-
Dear B,Nakita kita kanina sa P.E. class nyo nung naglaro kayo ng volleyball. Ang galing mo palang magspike ng bola?? Siguro ang sakit mo ring manampal noh?? Haha. Kaya naman sinisugarado kong pag naging boyfiend mo ako, hindi kita sasaktan kasi baka abutin ako ng sampal sa'yo. Atsaka, asa ka namang saktan kita eh, MAHAL KAYA KITA.
From your pogi, hot and sexy admirer,
Chanyeol.
-Pupunitin na sana ni Baekhyun ang sulat na nakuha nya sa locker nya galing sa nagiisang taong laging sumisira ng araw nya nang biglang sumulpot si Kyungsoo. Ang kanyang BFF at partner in crime sa lahat ng bagay.
"Baekki! Ano yan?! Ano yan?!" Tanong ni Kyungsoo sabay agaw nung papel kay Baekhyun.
Binasa nya ito at ilang segundo lang ay bigla syang humagalpak sa tawa. Napairap na lang si Baekhyun at hinampas ng librong hawak nya ang braso ni Kyungsoo.
"Akin na nga yan!" Sabay agaw ni Baekhyun ng papel sa kanya. "Nakakabwisit na talaga 'tong Chanyeol na 'to! Sobrang creepy nya! Kainis!" Pupunitin na dapat nya ang sulat na iyon ng agawin na naman ito ni Kyungsoo sa kanya.
"Oops!" Sabi ni Kyungsoo. "Ang mga love letters, dapat, tinatago! 'Wag mo namang sirain!"
"Love letter?! Eh mukhang death threat yang mga binibigay nya sakin! Feeling ko, mamatay na ako sa sobrang inis! Parang lahat na lang ng galaw ko, alam nya! Dinaig nya pa ang stalker!"
"Correction bhe, Admirer, hindi stalker."
"K. Fine. Whatever." Ang sagot ni Baekhyun at umikot na naman ng mata sa hangin. "Akin na nga yan!"
"No! Uh uh! No!"
Hinila ni Kyungsoo ang kamay ni Baekhyun at lumabas sila sa building na iyon. Pumunta sila sa basurahan at nagulat si Baekhyun dahil may kinakalkal dito si Kyungsoo.
"Ewww! Yuck! Ano ba namang kababuyan yan Kyungsoo?!" Diring diring sabi ni Baekhyun.
"Ang OA mo naman! Hindi naman masyadong madumi eh. Sadyang maarte ka lang!!" Sagot ni Kyungsoo habang hindi man lang nakatingin kay Baekhyun. "Hmm.. ano kayang pwede? Aha!"
May inilabas si Kyungsoo na isang box mula sa basurahan. Isa itong shoe box at hindi pa gaanong nasisira.
"Ano naman yan?" Tanong ni Baekhyun.
"Box. Bobo mo naman. =__="
"Mas bobo ka! I mean, anong gagawin mo dyan?!"
Again, hinila na naman ni Kyungsoo si Baekhyun sa bilihan ng school supplies sa loob ng school nila.
"Isa nga pong gift wrapper atsaka scotchtape." Ang sabi ni Kyungsoo sa tindera. Pumili sya ng design ng gift wrapper dun sa may mga nakadisplay at kinuha nya yung may design na flower at hearts.
"Halika na." Niyaya na sya ni Kyungsoo at pumunta sila sa may malawak na soccer field. Umupo silang dalawa sa bleachers at pinatong dun ang box, gift wrappers at yung scotch tape na binili ni Kyung. Kumuha rin sya ng gunting sa loob ng bag nya.
"Anong gagawin mo?" Usisa ni Baekhyun.
"Babalutan ko 'tong shoe box na'to. Tapos, dito mo ilalagay, lahat ng sulat ni Chanyeol sa'yo. Maliwanag ba?" Sagot ni Kyungsoo habang sinisimulan nang balutan ang box.
"Ano?! Ayoko nga! Bakit ko naman itatago ang mga sulat ng stalker na yun!"
"Baekhyun, hindi lang basta stalker si Chanyeol noh. Look, isang taon na syang sumusulat sa'yo. Lagi nyang sinasabi sa'yo na mahal na mahal ka nya. Kapag badtrip sya at nasalubong ka nya, nginingitan ka pa rin nya maipakita lang na masaya sya at nakita ka nya. At higit sa lahat, hindi sya sumusuko sayo. Lahat ng manliligaw mo, sinukuan ka na pero sya? Hindi. Kahit itulak mo sya palayo, nandyan pa rin sya." Pagpapaliwanang ni Kyungsoo sa kanya. "Ayan! Tapos ko ng balutan! Maganda na sya di ba? So bilang ganti mo man lang sa pagmamahal ni Chanyeol sa'yo, itago mo lahat ng letters nya. Tapos kapag nalulungkot ka at feeling mo, walang nagmamahal sa'yo, basahin mo lang yun. Tapos, marerealize mo na habang may nagiisang Park Chanyeol na nabubuhay sa mundo ay hinding-hindi ka mag-iisa."
Napakunot ang noo ni Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo. Hindi nya alam kung anong pinaghuhugutan ng kwagong ito at nasasabi nya lahat ng mga yun.
"Umamin ka nga sakin Kyungsoo.." sabi ni Baekhyun. "Binabayaran ka ni Chanyeol para gawin 'to?"
Bigla naman tumawa si Kyungsoo at hinampas ng mahina kay Baekhyun yung box.
"Gaga! Mayaman ako."
"Tss. Whatever."
-
Nasa canteen si Kyungsoo at nag-iisip kung anong kakainin nya. Nakatingin sya sa mga pagkaing nakadisplay doon nang biglang may kumalabit sa balikat nya.
"Oy Chanyeol! Ikaw pala yan!" Bati ni Kyungsoo at agad na binalik ang tingin sa mga pagkain. Shemz, gutom na gutom na talaga sya.
"Ano? Ano nang balita? Nagugustuhan na ba ako ni Baekhyun?" Excited na tanong ni Chanyeol sa kanya habang nakaderp.
"Tss. Akala mo ganun kadali mapa ibig yan si Baekhyun? Maghintay ka. Basta dapat, lagi mo syang lalapitan at suyuin."
Nagkaroon kasi ng kasunduan ang dalawa. Tutulungan ni Kyungsoo si Chanyeol na magkagusto si Baekhyun sa kanya at bilang kapalit, itutulay ni Chanyeol si Kyungsoo dun sa kaibigan nyang si Jongin. Na crush na crush nito. Atsaka isa pa, botong boto pa naman sya kay Chanyeol para kay Baekhyun. Kung magkakatuluyan man ang dalawang ito, ay tiyak na magpapagawa sya mismo ng fanclub ng loveteam nilang dalawa.
"Atsaka paalala!" Saad ni Kyungsoo nang may maalala sya. "Wag mong hahawakan ang kamay nya, or yayakapin sya o kaya aakbayan. At lalong wag na wag mo syang hahalikan ng walang permiso galing sa kanya! Kasi, tiyak na sampal ang aabutin mo."
Napatango tango na lang si Chanyeol.
"Salamat ha? Sige, ipapakilala talaga kita kay Jongin! Sige bye!"
"Bye! Shupi!"
-
Binuksan ni Baekhyun ang locker nya at inilagay roon ng box na binigay ni Kyungsoo laman ang isang sobre. Wala na syang nagawa. Kukulitin lang din sya ni Kyungsoo kapag hindi nya sinunod ito. Wala namang mawawala kung gawin nya na lang di ba?
*kriiiiiing!*
Nagulat si Baekhyun nang biglang magbell. May next class pa pala sya! Agad nyang kinuha ang libro nya atsaka sinarado ang kanyang locker. Tumakbo sya ng mabilis upang makaabot sa classroom nya na medyo malayo layo pa.
Nasa gitna na sya ng corridor nang bigla syang madapa at nagkalat ang mga libro nya sa sahig. Napapikit na lang sya sa sobrang inis at padabog na tumayo. Pupulutin nya na sana yung mga libro nya pero biglang may pumulot nito. Tapos nilahad nito ang kamay sa harap ni Baekhyun na para bang tutulungan syang tumayo.
"Halika, tulungan na kita." Alok nito.
Napatitig na lang si Baekhyun sa kamay nito bago tumingala sa taong iyon.
"Chanyeol.."
-
BINABASA MO ANG
Saranghae, B (ChanBaek)
Fanfiction|ChanBaek FF| |Boyxboy| Si Park Chanyeol, ang taong handang gawin ang lahat para sa mahal nyang si Byun Baekhyun. Hanggang saan ang kanilang kakayanin lalo na't kung oras na ang tumutol sa kanilang dalawa? - Warning: Medyo madrama 'to. ㅋㅋㅋ ≧﹏≦