Chapter 11

716 49 3
                                        

"Nasaan ang magulang ng pasyente?"

Agad napatayo si Baekhyun sa kinauupuan nya at lumapit sa doktor.

"Papunta na po sila." Sagot niya. "Doc, kamusta na po si Chanyeol?! Kamusta na po ang boyfriend ko?!"

Malapit nang maiyak si Baekhyun sa mga oras na iyon. Parang tambol sa lakas ng kabog ang dibdib nya at hindi nya alam ang gagawin kapag may nalaman pa syang hindi maganda sa kalagayan ni Chanyeol.

"Uhm.. mabuti na lang at dito naidala si Park Chanyeol. Matagal na syang pasyente namin dito noon at nagpabalik balik na rin sya dahil sa sakit nya." Sabi ng doktor. "Hindi na ako magsisinungaling pa. Hindi na maganda ang kalagayan ni Chanyeol ngayon. Medyo lumala na ang sakit nya. Kaya nasaan na ba ang mga magulang nya? Kailangan ko silang makausap."

Natulala si Baekhyun. Parang unti-unting dinudurog ang puso nya habang naririnig nya ang mga salitang yun galing sa doktor. Kung pwede nga lang nyang kunin ang sakit ni Chanyeol ay ginawa na nya. Bakit pa kailangang mangyari ang mga ito??

"P-Paparating na po sila.."

Tuluyang naluha si Baekhyun at wala na syang pakialam kahit nasa harap sya ng doktor na iyon. Naramdaman nya na lang ang isang haplos sa likod nya.

"Alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon, hijo. Pero kailangan mong magpakatatag. Kilala na namin yan si Chanyeol, malakas sya. Hindi sya agad agad nagpapatalo sa sakit nya." sabi ng doktor sa kanya. Tumango lang si Baekhyun.

Ilang sandaling paghihintay ay natanaw ni Baekhyun ang nagmamadaling mama at papa ni Chanyeol na tumatakbo sa pasilyo ng ospital papunta sa kanila.

"Doc! Nasaan ang anak ko?! Ano nang kalagayan nya?!"

Nanatili si Baekhyun na nakaupo sa isang tabi habang humihikbi ng tahimik. Naguusap ang mga magulang ni Chanyeol tungkol sa kalagayan niya.

Bigla syang napaisip.

Ano bang malaking kasalanan ang ginawa nya para pagkaitan sya ng ganito? Masaya naman sila noon. Pinatawad nya si Chanyeol at tinanggap matapos syang iwanan nito. Nagtiwala naman sila sa isa't-isa pero bakit sila humantong sa ganito? Bakit si Chanyeol pa?

Pumasok sila Baekhyun kasama ang parents ni Chanyeol sa loob ng kwarto. Dito ay naabutan nila si Chanyeol na maraming makinang nakakabit sa katawan nya upang suportahan ang kanyang paghinga.

"Mahina na po ba ang katawan nya? Bakit may mga makina nang nakakakabit sa kanya?" Umiiyak na tanong ni Baekhyun. "Pagpasensyahan nyo po ako dahil kailan ko lang nalaman ito."

Lumapit ang mama ni Chanyeol sa kanya.

"Wala kang dapat ipagsorry. Kung may nagkamali man dito ay kami yung mga magulang nya. Hindi namin sya natuunan masyado ng pansin kaya umabot sya sa ganyan." Paliwanag ng mama ni Chanyeol. "Nagpapasalamat ako kasi nandyan ka. Mahal na mahal ka ni Chanyeol alam mo ba yun?"

Napaluha muli si Baekhyun habang nakatingin sa mama ni Yeol. Pagkatapos ay tumingin sya kay Chanyeol at hinawakan ang kamay nito.

"Nakikita mo ba yang lifeline nya?" Ang turo ng mama ni Chanyeol dun sa may makinang nasa gilid. "Kung wala ka, baka sumuko na si Chanyeol. Baka matagal nang naging flatline yan at tuluyan na syang nagpaalam sa amin."

"Maging malakas ka Baekhyun ha? Para kay Chanyeol. Nandito lang kami ng papa nya para sa inyong dalawa."

-

Alas diyes na ng gabi pero hindi padin umuuwi si Baekhyun. Tumawag sya sa mama nya at sinabing nasa bahay sya nila Chanyeol pero ang totoo, nasa ospital pa sya. Ni hindi pa sya nakakapag palit ng damit at hanggang ngayon ay suot nya parin ang uniporme nya pero hindi na mahalaga iyon. Hinihintay nyang magising si Chanyeol at gusto nya paggising nito ay magkasama silang dalawa.

Nakita ni Baekhyun ang isang wallet sa lamesa at napansin nyang ito yung wallet ni Chanyeol. Kinuha nya ito at binuksan. Tumambad sa kanya yung litrato nilang dalawa. Bigla syang napangiti.

Hindi naman pala puro malungkot ang nangyayari sa'tin Chanyeol.. Masaya pa din tayo kahit na ganito..

Naagaw ang atensyon ni Baekhyun nang mapansin nyang gumagalaw ang mga daliri ni Chanyeol. Unti-unti nyang idinilat ang mga mata nya at naaninag agad ni Chanyeol ang mukha ni Baekhyun.

"Chanyeol.." hinawakan ni Baekhyun ng mahigpit ang kamay ni Chanyeol at hinalikan ito.

"B.." napangiti si Chanyeol ng matamlay at pinunasan yung luha ni Baekhyun na pumatak na naman.

"Akala ko... akala ko hindi ka na gigising..." napahagulgol ng tuluyan si Baekhyun.

"Pwede ba yun? Syempre tutuparin ko ang pangako ko sa'yo.. Hindi kita iiwan.."

"Sandali, tatawag ako ng doktor. Sasabihin ko, gising ka na."

Mabilis na lumabas si Baekhyun at nakita nya ang mama at papa ni Chanyeol sa labas. Sinabi nyang nagising na si Chanyeol kaya agad silang nagtungo sa kwarto nito. Tinawag nya rin ang doktor.

Papasok na din sana si Baekhyun nang masilip nya sa loob ng kwarto ang parents ni Chanyeol at si Chanyeol na parang masayang nagkekwentuhan. Kahit na mugto ang mga mata ng magulang ni Chanyeol sa kakaiyak ay parang balewala ito sa mga tawa at ngiti nila ngayon. Hindi na itinuloy ni Baekhyun ang pagpasok, isinara nya na lang ulit ang pinto.

Napasandal sya sa pader at napangiti.

Sakit lang yan Chanyeol, Maraming nagmamahal sa'yo... Kaya natin 'to..

-

Saranghae, B (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon