The Beginning of the End

1.2K 44 12
                                    

The Beginning of the End

Dyosa



Ang isang diyosa ay isang makapangyarihan na nilalang, tulad ng diyosa, na sinasamba ng mga taong naniniwalang ito ay kumokontrol o nagpapalakas sa ilang aspeto ng mundo. Ang bawat diyosa ay may kanya-kanyang natatanging katangian, talento at kaakibat na mga ritwal.



Subalit lahat ng ito ay hindi umiiral sa mundo na aking ginagalawan ngayon. Sa kadahilanang hindi sila naniniwala o pilit nila itong kinalimutan dahil sa isang trahedya na naging bangungot halos lahat ng nilalang sa mundong ito. Na ibig sabihin ay baliwa ang isang dyosang kagaya ko sa kahit saan mang kaharian.




Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil isa akong dyosa ngunit sa kadahilanang nandito ako sa mundo ng Anfreileon hindi ko mapigilang mapaisip na sana ay katulad nila ako. Lalo na't kahit hindi pa ako sigurado sa aking nalalaman ay mas nanaisin kong maging katulad nila dahil sa ganung bagay ay mabilis nila akong tatanggapin ngunit alam kong hindi maaari.







Isa akong tunay na dyosa. Dyosa na isinusumpa ng lahat ng mga nilalang dito sa mundo ng Anfreileon.





Tinuon ko muli ang aking paningin sa unahan kung saan ang halimaw ay nasa ere habang ito ay nagtungo sa aming direksyon. Umugoy-ugoy ang mahabang buntot nito at umungol ng malakas.  Sa kalagitnaan ng pagiging kabahala ay hindi ko siya mapigilang pagmasdan.




Ang wangis niyang kasing ganda ng isang dyamante dahil kumislap ang kaliskis nito kapag nasisinagan ng araw. Ang mga mata nitong kulay crystal na akala mo ay hinigop ka nito.





Napatingin ako sa aking kasamahan kung saan nag hahanda sa pag ataki ng halimaw samin. Mabilis ko naman inilabas ang aking wand habang napasulyap kay Cynthia na ngayon ay nakatutok ang kanyang palaso sa halimaw na may gintong ilaw ang dulo nito.




Huminga ako ng malalim ng muling umungol ang halimaw bago niya kami inataki. Subalit lahat ng aming ginawa ay napunta sa wala. Sa kadahilanang sa isang iglap ay napadpad kami sa isang madilim na lugar.




"Nasaan tayo?"



"Claudia?"



Napakurap kurap ako ng marinig ko ang boses ni Cynthia.



"Nandito ako." aking sagot at hinanap ang kanyang presensiya. Mabilis ko naman itong nahanap at tumabi sa kanya.




Hinawakan niya ako at mabilis naman tumabi sakin si Nestle.





"Ang dilim naman. Nasaan kaya tayo?" Rinig kong tanong mula sa kanya.




Inilibot ko ang aking tingin ngunit wala akong makita. Kahit isang kislap ng liwanag ay wala.



"I think nasa isang dimension tayo." sagot ni Tamara nasa aming likuran.




"Sino naman ang gumawa nito? Bakit dinala tayo dito?" Sunod sunod na tanong ni Nestle.


Mahigpit kong hinawakan ang aking wand nang marinig ko ang sinabi ni Tamara. Kung mararapatin ay tama siya. Kung nasa isang dimension kami dinala, sino naman ang gumawa nito? Bakit niya kami ipinasok dito? Anong dahilan upang kami ay narito? Kung ang halimaw ang gumawa paano niya ito nagawa? Isang hamak na halimaw lang naman siya? Kung siya man ay hindi siya ordinaryong halimaw sapagkat kaya niya itong gawin sa isang kisap mata lamang. Bakit hindi namin yun napansin?


Marami akong tanong ngunit niisa di ko alam kung ano ang totoo.



Biglang kumislap ang paligid namin dahilan upang maging alerto kami. Dahil sa nangyari ay may kaunting ilaw ang ginawa ng mga kumikuti kutitap na tila mga alitaptap. Mas naging alerto kami ng biglang itong lumipad ng mabilis sa ere at umikot ikot. Napatingin ako sa ibat-ibang bahagi ng dimension subalit wala akong makita dahil sa mga ilaw.



Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon