"Kamusta eyebags? Ilang kilo na?" Bungad ni Kyungsoo kay Baekhyun at pinatong ang libro nito sa lamesang nasa harap nya. Umupo sya sa tabi ni Baekhyun.
"Kung pwede ko lang ibenta 'tong eyebags ko, baka mayaman na ako. Tapos nakabili na ako ng puso na pwedeng ilipat para kay Chanyeol ko."
Napabuntong hininga na lamang si Kyungsoo at niyakap si Baekhyun. Hindi nya alam kung paano icocomfort ang kaibigan nya sa mga oras na ito.
"Kyungsoo ang hirap," komento ni Baekhyun. "Mas gugustuhin ko pang malaman na magkakaroon ng isang surprize quiz sa math at ang makakakuha ng mababang score ay babagsak kesa sa malaman kong lumalala na yung sakit ni Chanyeol eh. Sobrang hirap Kyungsoo."
"Wag ka magalala Baek. Nandito lang ako, kami ni Jongin para sa inyo. Ipagpapray ko lagi si Chanyeol. Ship ko kaya kayong dalawa."
"Thank you."
Akalain nyo yun? Magboyfriend na pala si Kyungsoo at Jongin. Kelan lang ito nalaman ni Baekhyun. Buti pa sila..
Matapos umuwi galing sa school ay dumiretso si Baekhyun sa bahay nila para magbihis. Matapos nito ay dumaan naman sya sa isang convenience store para bumili ng ramen atsaka dumiretso sa ospital.
Isang buwan na ang nakakalipas ng madala si Chanyeol sa ospital at hanggang ngayon ay bawal pa din syang lumabas dito kaya pabalik balik si Baekhyun sa tuwing uuwi sya galing ng school. Pagpasok nya ng kwarto ni Chanyeol ay naabutan nya na naman itong nagsusulat sa isang kulay blue na notebook. Nung isang araw ay tinanong ni Baekhyun si Chanyeol kung anong laman nung notebook na yun pero 'secret' lang ang sinagot nito.
"Hi Chanyeol!" Masiglang bati ni Baekhyun at isinara ang pinto pagkapasok nya.
Nilapitan nya si Chanyeol. Bigla namang tinago ni Chanyeol ang kulay blue na notebook sa ilalim ng unan nya at nginitian ito.
"Kamusta ka na Chanyeol? Ayos ka lang?" Masayang tanong ni Baekhyun habang inilalapag sa lamesang nasa gilid ang ramen. "Kumain ka na ba?" Kumuha sya ng mainit na tubig sa isang water dispenser na nasa gilid ng kwartong iyon atsaka bumalik sa lamesa.
"Ikaw kumain ka na ba?" Tanong ni Chanyeol.
"Hindi pa. Gusto mo, hatian mo ako dito sa ramen na nabili ko kanina."
Binigyan ng space ni Chanyeol si Baekhyun para makaupo ito sa tabi nya. Umupo si Baekhyun sa tabi ni Chanyeol at kinuha ang ramen sa gilid ng mesa. Hinalo nya ito atsaka ginamit ang chopsticks pangkuha ng noodles. Inihipan nya muna ito bago itapat sa bibig ni Chanyeol.
"Say ahhh" utos ni Baekhyun habang nakangiti kay Chanyeol.
Parang batang sumunod naman si Chanyeol at ibinuka ang bibig, "aah"
"Good! Ako naman kakain. Salit-salitan tayo ah."
"Mm." Tumango na lang si Chanyeol.
Tinapos nila ang pagkain ng ramen. Kinuha ni Baekhyun ang bag nyang dala at inilabas yung rilakkuma tumbler nyang may laman na juice.
"Inumin mo 'to oh. Tinimpla ko yan kanina sa bahay bago pumunta dito." Sabi ni Baekhyun, iniabot nya ang tumbler kay Chanyeol at tinanggap naman ito.
"Ano yan?" Usisa ni Chanyeol nang makitang may nilalabas si Baekhyun sa bag na dala nya. Notebook at mga papel.
"Ah ito ba?" Nakangiting tanong ni Baekhyun. "Magrereview kasi ako kasi may bumagsak akong subject. Nagmakaawa ako sa teacher ko na ipasa ako kasi hindi ako makakagraduate pag bagsak ako kaya ayun, binigyan nya ako ng special exam tutal maganda naman daw ang mga grades ko at sayang naman kung hindi ako makakagraduate."
Biglang sumeryoso ang mukha ni Chanyeol. Ano bang nararamdaman nya? Feeling nya, nagiging pabigat na sya kay Baekhyun.
"Sorry ha?" Malungkot na saad ni Chanyeol.
"Hmm? Para saan naman?"
"Siguro ako ang dahilan kung bakit ka bumagsak sa exam mo. Dapat hindi ka na lang muna nagpabalik pabalik dito, okay lang naman sakin yun eh."
"Yah! Ano ba wag mo ngang sisihin ang sarili mo." Sabay pout ni Baekhyun. "Hindi kita sinisisi noh. Ayos lang 'to sakin."
"Nahihirapan ka na ba sakin, B? Napapagod ka na ba?"
"Never. Never akong mapapagod sa'yo, Chanyeol. Kahit na gumaling ka na tapos tumanda na tayong dalawa, hindi parin ako magsasawang alagaan ka."
"Halika nga dito," hinila ni Chanyeol si Baekhyun ng mas malapit gamit ang yakap nya atsaka ipinatong ang ulo nito sa ulo nya.
"Dapat ako ang nag-aalaga sa'yo eh. Hindi yung ako yung inaalagaan mo."
"Okay sakin na makita kang maayos, Chanyeol. Gusto ko, sa graduation ko, magaling ka na ha? Tapos gusto ko, aattend ka."
"Oo naman. Pangako, pupunta ako."
-
BINABASA MO ANG
Saranghae, B (ChanBaek)
Fanfic|ChanBaek FF| |Boyxboy| Si Park Chanyeol, ang taong handang gawin ang lahat para sa mahal nyang si Byun Baekhyun. Hanggang saan ang kanilang kakayanin lalo na't kung oras na ang tumutol sa kanilang dalawa? - Warning: Medyo madrama 'to. ㅋㅋㅋ ≧﹏≦