Chapter 28: Anfreileon Warriors Academy

994 53 0
                                    

"Suotin mo to."Kahit nagtataka kinuha ko nalang ang inilahad niya sa akin.Inilagay ko ito sa aking mga mata.

"Wow,new eye glasses?And darling,new look.Di kita na kilala.Ang galing."Napatingin ako kay Nestle.Nasa pintuan ito ng aking kwarto.Tumikhim si Alice kaya napalingon kami sa kanya.

"Ehem,handa na kayo?Pumunta na kayo sa daungan baka di na kayo makasakay.Madami pa namang katulad ninyong nakapasa sa labanan."

Isang malaking bagahe ang aking dala ganun din kay Nestle.Ang suot ko ay pang witch dahil simula ngayong araw,papasok ako sa paaralan bilang mangkukulam.

___

"Haist,ang init." Nasa daungan na kami ng aming masasakyan at sa kasamaang palad ang haba ng pila.Mabigat pa naman itong dala ko.

Ang ingay-ingay ng paligid at tama nga si Alice,madami nga kami.Kahit madaming sasakyan mukhang kulang pa din.May iba ngang sumakay ng mag-isa sa pegasus para lang makapunta sa akademya.Napailing-iling nalang ako.Hindi makapaghintay.

"Aay,ayan na."Napatingin ako sa unahan.May huminto na sa amin kaya ang nasa unahan dali-daling sumakay ganun din kami.Mahirap na baka magkakaubusan.Pag-apak ko palang sa mahabang sasakyan randam ko na ang kakaiba at bigat ng atmospera.Napangiwi ako dahil dun at mabilis sinundan si Nestle.

Inilagay namin ang aming bagahe sa ibabaw namin at umupo sa dalawahan.Ako ang nasa bintana habang si Nestle sa tabi ng daanan.Nagsimulang umandar ang aming sasakyan at mabilis akong napalingon sa bintana.Kita ko pa ang ibang naghihintay ng masasakyan.

'Ang dami nga namin.'Napangiti akong mapagtantong di na ako masyadong makaluma magsalita.Hay naku,nagaya ko na ata si Nestle.

Napamulat akong may tumapik-tapik sa pisngi ko at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Nestle.

"Don't stare at me,darling.Get up,nandito na tayo,eeeehh."Impit niyang tili.Napailing-iling nalang ako habang may ngiti sa labi.Bago ako tumayo ay sumilip ako sa bintana.

'Tama nga siya,nandito na kami.'Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at kinuha ang aking bagahe sa ibabaw namin.Naunang lumabas si Nestle hindi halatang natutuwa.

Sa pagbaba ko ay nakita kong nakatanaw si Nestle sa napakalaking paaralan na maihahalintulad sa isang palasyo.Napahawak ako sa aking sumbrerong humangin at dahan-dahang pumunta sa tabi niya.

Napasulyap ako sa kanya at kita ko ang paghanga sa mga mata niya.Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa harap,kita ko din ang mga immortal na kagaya kong bago.Parehas naming hinintay bumukas ang malaking tarangkahan ng paaralan.Sa ibabaw nito ay nakaukit ang pangalan ng paaralan at ang simbolo nito.Napaatras akong tumunog ang tarangkahan at ito'y unti-unting bumukas.

Sabay-sabay kaming napasinghap nang makita ang kabuohan sa loob.Kung gaano ito kalaki mula sa labas mas dumoble sa loob.Napakalaki.Nagsimulang pumasok ang nasa unahan,napakapit sa akin si Nestle na may ngiti sa labi habang nakatingin sa mala-palasyong paaralan.

Hindi ko mapigilang mamangha ng tuluyan kaming makapasok sa loob Ang ganda.Mula sa gitna na kung saan ang paaralan,mga punong nagkalat at nakakahumaling na mga bulaklak.May nakita din akong lawa sa kabilang banda habang may tulay.

Napaawang ang aking labi sa nakita.Sobrang ganda.Nagising ako na may nagsalita.

"Welcome to Anfreilreon Warriors Academy."Napalingon ako sa aming unahan makita ang lalaking naka suot ng magarbong damit at may kapa habang may sandatang nakatali sa bewang.Halos kami ay napatingin sa kanya at naghintay kung ano man ang sasabihin nito.

"I'm glad to see all new students of our Academy.I'm Professor Caspian and which is assigned to give your keys."

May biglang sumulpot sa aking harapan isang susi at may pirasong papel.Napatingin ako sa iba at ganun din may susi ding nakalutang.Agad ko itong kinuha pati na rin ang papel.

"In the right side of your Academy is the boys dormitory and the left side is the girls dormitory.Good luck and have a nice day to all."

Nagsimulang nag-alisan ang mga kasamahan namin.

"Tara na?Teka,anong key number mo?"Napalingon ako kay Nestle sa tanong niya at tumitingin sa susing hawak ko.Nakasabay namin ang mga ibang babae papuntang dormitory namin.

"Key #455."Nakita kong ngumuso siya sa sagot ko.

"Di tayo same ng dorm,waah."

"Ano?"

"Key #530 ang akin."Napangiwi akong malayo ang dorm niya.

____

"Ayaw mo talagang samahan kita?"Nasa tapat na ako ng dorm ko habang kausap si Nestle na ngayon ay maghahanap sa dorm niya.Di ko akalaing ang laki ng dormitory para sa babae ewan ko lang sa boys.

"Wag na,kaya ko na.Pumasok ka nalang dyan para makapahinga.Dadaanin nalang kita kapag maglilibot na tayo sa academy,okay?"Tumango nalang ako sa kanya at yumakap.

"Osha,aalis na ako."Nang mawala siya sa aking mga mata,binuksan ko ang dormitoryo ko.Pagpihit ko ay kita ko ang nasa loob.Maganda at malaki.Pinasok ko ang aking bagahe at hinanap ang kwarto.Dalawang kwarto ang nahanap ko,yung isa ay may nakaukit na Cynthia habang yung isa wala.Pinihit ko ang pintong walang pangalan at pumasok.Binitawan ko ang aking bagahe at humiga sa kama.Pumikit ako habang minamanmanan kung gaano kalambot ng kama.

Nagising akong marinig ang sunod-sunod na kalabog galing sa labas ng kwarto ko.Agad akong tumayo at inayos ang salamin sa aking mga mata.Tinabi ko muna ang bagahe ko malapit sa kama at lumabas.Hinanap ko kung saan nagmula ang kalabog.Mula sa kusina,lumabas ang isang magandang babae na may suot ng uniporme ng paaralan.May matulis na tenga,mahabang buhok at may dalang pinggan.Napahinto itong makita ako at nanlaki ang bilogang mata.Yumuko ako sa kanya kaya napayuko din siya.

"You must be my dorm mate?"Tanong nito.Tumango naman ako sa kanya at ngumiti siya.Sinundan ko siya ng tingin papuntang sala at doon niya inilagay sa maliit na mesa ang dala niyang pinggan.

"Come here,sit beside me."Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.Pinagmasdan niya ang mukha ko at kabuohan ko.Naiilang ako sa ginawa kaya napa-iwas ako ng tingin.Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"I'm Cynthia.Ikaw,anong name mo?"Nakangiting pakilala sa akin.

"Claudia.I'm Claudia."

"Nice to meet you,Claudia.Masaya akong may kadorm mate na ako."Wala akong masabi.

"Wait,kukuha ako ng plate mo.Nagluto kasi ako sa kusena because I'm starving.Wait lang hah."Umalis siya at pumuntang kusina.Naiwan ako sa salang nakatulala sa pintuan ng kusina.Ang hinhin niya at ang bait.

Napakurap-kurap akong makita siyang lumabas sa kusina at dala-dala ang pinggan para sa akin.Doon ko lang na pansin na may pagkain pala sa mesang kaharap ko ngayon.

"By the way,may naghahanap sayo kanina and I told her na baka your sleeping and tama nga natulog ka.She said,babalik siya bukas para sabay daw kayo pupunta ng School.Ano nga ulit name nun?"

"Nestle."Bigkas ko.Napa pitik naman siya sa ere.

"Yeah,it's Nestle.She so madaldal and mataray.And I like her attitude,hahaha."Napangiti naman ako sa sinabi niya.Tama naman siya tungkol kay Nestle.

"Hey,kain tayo.Masarap tong niluto ko."Tinikman ko naman ang luto niya at ang sarap nga.Iba talaga kapag isang taga -Faerydae.Magagaling magluto.

"Ang sarap ng luto mo."

"I'm glad you like it,yay.By the way,I told your friend na itotour ko kayo bukas before the class hour."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon