Chapter 34- Section

944 48 1
                                    


Pus-pusang pag-iinsayo,paggawa ng ibat-ibang sangkap sa aming laboratory at pagkilala sa ibat-ibang uri ng mga sandata at kapangyarihan ang aming ginawa sa loob ng isang buwan.Sa loob ng isang buwan din ay hindi maiiwasan ang pang-aapi ng ibang estudyante sa mga mahihina,kasali na ako doon dahil nga nasa Section Z-Bronze ako nabibilang.Hinahayan ko nalang sila sa kanilang ginagawa dahil alam kong mapapagod lang sila.Alam din nina Nestle ang nangyari sa akin,galit na galit nga yun sila ngunit kinukumbinsi ko na wag nalang patulan.

Ngayon ay nasa bench kami  nagpapahinga dahil break time namin.Kasama ko sina Nestle,Cynthia at Tamara ngayon habang may ibat-ibang kinaababalahan.Si Cynthia ay nagbabasa ng libro,may kung anu-anong ginawa sa kuko naman si Tamara at kami naman ni Nestle ay nakatanaw sa mga estudyanteng naglalaro sa field.Gawang tubig ang kanilang bola na pinalibutan ng matitinik na yelo.Ito ay mistula nilang pinag-aagawan para ipasok sa isang lambat sa magkabilang pwesto na may nakaharang din na isang estudyante.

Napatingin ako kay Nestle na ngayon ay kumakain.Ang kanyang palaging kinakain kapag ganitong may bakante kaming oras.Maliit ito habang halo-halo ang kulay nito.Naramdaman ata ni Nestle na may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa akin habang nilalahad ang kanyang kinain at sumubo.

"Gusto mo ng marshmallow?"Aniya.

Marshmallow pala ang tawag nito.Umiling ako sa kanya at tumingin ulit sa field.

"Balita ko may bagong mission na naman ang Royalties."Sabi niya.Pinakinggan ko nalang siya habang nakatanaw parin sa field.

"Ano naman ang kanilang bagong mission?"Tanong ko.

"May hinahanap ulit silang dyamante ata.Yan kasi ang naririnig ko mula sa mga Crystals."Sagot niya sa tanong ko.Kung nalilito kayo kung ano ang Crystals na tinutukoy ni Nestle,mga estudyante po yan.

Section A-Z Bronze- ang pinakamababa o mahina at kami yan.Iwan ko ba kung bakit nandito ako sa section na ito pero ayos lang naman.

Section A-Z Crystal- ang may kaya ng kontrolin kung paano nila gamitin ang kanilang kapangyarihan.May bracelet silang suot na gawa sa crystal.Ang bracelet ang nagpapahiwatig na sila ay mga Crystal Students.

Section A-Z Diamond- ikatlong pinakamalakas na section ng gumamit ng kanilang kapangyarihan.Kaya na nila kung ano ang kanilang gagawin.Kwentas ang sa kanila na gawa sa dyamante.

Section A-Z Silver- ikalawang pinakamalakas na section.Ang mga estudyante dito ay binibigyan na ng pagsusulit sa labas ng Akademya ngunit hindi masyadong mabigat.Dito din nabibilang ang tinawag nilang Knights ng mga Royalties.Pin naman sa kanila malapit sa logo.

Section A-Gold- ang pinakamalakas sa lahat ng section.Dito nabibilang ang mga Royalties.Sila ang mga estudyanteng pinadala sa ibat-ibang misyon na binibigay ng Head Master.Kapa ang nagpapahiwatig na Gold Students sila.

"Ganun ba.Ano na naman kaya ang hinahanap nilang dyamante?"Lumingon ako sa kanya at nagkibit-balikat lang siya.Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang suot kong salamin.Tumingin ulit sa mga estudyanteng naglalaro sa field.Napakunot ang aking noong may humarang sa aking tinatanaw.Inangat ang aking tingin upang makita kung sino.Napakurap-kurap ako.Sila na naman.

Nakataas ang kilay nito sa amin habang nasa dibdib ang mga braso.Kailan ba sila titigil?

"You."Turo nito sakin.Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko.Napatigil si Cynthia sa pagbabasa at tiniklop ang kanyang libro habang nakakunot ang noong nakatingin sa mga babaeng nakatayo sa aming harapan.Napatigil naman si Tamara sa pagkuskos ng kanyang kuko at nakataas ang kilay nitong hinahagod ang katawan ng mga estudyante sa aming harapan.Lumalamon parin si Nestle habang makipagtagisan ng tingin sa kanila.Napakagat ako ng labi habang tumingin ulit sa kanila.

"What do you need miss?"Seryosong tanong ni Cynthia.Napairap naman ang babae sa dulo ng kaliwa.Apat din sila tulad namin at taga-Section Diamond dahil may pin sila malapit sa kanilang logo.Hindi ko alam kung nasa A or B batoh.

"We're not talking to you ugly duckling."Maarteng sagot ng babaeng tinuro ako.Akmang tatayo si Cynthia hinawakan ko ang braso niya.Tumingin naman ito sakin at kinunutan ako ng noo.

"Wag munang patulan ."Mahina kong sabi.Napasimangot naman siya.Tumingin ulit ako sa kanila.

"Bakit?"Nginitian nila ako na parang may masamang binabalak.Mabahaging dyosa.

"Dahil nasa Section Z-Bronze ka.We will make you as our slave.Wala ka ng magagawa slave.You like it or not you are our slave."Napanganga ako sa sinabi niya.Ano?Alipin?Bakit naman?Napatayo si Tamara ganun din si Nestle.Nabigla na lang akong sinubuan ni Nestle ang nagsabing slave daw ako nila.Nanlaki ang mata ng mga ito

"Ayan baka kasi gutom ka at sayo na din yan para may laman ang utak mo.Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo bruha."Malditang turan ni Nestle.Umusok naman ang ilong ng babae kaya sa isang iglap binato niya kami ng tubig.Naku po.

Mabilis kaming napaiwas doon.Inilabas din ng mga kasamahan nila ang kanilang kapangyarihan.Halos taga Althidon pala ang mga ito.Ang dahilan kung bakit sila galit na galit sakin dahil kinakausap ako ng isa sa mga prinsesa.Kalat na kalat yun sa buong Akademya hindi ko alam na malakas pala ang epekto nito sa mga estudyanteng hindi pinapansin o kinakausap ng mga Royalties.

"Pwede ba miss,tumigil ka na.Nakakaasar ka talaga.Akala mo kung sino.Insecure kalang talaga kay Claudia dahil kinakausap siya ng prinsesa niyo."Dahil sa pag-aasar ni Tamara sa kanya mas lalo itong nagalit at pinatulan naman nila ito.

Gumawa ako ng shield para hindi matamaan kahit anong kapangyarihan.Napapatingin na din sa amin ang iba at napahinto ang naglalaro sa field.Tinatanaw lang nila kami kung sino ang matalo.Nakita kung pinapana ni Cynthia ang babaeng may kapangyarihan ng hangin habang si Tamara naman ay ginamitan ng kapangyarihan niyang apoy ang babaeng may kapangyarihan ng lupa.Si Nestle naman ay gumawa ng maraming snow flakes at pinatama sa babaeng may kapangyarihan ng tubig,ang babaeng nagsasabing alipin nila ako.At ang aking kalaban ay walang iba ang babaeng may kapangyarihan ng apoy.Kaya gumawa ako ng shield dahil gumawa siya ng malaking bilog na apoy.

Nakita ko siyang nakangisi habang nilalaro ang bolang apoy sa kanyang kaliwang kamay.Tumayo ako ng tuwid at iniwala ang barrier na ginawa ko.Inayos ko ang aking salamin at sinalubong ang kanyang mga mata.

"Matapang ka na niyan?Oh gosh.You're a pathetic witch.Mahina."mainsulto at maarte nitong tanong.Ang magawa ko lamang ay ang magbuntong hininga.Bakit may ganitong nilalang sa mundo?Halos lahat ng ibat-ibang uri ng nilalang dito ay may ganyang ugali.Walang pinagkaiba.Mabibilang lang sa aking daliri ang mabuting nilalang na aking nakasalamuha.

"Tumigil ka na."mahina at malumanay kong pakiusap sa kanya ngunit tumawa lang ito sa usal ko.Tinaas-baba ang mga kilay at naglalakad papalapit sakin.Gusto ko sanang umatras ngunit napaisip ako na baka'y iisipin niyang wala akong lakas o sapat na kapangyarihan para kalabanin siya.Baka'y sa mga mata niya ay tuluyan na akong mahina sa paningin niya.Ayoko.Kung kaya ko,lalaban ako.Kakalabanin ko siya.Ito lang naman ang daan upang patuloy akong mamuhay sa kanilang mundo.Ang lumaban kahit hindi patas.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon