Inilipat ko sa ibang pahina ang isa sa mga librong kumuha ng atensiyon ko.Ngunit sa kasamaang palad hindi ko mahanap-hanap ang nais ko sanang basahin.Nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismayang inilibing na sa hukay ang kasaysayan tungkol sa aming mga dyosa.Wala ni isa sa mga librong kinuha ko ang nagsulat o naglaman tungkol sa amin.Lahat ng libro ay tungkol lamang sa kasaysayan ng Anfreilreon at mga kontinente kung paano ito na buo at nagsimula bilang isang mundo.Mga ulat tungkol sa pinakaunang mg pinuno hanggang sa kasalukuyang namumuno. Mga tungkulin,larangan,antas sa lipunan,buhay ng kanilang kinasasakupang kaharian at paano nila ito inaalagaan habang ito'y nasa kanilang mga kamay.Mga kapangyarihan nilang lubos hinahangaan ng karamihan kung gaano ito kalakas at kung paano nila ito ginamit sa pakikipaglaban.Mga kaha nang unang henerasyon at lumipas ng mga henerasyon.Mga makasaysayang labanan sa unang mga pinuno sa pagsakop at pagsagupaan noong hindi pa balanse ang mundo ng Anfreilreon hanggang ito'y nagkaisa.Mga immortal na tumalinga sa kanila at uhaw sa kapangyarihan.Mga prinsepe at prinsesang malaki ang responsibelidad sa kanilang trono at bilang isa sa mga malalakas na immortal sa kasalukuyan.
Napabuntong-hinga akong nasa huling pahina na ako ng libro.Mahina kong isinarado ang libro at pinatong sa ibang libro na nasa aking mesa.Tumayo ako at inilagay ito sa aking mga braso.Nagsimula akong ilagay ang mga ito sa kanilang istante.Pagkatapos ay nagpaalam sa katiwala ng aklatan at lumabas sa silid-aklatan.
Mag-isa akong tinahak ang mahabang pasilyo patungong cafeteria.Pagdating ko ay hinahanap ng aking mga mata sina Nestle at nakita ko silang nakaupo habang nilalantakan ang kanilang pagkain.Napalingon sa gawi ko si Tamara at kinawayan ako.Napangiti ako at tumungo sa kanila.
"Where have you been,young lady?"Agad na tanong ni Tamara sa akin nang dumating sa kanilang kinauupuan.Napakamot naman ako sa hintuturo ko at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Nestle na ngayon ay nakataas baba ang kilay sa akin.
"Sa library."Sagot ko at nagsimulang kumuha ng pagkain sa pinggan ni Nestle.Tinampal niya naman ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Akin yan,wag kang ano.Gutom ako."Masungit niya sabi at nilayo ang pagkain sa akin.
"Here,Claudia."Napalingon ako kay Cynthia habang may tinulak sa mesa,ang pagkain niya.
"Busog ka na?"Tumango naman siya kaya kinain ko ang ibinigay niya.Narinig ko namang napatawa silang tatlo ngunit hinayaan ko nalang ito.
Nagulat at napahinto ako sa pagsubo nang may nagbuhos sa akin ng malamig at malagkit na tubig.Narinig kong napasinghap ang lahat lalong-lalo na ang mga kaibigan ko.Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang mga tawanan ng iba dito sa cafeteria.
"Oppss,my bad."Boses mula sa aking likuran.
"What the hell?"Giit ni Nestle.
"Ow,I'm sorry.It's just a dare."Walang kagalang-galang na paumanhin nito.Kinalma ko nalang ang aking sarili at lumingon sa kanya.Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin at nakabukas ang dalawang batones ng kanyang pang-itaas na uniporme habang nakatupi ang manggas.
"What?Staring is rude."Masungit nitong sabi at umalis.Nakita ko itong patungo sa kagrupo niya dahil nag-apiran at nagtawanan habang nakatingin sa akin.Walang magawa sa buhay.
"The heck with that bloodsucker."
Lumapit sa akin si Cynthia at pinapahiran nito ng kanyang panyo ang ulo ko.Isang bampira pala yun kaya pala maputla.
"Ang yayabang.Walang sinasanto."Rinig kong bulong ni Tamara.Nilinis niya ang kalat namin sa mesa habang tinutulungan ito ni Nestle.Nabigla na lang kami nang tumilapon ang mesa namin sa pader.Napangiwi akong makitang wasak na wasak ito at halos lahat kami ay napatingin sa may gawa.Nanlilisik ang mata nito habang matiim na nakatitig sa amin.
"What the hell did you say?"Malamig nitong sabi na napaikot ng mga mata ni Tamara.Napakagat ako ng labing maramdaman ang malamig ng atmospera dito sa cafeteria.Napalingon ako sa paligid at nakita ko silang nagsi -atrasan habang naghihintay kung anumang mangyari.
Napakunot ang noo kong mapansing wala silang paki.Bakit?
"Totoo naman eh.Why?Di ka aware?"Masungit na sagot ni Tamara.Napatayo ako kaya napa-atras ng kaunti si Cynthia habang napailing-iling at si Nestle naman ay nagulat nang makita ang bampirang mabilis hinawakan ang leeg ni Tamara na ngayon ay malakas isinandal sa pader dahilan upang magkaroon ng bitak.Napangiwi si Tamara at hinawakan ang kamay ng bampira sa may bandang leeg niya.
Napabitaw ang bampirang habang hawak ang kamay nito.Napaluhod si Tamara at napahawak sa kanyang leeg.Susugod na sana ulit ang bampirang may boses na dumadagundong sa iba't ibang sulok ng cafeteria.Halos kaming lahat ay nanigas sa kinatatayuan at dahan-dahang tumingin sa nagmamay-ari nito.Kita sa mukha ang galit nito at grabeh ang pag-igting ng panga nito.Nakakatakot siya.
"What the fuck."Malutong nitong mura ng ito'y nakalapit na sa amin.Nakita kong napaatras ang bampira at akmang tatakas ng magsalita ulit ito.
"Stay,asshole."Mariin at nagbabantang utos nito at mabilis itong lumapit sa bampira.Hinawakan nito ang braso ng bampira at sabay nawala sa harapan naming lahat.Halos ata kami ay sabay napaginwaha sa pag-alis nito.
"God,nawalan ako ng hininga don ah."
"Nakakatakot talaga si Prince Caelum."
"Scary as ever."
"It's okay,dagdag appeal niya yun."
"His more handsome to my eyes when he got mad."
"He is so damn scary and hot."
"Perks of being a Vampire Prince."Rinig ko mula kay Cynthia.Napalingon kaming tatlo kay Tamara at agad itong nilapitan.
"Are you okay?"Itinaas naman ang hinlalaki nito na nagsabing okay lang siya.
"Normal na ba dito ang mga eksena kagaya kanina?"Tanong ni Nestle.Inalalayan namin si Tamara tumayo at pinagpag ang uniporme niya.
"Ah oo,normal na yun meron ngang halos magpatayan na eh.Himala nga ngayon dahil dumating si Prince Caelum at pumigil pa sa nangyari.Wala namang paki ang Royalties sa mangyari basta lumalaban ka din at kung kaya mo.Nasa iyo ang desisyon kung magpapatalo ka ba sa kalaban mo.To become a warrior is to be strong and brave.The words weak and fear are not included in the vocabulary of this Academy.So that's why,hinayaan lang nila."Sagot ni Tamara habang inayos ang kanyang tindig.Napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig,ganon din si Nestle.
"Sabi nga nila,don't let your guard down.Wag mong hayaang ipakita sa kanila ang kahinaan mo kundi patay ka."Dugtong pa nito.
"Yeah,I agree."Sigunda ni Cynthia.
"Do you want to go to the clinic,Tam?"
"Wag na.I'm okay."Napabuntong-hinga nalang kami dahil wala kaming magawa sa gusto niya.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Tamara habang papuntang dormitory namin.
Kahinaan,tama hindi dapat ipinapakita ang kahinaan dahil ikaw lang ang maging talo sa pagdating ng panahon kapag hinayaan mong ipakita ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)
Fantasy[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of lies and betrayal. ---- Started:09-21-19 End: 12- 20- 2022 Photo reference from Pinterest