Kyungsoo?"

"Eh.. wag dito! Nakakahiya! Dun tayo!" Hinila ni Kyungsoo si Chanyeol papalayo at naiwan si Baekhyun na magisa.

Naalala nya, sinabi ni Kyungsoo kahapon na may gusto sya kay Chanyeol. Siguro, ngayon na magtatapat si Kyungsoo sa kanya. Hindi alam ni Baekhyun pero parang naiinis sya. Paano kung magkagusto din si Chanyeol kay Kyungsoo? Paano kung kalimutan nya na si Baekhyun? Teka, ano bang paki ko?! Edi magsama sila!

Paalis na sana si Baekhyun nang mapansin nya ang sobreng nakasilid sa bulsa ng uniform nya. Pamilyar na sobre. Yung sobre na laging nanggagaling kay Chanyeol. Paano napunta 'to dito?

Kinuha nya iyon at binasa.

-
Dear B,

Pasensya na kung hindi mo ako nakita mula kaninang umaga. Pero siguro masaya ka noh? Kasi walang nangungulit sa'yo. Well, hindi na ako magsisinungaling. Sinugod kasi ako sa ospital kanina. Pero ayos na ako ngayon! Ihahatid kita sa bahay nyo mamaya ah! I love you, B! To infinity ang beyond!

From your pogi, hot and sexy admirer,
Chanyeol.
-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon