Chapter 6

837 79 12
                                        

Matapos ng nangyari ay halos hindi makatulog si Baekhyun magdamag. Kaya kinaumagahan ay naging zombie mode na naman sya. Dumiretso sya sa locker nya at pagbukas ay isang letter ang nalaglag mula sa loob.

Kung noon ay naiirita sya sa tuwing nakikita ang mga ito, ngayon, ay natutuwa na sya.

-
Dear B,

Gusto kitang batiin ng magandang umaga dahil alam kong maganda ang gising nating dalawa. Napuyat ka ba? Ako kasi hindi eh. Sa totoo lang, nakatulog ako ng mahimbing at mapayapa kagabi. Ang gaan gaan sa pakiramdam na paggising ko sa umaga, alam kong akin ka na. Sana wag mong bawiin lahat ng sinabi mo sakin kagabi ha? Kasi kapag binawi mo, hindi ako papayag.

Mahal kita, B.

From your pogi, hot and sexy BOYFRIEND,
Chanyeol.
-

Inilagay ni Baekhyun ang sulat sa kahon at isinara ang locker. As expected, pagsarado nya ay nakasandal si Chanyeol dun sa katabing locker nito at nakangiti sa kanya.

"B," sabi ni Chanyeol. Inilabas nya mula sa likod nya ang isang boquet ng bulaklak. "Isang magandang bulaklak para sa maganda kong B."

Tahimik na napagiggle si Baekhyun at hinalikan ang tip ng ilong ni Chanyeol.

"Hindi ko babawiin ang sinabi ko kagabi sa'yo. Pangako yan." Bulong ni Baekhyun. "Akin na nga yang flowers!"

"Hehe. Lika na? Hatid na kita sa room mo."

Tumango si Baekhyun at sabay silang naglakad. Di rin tulad ng dati, magkahawak kamay na sila habang naglalakad at masayang nagsasabihan ng kung anu-anong matatamis na salita. Nagulat nga yung ibang schoolmates nila na napapatingin dahil nalaman nilang, nagkatuluyan na pala sila.

"Dito na ko, Chanyeol." Paalam ni Baekhyun.

Aalis na sana sya pero hindi parin binibitawan ni Chanyeol ang kamay nya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Baekhyun.

Ngumiti lang si Chanyeol at tinuro ang lips nya. Mukhang naintindihan naman ito ni Baekhyun kaya lumapit sya. Tumingkayad sya ng konti at hinalikan ang labi ni Chanyeol. Pagkatapos ay umalis na sya para pumasok sa classroom nila.

"I LOVE YOU BAEKHYUN! MAKINIG KA SA TEACHER! WAG PASAWAY HA!"

Nasa pinto pa lamang si Baekhyun nang marinig nya ang pagsigaw ni Chanyeol. Napangiti sya at lumingon sa kinaroroonan nito.

"I LOVE YOU TOO CHANYEOL! OPO MASUSUNOD!! PARA SA FUTURE NATING DALAWA!!"

Napangisi na lamang si Baekhyun dahil sa narealize nyang kakornihang pinagsisisigaw nilang dalawa.

-

Uwian na. Habang naglalakad si Kyungsoo ay nagulat sya ng may tumamang shoulder bag sa mukha nya.

"What the--!?"

"HOY KWAGO!!"

Si Baekhyun yan. Ang sama ng tingin nya kay Kyungsoo na akala mo sya ang may kasalanan sa pagpatay kay Jose Rizal.

"Anong problema mo?!" Inis na tanong nito.

"Akala ko ba si Chanyeol ang ka-date mo?! Hindi naman pala eh!"

"Wow ha?! May sinabi ba akong si Chanyeol?! Atsaka dapat nga magthank you ka pa!" sigaw na sagot ni Kyungsoo at nagpunas ng pawis na kumakalat sa noo nya gamit ang panyo.

"Ewan ko sa'yo! Kahit na--eh kasi ano, tangina basta! Nakakahiya kasi!!" sagot ni Baekhyun habang napafacepalm na lamang.

"Ewan ko din sa'yo. Basta balang araw, pasasalamatan mo din ako sa ginawa ko."

"Oo nga naman, B. Mag thank you ka na lang kay Kyungsoo." Napalingon si Baekhyun nang mamalayan nyang nasa likod na nila si Chanyeol. Nginitian sya nito atsaka inakbayan.

"Kundi dahil sa kanya, hindi mo masasabi ang tunay mong feelings sa akin." Sabi pa ulit ni Chanyeol.

Nginitian na lang ni Baekhyun si Kyungsoo pero hinampas pa din ito ng shoulder bag nya. "Hmp!"

"Tara na, B. Iuuwi na kita sa inyo." Aya ni Chanyeol.

"Oo nga, umuwi na kayo. Ang landi nyong dalawa. Namimiss ko na tuloy agad si Jongin." Singit naman ni Kyungsoo.

Tumango si Baekhyun atsaka umalis na sila.

Magkahawak ang kamay nila Baekhyun at Chanyeol habang papalabas ng school. Nakakapanibago kay Baekhyun dahil ang daming nakatingin sa kanila. Bakit? Bawal ba silang mag PDA?!

"Hindi ka sanay?" Tanong ni Chanyeol upang mawala ang awkward sa pagitan nilang dalawa.

"Oo. Pero.. masasanay din naman ako diba?"

"Oo naman. 'Wag mo na silang pansinin. Basta, masaya tayo."

Tumango si Baekhyun. Ilang minutong paglalakad nila ay nagulat si Baekhyun nang binitawan ni Chanyeol ang kamay nya at napatigil sila kaya nagtaka sya.

"Bakit?" Tanong nya.

Hindi sumagot si Chanyeol. Nakayuko lang ito at maya maya pa ay bigla syang napahawak sa dibdib nya ng mahigpit. Nakakaramdam sya ng konting kirot mula dito at medyo nahihirapn syang huminga.

Nataranta na si Baekhyun kaya hinawakan nya ang dalawang pisngi ni Chanyeol.

"Chanyeol anong nangyayari?! May masakit ba sayo?!" Tanong niya, ngunit hindi sya masagot ni Chanyeol.

"Ahh.."

"Chanyeol! Anong nangyayari?! Ayos ka lang?!"

Halos pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan pero binalewala iyon ni Baekhyun. Si Chanyeol ang inaalala nya. Hindi nya alam ang gagawin nya at anytime ay baka mapaiyak na lang sya sa sobrang kaba. Paano kung anong mangyari sa kanya??

Ilang minuto ay umayos ang paghinga ni Chanyeol. Napapikit sya ng mariin bago idilat ang mata. Hinawakan nya ulit ang kamay ni Baekhyun.

"Ayos na." Sabi nya at pinilit na ngumiti.

Pero imbis na ngitian pabalik ay kumunot ang noo ni Baekhyun.

"Anong nangyari? Sure ka ba? Sabihin mo sakin kung anong nararamdaman mo." Alalang tanong ni Baekhyun.

"Wala 'to. Mageevolve na ata ako sa pagiging wolf kaya ganun. Ahahaha!"

Tumawa si Chanyeol na para bang walang nangyari. Pero si Baekhyun, hindi pa rin matahimik ng mga tanong sa isipan nya.

"M-May sakit ka ba Chanyeol?"

"Ha? Oo. May sakit ako. Pagiging gwapo at wala na atang lunas 'to."

"Chanyeol naman eh! Magseryoso ka nga!!"

"Ano ba, B... Wala nga lang 'to. 'Wag ka na magalala dyan dahil mas malakas ako."

Naglakad na si Chanyeol para hindi na sya matanong pa dahil ayaw nya rin namang sabihin ang nangyari sa kanya kanina. Hawak nya si Baekhyun kaya wala nang nagawa ito kundi sumunod na lang. Pero hindi parin maalis sa isipan ni Baekhyun ang pag-aalala.

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon